The Truth Hurts

1.5K 75 1
                                    


"Hi mama.." bati ni Jade. Sabay halik sa pisnge ni Amanda. "Hi Paul," bati niya rin sa kapatid.

"Oh, Jade.. akala ko ba sa isang linggo kapa dadalaw?" Tanong ni Amanda.

Umupo si Jade sa tabi ni Paul. "Amm nagbago po isip ko e.. na miss ko kayo," nakangiting tugon niya.

"Shobe where's Althea? Akala ko ba kayong dalawa ang bibisita dito," tanong ni Paul.

Yeah akala niya rin. Actually planado na sana lahat e. Na pag nakauwi na pamilya niya galing China sabay sila ni Althea bibisita sa mga ito. "Ammm... she's busy," alibi ni Jade. "Where's Ama?"

"Ayon nagpapahinga. Napagod sa byahe. Si Ahya Gabriel mo naman ay hinatid si Pearl sa OBgyne. Medyo sumakit daw kasi tiyan nitong Pearl," sagot ni Amanda.

Napangiti siya ng maalala na 5 months na nga palang buntis si Pearl. "Si Dada po?" Pagkuway tanong niya.

"Nasa study room..... kausap si David," sagot parin ni Amanda.

"Si David?" Kunot noong tanong niya.

Tumango si Amanda. "Ewan ko ba dyan sa Dada mo. Paglapag na paglapag ng eroplanong sinasakyan namin e tinawagan na agad si David,"

Tumayo si Jade.

"O shobe saan ka pupunta?" Nakatingalang tanong ni Paul.

"Amm pupuntahan ko lang si Dada," sagot niya.

"O sige Jade. Pababain mo na din sila at magpapahanda na ako ng hapunan. Dito ka na lang din kumain okay?" Sabi ni Amanda.

Tumango lang si Jade sabay lakad. Nasa tapat na siya ng pinto at akmang kakatok na siya sa study room ng marinig niya ang pangalan niya. Siya ba ang pinag uusapan ng mga ito. Narinig niya rin na parang nag tatalo ang dalawa.

"Tito Oscar napakalaki po ng nagawa kong kasalanan kay Jade..." sabi ni David.

"Ano bang pinagsasabi mo David? Ginawa mo lang ang tama... hindi magtatagal ay marerealize din ni Jade na tunay siyang babae at lalake ang gusto niya. Hindi isang leasbiana!" Sigaw nito.

Sa narinig ni Jade ay marahas niyang binuksan ang pinto. Gulat na gulat siya narinig niya. Sabay pang napalingon si Oscar at David sa kanya.

"Dada?... Ano po yung pinagsasabi niyo tungkol sa akin?" Kunot noong tanong ni Jade.

"Jade, wala ka na bang galang ngayon at bigla bigla ka nalang pumapasok ng hindi kumakatok?" Pagalit na tugon ni Oscar kay Jade.

"Dada sagutin mo tanong ko! Ano po yung narinig ko?... may kinalaman po ba kayo sa ginawang kahayupan ni David sa akin?" Sigaw niya parin.

Hindi sumagot si Oscar.

"Jade...." sabat ni David.

"Ano Dada bakit hindi ka makapagsalita?!" Hindi pinansin ni Jade si David.

"Ginawa ko lang kung ano ang dapat Jade. Para din ito sa ikabubuti mo," tugon ni Oscar.

Laglag ang balikat na napahinto si Jade. Hindi siya makapaniwala. Sarili niyang ama pa mismo ang gumawa ng dahilan para masira ang pagkababae niya.

"Isa pa, hindi naman basta basta itong si David. Alam mong mulat sapul kayo na ang itinakdang magsasama habang buhay," dugtong ni Oscar.

Unti unti ng napaluha si Jade. "Dada? Ikaw ang....... ikaw ang nag utos kay David na..... galawin ako?" Hindi parin makapaniwalang usal ni Jade.

"Para magising ka sa katotohanang isa kang babae... at lalake ang kailangan mo sa buhay. Hindi isang lesbianang katulad ni Althea!"

"Ano bang nangyayari dito? Dinig na dinig sa baba ang sigawan niyo ah," si Amanda na pumasok sa kwarto na iyon kasunod si Paul. "Jade anak bakit ka umiiyak?" Nilapitan nito si Jade.

"Paano niyo po nagawa sa akin to Dada? Akala ko po ba tanggap niyo na kung ano ako... akala ko ba tanggap niyo na kami ni Althea?" Hindi pinansin ni Jade ang ina.

"Kahit kailan Jade, hindi ko matatanggap ang pakikipag relasyon mo kay Althea. Sa isang lesbiana!"

"Lesbiana din ako Dada! bakit hindi niyo yun matanggap? At bakit kinakailangan pang ipagalaw niyo ako kay David? Paano niyo nagawa sa akin to Dada? Sa mismong sarili niyong anak!" Sigaw ni Jade kay Oscar.

"Jade ano bang pinagsasabi mo?" Si Amanda na gulong gulo sa nangyayari. "Oscar ano ba to ha?" Baling nito kay Oscar.

"Kayo ang magising sa katotohanan Dada... dahil kahit kailan... hinding hindi na ako magbabago!!" Sigaw parin ni Jade. Sabay labas sa kwarto na iyon.

"Jade!... anak!" Sigaw ni Amanda. Bumaling ito kay Paul. "Paul sundan mo si Jade,"

"Opo" tugon ni Paul sabay sunod kay Jade.

"Oscar?.. ano ba talaga ang nangyayari ha?... David?... bakit galit na galit si Jade. At ano iyong pinagsasabi niya?"
Naguguluhan paring tanong ni Amanda.

~~~~~

"Shobe sandali!" Nang sa wakas ay maabutan ni Paul si Jade. "Ano ba talagang nangyari ha?"

"Paul.... si David... si Dada," humahagulgul na tugon ni Jade. At napayakap nalang ito kay Paul habang patuloy paring umiiyak.

~~~~~

"Walang hiya ka Oscar!!!" Sabay hampas sa asawa. "Paano mo to nagawa sa anak natin ha? At kay Jade pa mismo na nag iisa mong anak na babae!!!" Sigaw ni Amanda.

"Amanda.. ano ba?... ginawa ko lang kung ano ang nararapat kay Jade,"

"Nararapat?!" Akmang susugurin nanaman ni Amanda si Oscar. Pero napigilan ito ni David.

"Tita.." si David sabay hawak kay Amanda.

"Bitawan mo ako David isa ka pa!!!" Piglas ni Amanda. At sinampal si David. "Pinagkatiwalaan ka ni Jade, tapos ito pa ang igaganti mo? Wala ka bang sariling desisyon David at nagawa mong sundin ang pinag uutos ni Oscar?! Ha!!?"

"Amanda tama na!!" Sigaw ni Oscar.

"Subukan mo pang pakialaman ang buhay ni Jade.. Oscar.. o kahit isa sa mga anak ko... ako na ang makakalaban mo!!!" Sigaw ni Amanda sabay lakad palabas.

"Amanda!... Amanda!!" Sigaw ni Oscar. Napahawak ito sa dibdib. "Amanda!!!!"


~~~~~~~

"Mama..." pukaw ni Jade sa ina.

Pagkatapos ng nangyari sa mansion ng Tanchingco ay sabay sabay silang tatlo kasama si Paul na umuwi sa apartment na tinitirhan ni Jade pansamantala. Tinawagan na din nila si Gabriel at maging ito ay galit na galit. Dadaan na daw muna si Gabriel sa mansion para makakuha ng mga damit. Hinatid na din muna nito si Pearl sa mga magulang nito.

"Jade anak... ayos ka lang ba?" Tanong ni Amanda.



Althea and JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon