Blessing

1.7K 72 0
                                    

(Continuation of chapter 8)

"Althea and Jade"

Chapter 9 (Blessing)

"Ouch!... dahan dahan naman lablab.. mukhang may galit ka ah," reklamo ni Althea.

Nasa apartment parin sila ni Jade. Kasalukuyan nitong ginagamot ang kanang kamao ni Althea dahil sa pagkakasuntok kay David.

"Lablab wag kang OA... bakit kasi kailangan mo pang suntukin si David? Ano ba tingin mo sa kamao mo? Kasing tigas ng kay Manny Pacquiao?" Kunway galit na tugon ni Jade. Habang nilalagyan ng bandage ang kamao ni Althea.

"E sa nanggigil na talaga ako sa kanya e... isa pa matagal ko ng gustong gawin iyon sa kanya,... at kahit man lang dun lablab mapaghiganti kita sa ginawa niya sayo.." tugon ni Althea.

Hininto ni Jade ang ginagawa at tinitigan si Althea. "Nasaktan ka tuloy sa ginawa mo," hinimas nito ang kamao ni Althea sabay hinalikan. "Actually lablab... kinausap ako ni David kanina. Naabutan niya ako bago ako makauwi,"

"Anong pinag usapan niyo?" Tanong ni Althea.

~~~~~

FLASHBACK

"Jade sandali..." pigil ni David kay Jade ng akmang sasakay na ang dalaga sa kotse nito.

Nilingon ni Jade si David. Napakunot noo siya ng makita ang pasa nito sa gilid ng labi.

Napansin iyon ni David saka ngumiti. "Wala sa itsura ni Althea na malakas pala siyang sumuntok..." patungkol nito sa pasa niya.

"Si Althea?" Nagtatakang tanong ni Jade.

Tumango si David. "Yes.. pinuntahan ko siya kanina... nagpaliwanag ako sa kanya,"

"Si Althea ang gumawa ng pasa na iyan sa mukha mo?" Hindi pinansin ni Jade ang sinabi David. Hindi siya makapaniwala na magagawang manuntok ni Althea.

"Well.. siya nga," nakangiting tugon ni David.

Napangiti si Jade. Iniisip niya palang kung ano ang itsura ni Althea habang sinusuntok si David parang gusto niya itong paliguan ng halik. Mas lalo pang minahal ni Jade si Althea dahil sa ginawa nito.

"Jade..." pukaw ni David sa pag iisip ng dalaga.

Napalis ang ngiti sa labi ni Jade. Saka tinitigan si David.

"Nagpunta ako dito.... una para humingi ng tawad sa ginawa ko... sa ginawa namin ni tito Oscar... nabulag ako sa pag asang babalikan mo pa ako sa oras na may mangyari sa atin... pero mali ako Jade. Maling mali..."

"David kahit ano pang sabihin mo.. nangyari na iyon. At hindi ko alam kung mapapatawad pa kita.. kayo ni Dada..Ngayon, isa lang ang hihingin ko sayo... sana ito na ang kahuli hulihang lalapitan mo ako at kakausapin.." pag lilinaw ni Jade. "Ayoko ng makita pa pagmumukha mo David. Kahit kailan..." pinal na desisyon ni Jade.

END OF FLASHBACK

~~~~~

"And he said para daw sa ikakapanatag ng kalooban ko... sa America nadaw siya titira," patungkol ni Jade kay David. Matapos nitong ekwento kay Althea ang nangyaring pag uusap nila ni David kanina.

Hinimas ni Althea ang pisnge ni Jade. Saka nginitian. "Lablab.... tomorrow is another day.."

Tumawa si Jade sa sinabi ni Althea. Yeah.. tomorrow is another day.. kakalimutan niya na ang mga masasakit na nangyari nitong mga nakaraan na linggo.

~~~~~

Dumating din ang araw kung saan hinatid na sa kanyang huling hantungan si Oscar. Again wala na namang luha ang pumatak sa mga mata ni Jade. Siguro darating din ang araw na mapapatawad niya ang Dada niya at pati si David. Pero hindi pa ito ang tamang panahon.. Bumalik na din siya sa bahay ni Althea maging sa kompanya nito. At dahil sa mga nangyari, naramdaman ni Jade at Althea na mas minahal pa nila ang isat isa.

Althea and JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon