LDR

2.1K 86 0
                                    

1 Month Later

Althea's POV

Kanina pa siya naiinis. 30minutes ng late si Jade para sa video chat nila. Ngayon lang ito na late sa usapan nila.

"Jade.. Jade... Jade...." paulit ulit na banggit niya sa pangalan nito. Ng biglang may kumatok.

"Chong!?" Bungad ni Batchi sa kanya ng mapagbuksan niya ng pinto.

Tinalikdan niya ito saka naglakad pabalik sa sala. Hinarap niya ulit ang lap top. Pero wala parin. Di parin naka online si Jade.

Sinara ni Batchi ang pinto saka siya nilapitan nito. "Problema Chong?" Umupo ito sa tapat niya.

"Si Jade, di pa siya naka online hanggang ngayon," inis na sabi niya.

"Hmm baka naman nakalimutan kana," saka tumawa ito.

Tiningnan niya ng matalim ang kaibigan.

"Oooh killer eye," nakatawa paring sabi nito.

"Nag punta kaba dito para mang asar lang?" Pag susungit niya kay Batchi.

"Hey relax. Alam mo namang binibiro lang kita diba?" Nakatawa paring sabi nito.

Parang gusto na niyang sapakin ang mukha ni Batchi.
"Baka naman busy si Jade. Huwag ka ng mainis dyan. Mabuti pa labas tayo. Nag yayaya si Wila," aya ni Batchi sa kanya.

Nakatuon lang ang paningin niya sa screen ng lap top niya. "Kayo nalang. Wala ako sa mood,"

Napakamot sa ulo si Batchi. "Chong.... Chong...."

Di niya pinansin ang pag tawag ni Batchi.

"Althea...!" Sigaw nito kasabay ng pag sara sa lap top niya.

"Batchi ano ba?! Alam mo namang hinihintay kong mag online si Jade," akmang bubuksan niya ulit ang lap top. Pero pinigilan siya ni Batchi.

"Chong, hayaan mo na muna si Jade. Baka busy lang iyon. Halika na magbihis ka. labas tayo." Pangungulit ni Batchi sa kanya.

"Batchi hindi pwede. Paano nalang kung mag online siya tapos ako naman ang wala? Baka magalit si Jade,"

"Tinawagan mo na ba?" Tanong ni Batchi sa kanya.

"Hindi ko siya ma contact e."

"Yun naman pala e. Malamang may ginagawa siya na importante---"

"Mas importante pa sa video call namin?" Putol niya kay Batchi.

Tumango ito."Mas importante pa dyan. Kaya magbihis kana. Kaysa naman mamuti iyang mata mo sa kakahintay kay Jade,"

Napaisip siya.

"Sige na..." hinila siya ni Batchi patayo at tinulak papunta sa kwarto niya.



~~~~~

At The Bar

"Buti naman at napalabas mo sa lungga niya iyang babaeng yan," si Wila.

Umupo lang si Althea sa tabi ni Wila. Isinandal niya ang likod.

"O, anong problema mo at talo mo pa ang pait ng ampalaya dyan sa mukha mo," pang aasar ni Wila kay Althea.

"Pwede ba Wila, tumahimik ka na lang," inis na sabi ni Althea kay Wila sabay tayo at lumakad patungo sa bartender.

"O, anong nangyari dun, may dalaw ba iyon," nagtatakang tanong ni Wila kay Batchi.

"Hindi kasi nag online si Jade kaya ganun kapait ang mukha ni Althea," sabay inum ni Batchi sa beer na binigay ni Wila.

Althea and JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon