Guilt

1.9K 83 3
                                    


Office of Althea(9:10am)

"Lablab alis muna ako," paalam ni Jade kay Althea.

Napaangat ng mukha si Althea mula sa pagkakayuko sa computer nito. At tiningnan si Jade. "Saan ka pupunta lablab?"

"Magkikita kami ni David," sagot ni Jade.

Nagsalubong ang mga kilay ni Althea. "Bakit kayo magkikita?"

"Siguro dahil na miss ko siya," Jade teasing Althea.

"Jade!!??" Nanlaki ang mga mata ni Althea sa narinig.

"Oh, lablab lumalaki nanaman iyang mga mata mo," turo ni Jade sa mga mata ni Althea. Sabay tawa. "Sorry lablab ko binibiro lang kita,"

"Umayos ka Jade Guevarra," kunway galit na tugon ni Althea.

Nag blush si Jade sa sinabi nito. Sabay pisil sa baba ni Althea. At ngumiti ng matamis. "Cute ng lablab ko,"

"So bakit nga kayo magkikita ni David?" Tanong ulit ni Althea.

"Na miss ko na nga kasi siya," pilyang tugon ni Jade.

That's it. Tumayo si Althea at tinitigan si Jade. The killer eye.

Nilapitan ni Jade si Althea. Nilagay nito ang mga kamay sa balikat ni Althea at saka ngumiti ng nakakaakit. At least sa paningin ni Althea.
"Huwag mo ko titigan ng ganyan lablab baka di ako matuloy sa lakad ko, importante pa naman to,"

"Hah! At talagang importante sayo na magkita kayo ni David dahil namiss mo siya?" Nag salubong nanaman ang mga kilay ni Althea.

Sumilay nanaman ang ngiti sa mga labi ni Jade. Hindi na ito nagdalawang isip saka bigla nalang hinalikan si Althea sa mga labi. Just a smack. "Sarap mo talagang----"

"Halikan?" Putol ni Althea kay Jade.

Tumawa si Jade. "Yes lablab sarap mong halikan at the same time inisin na rin. Nakakagigil ka kasi e,"

Umupo ulit si Althea saka niyuko ang computer. She's typing. "Ano ba talaga dahilan at makikipagkita ka kay David?...... and please stop teasing me Jade.. napipika na ako, isa na lang.... iuuwi na talaga kita sa bahay at itatali kita dun ng di kana makaalis," dun niya lang ulit nilingon si Jade. "So tell me, bakit ka makikipagkita kay David?"

"Hmm tumawag kasi si Dada kanina, and his asking me if pwede ba raw ako nalang ang pumirma sa isang deal, na malapit na nilang makuha," Umupo si Jade sa gilid ng table ni Althea.

"Bakit ikaw pa? Bakit hindi si Gabriel o si Paul?" Tanong ulit ni Althea.

"Lablab have you forgotten? Nasa China sila lahat remember?" Sagot ni Jade.

"Yeah.... pero bakit di nalang I fox ni David ang mga papeles na iyon para si Dada mo pumirma?" ---- Althea.

"Ayaw kasi ni mama na masira vacation nila dahil sa isang papel lang na kinakailangan permahan. Isa pa tinawagan narin naman ni Dada iyong kliyente. Pwede raw na ako nalang pumirma," paliwanag ni Jade.

Napabuntong hininga si Althea. "Talaga bang iyan lang pakay mo kaya kayo magkikita ni David?" Paniniguro ni Althea.

"May iba pa ba?" Balik tanong din ni Jade.

"Well kakasabi mo lang... namiss mo siya,"

"I'm just joking okay?"

Hindi sumagot si Althea.

"Lablab, sige na pumayag kana. Naka oo na ako kay Dada e," sabi ni Jade sabay hawak sa kamay ni Althea. "I won't be long... o kung gusto mo samahan mo nalang ako"

Althea and JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon