"A-ano?... sandali Chong.. buntis si Jade?!" Di makapaniwalang tanong ni Batchi kay Althea.
Tatlong araw na ang nakalipas mula nung malaman nila na buntis si Jade. Pero hanggang ngayon parang hindi parin sila makapaniwala. Nagbunga ang nangyaring karahasan ni David kay Jade.
Ngumiti ng pilya si Batchi. "Wow naman Chong... posible pala iyon? Paano niyo yun ginawa?"
Hinampas ni Althea si Batchi ng folder. "Tumigil ka nga Batchi... alam mo naman ang dahilan kung bakit nabuntis si Jade diba.."
Bigla namang pasok ni Wila. "Sinong buntis?... Althea buntis ka?"
Itinirik ni Althea ang mata. "Isa ka pa Wila e.."
"Si Jade ang buntis... wala e.. magaling tong kaibigan natin e..." tumatawang sabi ni Batchi.
"Isa nalang Batchi ito ng figurine ang tatama sa mukha mo," naiinis na tugon ni Althea.
"S-sandali nga... buntis si Jade? Sinong ama?" Nakakunot noong tanong ni Wila.
"Sino pa ede si Althea..." patuloy na pang aasar ni Batchi.
Dinampot na ni Althea ang figurine na nasa table niya at akmang ihahagis nito kay Batchi.
Tumatawang tumakbo si Batchi sa likod ni Wila. "Chong ang sungit mo ah... may dalaw kaba?"
"Batchi!!!!!!!" Nangigigil na sigaw ni Althea. Akmang susugurin nito ang kaibigan ng mag ring ang cellphone niya. Si Jade ang tumatawag. Agad iyong sinagot ni Althea. "Hello Lablab?............ ngayon na?.............okay lablab maghahanap ako............okay okay uuwi ako agad........ I heart you too lablab, bye," sabay off sa cellphone. Bumaling si Althea sa mga kaibigan. "Saan ako makakabili ng santol?"
Tumawa na naman si Batchi. "Sa dinami rami ng prutas... talagang santol pa ang napiling paglihian ni Jade..."
"Napanood niya daw kasi sa TV," tugon ni Althea.
"Kung wala sa grocery for sure sa palengke maraming santol," nakangiting sabi ni Batchi.
Kinuha ni Althea ang bag niya saka lumakad na palabas ng office. Di na nito pinansin ang mga kaibigan.
"Hoy Althea!" Tawag pa ni Wila. Pero hindi na ito pinansin ni Althea. Bumaling nalang si Wila kay Batchi na nakaupo na ngayon sa swivel chair ni Althea. "Hoy, Batchi... talaga bang buntis si Jade?"
"Oo nga... kaya nga nagmamadali ng umuwi diba? Kasi pinapabili ni Jade ng santol..." tugon ni Batchi.
"Sinong ama?" Kunot noong tanong parin ni Wila.
"Tanga lang Wila?.... ede si Althea," tumatawang sabi ni Batchi. "Bumalik ka nga sa trabaho mo... dahil wala si Althea.. ako ang boss ngayon," nakatawa paring sabi ni Batchi.
Inirapan nalang ni Wila si Batchi saka ito nagmartsa palabas ng office.
"Wila dalhan mo nga ako dito ng juice," pahabol ni Batchi.
"Tse!! Kumuha ka mag isa mo!" Sigaw din ni Wila.
~~~~~
Bitbit ang isang supot ng santol dali daling naglakad papasok ng bahay si Althea.
"Lablab bakit ngayon ka lang?" Bungad ni Jade na nakaupo sa sofa habang nanunood ng TV.
Nilapitan ito ni Althea saka hinalikan sa noo. "Nag hanap pa kasi ako ng santol lablab e..." sabay pakita sa supot.
Umiling si Jade. "Ayoko na nyan,"
Napanganga si Althea. "Anong ayaw mo na?.. lablab nahirapan ako sa paghahanap nito tapos sasabihin mong ayaw mo na?"
