Nakatanaw si Maine sa tabing dagat nang Makita niyang may papalapit na bangka sa dalampasigan. Habang lumalapit yung bangka nakita niya na may nakasakay dito na lalaki.
Maine: Si... Alden? Huh?
Kumaway sa kanya si Alden at nang mga oras na iyon ay tila may mga paru-parong lumilipad sa tiyan niya.
Nang bumaba si Alden sa bangka, titig na titig ito sa kanya. Tingin at ngiting nakakatunaw.
Maine: Alden? Anong ginagawa mo dito?
Ngumiti lamang ito sa kanya.
Maine: Den?
Humakbang ito papalapit sa kanya. Hinawakan ang kanyang pisngi at unti-unting inilapit ang kanyang mukha. Sa laking gulat ni Maine sa ginawa ng lalaki ay hindi na ito nakagalaw at kahit naisin man niyang umatras tila ayaw gumalaw ng sistema niya...
Palapit na ng palapit ang pagitan ng kanilang mukha, nagkatinginan at unti-unti nilang nilapit ang mga labi sa isa't -isa....
Alden: Maine.
Maine: OMG! hahalikan ba niya ako? omg! omg! omg! omg!
Alden: Maine.
Malambing na tawag sa kanya ng lalaki sabay haplos ng kanyang pisngi.
Tatay Dub: Maine!!!
Napangiti pa si Maine
Tatay Dub: Maine! Gumising ka na! Malelate ka na!
Biglang Napabalikwas ng bangon si Maine.
Maine: Tay?
Tatay Dub: Oh bakit parang nakakita ka ng multo?
Maine: Kasi naman po binibigla niyo ako.
Tatay Dub: Kasi anak malapit na mag alas-siyete.
Maine: huh?
Tiningnan ang orasan...
Maine: Patay!
Tatay Dub: Mukhang napasarap ata tulog mo ah!
Maine: Kanina ka pa po ba diyan tay?
Tatay Dub: oo, kanina pa.
Maine: Wala naman akong sinasabi habang natutulog ako?
Tatay Dub: uhhhmmm mukhang wala naman...
Maine: (bulong sa sarili) Buti naman... panaginip lang pala
Tatay Dub: maliban na lang nung ilang beses mo tawagin yung pangalan ni Alden habang natutulog ka. (sabay ngiti)
Maine: Taaaaayyyy!!! (sigaw na kinikilig)
Tatay Dub: Gusto mo ba siya anak?
Maine: hindi po tatay ah, career muna.
Tatay Dub: Anak, okay lang magkacrush okay lang din ang umibig, matanda ka na alam mo na ang ginagawa mo. Kaya kung ano man ang makakapagpasaya sayo susuporta lang kami ng mama mo.
Maine: Salamat Tay (Sabay yakap)
Tatay Dub: Drama mo meng! Sige na mag-ayos ka na! Huwag kang ma-late. Baka di mo makita si Alden.
Maine: tatay tlaga!
Tatay Dub: Suus!! Kinikilig ka eh! Oh sige na ayos na!
At saka dali-dali nang nag-ayos si Maine para sa trabaho at habang gahol na sa oras sa pag-aayos si Maine si Alden naman ay maaga pang pumunta sa Broadway since they would be briefing him a bit para sa Juan for All All for Juan.
YOU ARE READING
MAICHARD: Eternally
FanfictionDESTINY. It was destiny that had brought them together. It may be an unusual start of a love story but its a love that will that will test time and every possible things in life. This story will be about how Alden and Maine really felt behind...