2nd Weeksary

501 9 2
                                    

Isang araw bago ang 2nd weeksary nila, pinaalalahanan na ni Reeza si Alden.

Reeza: Alden, bukas na ang weeksary ninyo ha!

Alden: oo alam ko na yan. Hahaha

Reeza: eh alam mo naman na pala eh. Hahaha

Akmang aalis na si Reeza nang pinigilan ito ni Alden.

Alden: Ay! Reez wait lang.

Reeza: Bakit tisoy?

Alden: Pwede bang ako ang bumili ng gift na ibibigay kay Maine para bukas?

Bago sagutin ni Reeza ang kanyang tanong ay tiningnan muna niya si Alden ng malapitan.

Reeza: regalo? Para kay Maine?

Alden: oo, bakit? Hindi ba pwede? Sabi mo last week pwede naman ah.

Reeza: Sure ka?

Alden: oo nga

Reeza: O sige, dalhin mo lang iyong receipt para ma reimburse natin okay?

Alden: ay hindi na, ako lang talaga ang bibili pero sana walang makakaalam muna, okay lang ba Reez?

Reeza: O sige, kung iyan ang gusto mo. (sabay tapik sa balikat ni Alden)

Kaya nang hapon na iyon, bago umuwi si Alden ay sumaglit siya sa mall para makabili ng gift na ibibigay niya kay Maine. Mabuti na lang at walang nakakilala sa kanya sa ginawa niyang disguise. Pagdating na pagdating niya sa bahay nila ay nasalubong niya ang kanyang ama.

Alden: Dad!

Daddy Bae: Nak! Oh nakakain ka na ba? Gusto mo initin ko yung pagkain?

Alden: Ay hindi na dad, nakakain na po ako.

Nagtatakang tiningnan ni Daddy Bae iyong dala dala ni Alden.

Daddy Bae: Ano iyan anak?

Alden: Ito po? Ah regalo po ng mga fans ko.

Daddy Bae: iaakyat mo sa kwarto?

May pagtatakang tanong ni Daddy Bae.

Alden: uhhhmmm... may babasahin lang po dad.

Daddy Bae: o sige nak, galingan mo sa pagbasa nak!

Alden: opo dad!

Daddy Bae: kaya mo yan nak! Suportahan kita! Kailangan alam niya na sayo galing ha!

Natawa na lang si Alden habang paakyat ng hagdan. Wala talaga siyang maitago sa tatay niya. Mabilis na inakyat ni Alden ang hagdan at diretsong pumasok sa kwarto. Binuksan niya ang ireregalo niya kay Maine at binudburan ito ng kanyang pabango at saka parang baliw na kinausap ang regalong ibibigay niya.

Alden: Huwag mo akong ipapahiya kay Maine ha! Ikaw ang yayakap sa kanya pag malungkot siya, pagod siya at nahihirapan na siya. Kailangan mapasmile mo siya. Okay okay?

Inakap niya ng pagkahigpit higpit ang gift na kanyang binili, sakaling makaabot man lang kay Maine ang yakap niya na iyon.

Alden: Teka! Oo nga noh! Dapat alam niyang sa akin ito nanggaling.

Kumuha si Alden ng papel at doon nagsimulang magsulat ng kanyang nais sabihin kay Maine at nang matapos siya ay nilagyan niya ito ng ribbon at itinali sa likod ng regalo niya para kay Maine.

Alden: Ma, tulungan mo ako ha! Mukhang tinamaan ako eh kaso natatakot ako baka kasi hindi totoo tong nararamdaman ko at baka nadadala lang ako sa ginagawa namin sa show. Pero kung sakaling totoo to ma, ilakad mo naman ako.

MAICHARD: EternallyWhere stories live. Discover now