Mag-aalas dose na ng gabi pero hindi pa rin makatulog si Maine, minabuti na lang niyang buksan ang cellphone at tingnan ang twitter nito dahil nitong mga nakaraang araw ay hindi na niya ito nabibigyan pansin. Isa-isa niyang binasa ang mga messages sa kanya ng mga taong sumusuporta sa kanya.
Twitter Mentions:
"From @jill1638 : @mainedcm wow! Sana magkatuluyan kayo ni @aldenrichards02. Sobrang bagay kayo."
"From @denmeng567 : yung ngiti mo @mainedcm!! Totoong kinikilig ka!!"
"From@093647joan : hindi ka ba natutunaw sa ngiti ni @aldenrichards02 sayo @mainedcm?"
Napangiti na lamang si Maine sa mga nababasa niya.
Maine: Nakakatunaw naman talaga yung tingin niya, mabuti na lang napipigilan ko pa.
Kilig na kilig si Maine na iniimagine yung mukha ni Alden na nakatitig sa kanya.
Biglang bukas ng pinto.
Nikki: Menggay!
Maine: ate naman oh, uso ang katok alam mo ba iyon?
Nikki: at bakit? Naistorbo ba kita?
Maine: medyo.
Nikki: Sus! Tigilan mo nga iyan, iniisip mo lang si poging bae eh.
Maine: hindi ah!
Nikki: mamateeey menggay?
Maine: Patay agad?
Nikki: Kita mo! Ano ba talaga Meng?
Maine: yung ano ba yan?
Nikki: Yung sa inyo ni Alden.
Maine: ano ka ba te, wala nga talagang trabaho lang.
Nikki: Sigurado ka? Hindi kayo nagtetext?
Maine: hindi eh.
Nikki: talaga? Eh teka, di ba sa twitter naman you both follow each other?
Maine: Oo, pero di naman kami nag-uusap doon.
Nikki: eh di message mo siya.
Maine: ay! Ako pa ang mauuna? Ayoko nga! Dalagang pilipina kaya ako.
Nikki: Aha! So gusto mo nga!
Maine: na alin?
Nikki: gusto mo rin na i-message ka niya.
Maine: sino ba namang hindi ate, ang gwapo kaya niya.
Nikki: halaka! Crush mo nga!
Maine: .....
Tumahimik lang si Maine at dahil doon ay mas naging curious pa ang katapid ni Maine sa kung ano talaga ang nararamdaman ng kapatid.
Nikki: huy!
Maine: kasi ate...
Nikki: don't tell me.... OMG! Crush mo?
Maine: hindi kasi... ganito kasi iyon, di ba I love going to candy fair?
Nikki: oo
Maine: 5 years ago nandoon ako, i was with my friends and syempre I saw this guy na sobrang pogi. Super cutie naman kasi talaga ate, sobrang hot pa basta ang cute niya may dimples eh.
Nikki: Oh maaaayyy gaaaaahhdd!! Si?????
Maine: Siya na nga!
Nikki: eh diba major crush mo iyon? Bukang bibig mo nga yun dati, pinapakita mo pa nga picture nun eh tapos sasabihin mo boyfriend mo. OMG! (sabay tawa ng malakas)
Maine: ate naman eh! Eeeeiiiiiiiihhhhhhh
Dahil sa hiya binaon ni Maine ang mukha sa unan.
Nikki: huy ano ka ba! Okay lang yan, ang cute nga eh. Destiny ang tawag dun.
Maine: eh basta ate! Wala kang pagsasabihan ha!
Nikki: Naku Menggay! Baka mamaya hulog na hulog ka na diyan ha!
Maine: hindi naman siguro ate, sa TV lang naman eh.
Nikki: eh sa araw araw ba naman kayong magkita eh, malamang may mahuhulog talaga ingat ingat lang baka kasi walang sumalo.
Maine: ate naman!
Nikki: hahahah sorry naman, huwag ka mag-alala sasaluin ka niyan gawan natin ng paraan.
Maine: sira ka talaga!
Nikki: ay teka! Nandiyan pa ba yung picture na yun?
Maine: Oo
Nikki: patingin! Patingin! Patingin!
Maine: ayoko nga!
Nikki: sige na oh! Please para maging happy si Matti.
Maine: gamitin pa pamangkin ko, ni hindi pa nga lumalabas iyan diyan sa tiyan mo eh
Nikki: Ganyan talaga.
Yumuko si Maine at kinausap ang baby Matti na nasa loob pa ng tiyan ni ate Nikki niya.
Maine: Matti, huwag kang tumulad sa mommy mo ha, huwag mo i-bully si tita ninang.
Kunwaring pinakinggan ang tiyan ang ate niya.
Maine: oh sabi ni Matti OO daw.
Nikki: Cheeeh! Hindi kaya! Bilis na! Saan yung pic?
Maine: Sige na nga! Wait lang.
Tumayo si Maine at pumunta sa closet niya at doon niya kinuha ang picture na nakatago pa sa isang box kasama ng iba pang mga picture ni Maine.
Maine: heto na
Sabay abot ng picture sa ate Nikki niya.
Nikki: OMG! Kayo nga! Yiiiiieeee!!! Nakakakilig naman Menggay! Aminin mo kinikilig ka!
Maine: Syempre naman te. Sino ba naming hindi.
Nikki: Hingin mo na lang iyong number.
Maine: ate naman, babae kaya ako.
Nikki: hindi na uso iyan.
Maine: ate sa tamang panahon.
Nikki: Yan tayo eh! Nahawa ka na kina lola Nidora.
Maine: eh tama naman eh di ba? Kung gusto niya ako siya ang maghahanap ng paraan noh!
Nikki: ganda mo teh!
Maine: talaga! Ganda ko kaya!
Nikki: o siya, pumunta lang naman ako dito kasi manghihiram ako ng DVD.
Maine: Kunin mo lang diyan, alam mo naman kung saan iyon.
Habang pumipili ng DVD ang kanyang ate, busy naman si Maine sa kakatitig sa picture nilang dalawa ni Alden.
Nikki: hinay hinay lang sa titig matunaw iyan.
Maine: hindi noh! Ako lang ang natutunaw eh!
Nang makalabas na ng kwarto ang kapatid niya, tinakpan niya ang kanyang mukha ng unan at sumigaw ng pagkalakas lakas.
Maine: hooo hooo meng relax lang, kinikilig ka na naman.
YOU ARE READING
MAICHARD: Eternally
FanfictionDESTINY. It was destiny that had brought them together. It may be an unusual start of a love story but its a love that will that will test time and every possible things in life. This story will be about how Alden and Maine really felt behind...