Learsilc's Point Of View:
Natuloy ang 'date' kuno namin ni Stevie kahapon. Buong 'date' namin ay inaalalayan n'ya ako. Over protective? Yes he is. We watched cinema then had a dinner together. Treat n'ya lahat. Maaga din sana akong uuwi kahapon but because of him--- because of our 'date' naging 7pm ang dapat na 4pm lang.
Believe it or not, hindi parin ako makaget over. Ginawa ko na lahat ng pwedeng gawin sa bahay and school things para kalimutan ang nangyari kahapon, but I still can't. I admit, naging masaya ako kahapon pero pinilit kong itago. Imagine, the one you like most asked you to have a date with him? Hindi kaba magiging masaya? I wished na bumagal ng sobrang bagal ang oras kahapon. I wished na di na matapos. But as usual, my wishes are imposible to happen.
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang may kumatok sa pinto.
"Leng? Pwede ba akong pumasok?" my elder sister asked mula sa labas ng kwarto ko.
"Sure, Ate. Come in. Di naman yan nakalock." sigaw ko para marinig n'ya.
Inayos ko ang ilang bagay na nakakalat sa bed ko at inilagay iyon sa Study table. Mga libro lang naman.
"Be, I have a good news." aniya na mukhang sabik na sabik.
Iwinagayway n'ya sa harapan ko ang kanang kamay n'ya na may nakasuot na sing-sing sa n'ya.
"Waaaa. Ateeeee. Nagpropose na s'ya? When?? Paano? Saan? Ayiiiiii. Kwento na dali." sunod-sunod kong tanong.
Matagal na n'yang hinintay to. I'm so happy for her. Super :)
"Kahapon lang. Akala ko mamasyal lang kami. I thought it was just a simple day. Nagtext s'ya telling me na magkita kami sa mall. So I went there." paunang kwento n'ya.
"Then?"
"When I got there hindi ko s'ya makita. Inis nga ako kasi hindi s'ya nagrereply sa mga texts ko kaya naglakadlakad na muna ako. May nadaanan akong nagm-mall tour kaya I stopped walking and watched them though naghihintay parin ako ng text n'ya. A few seconds ago, nagtext s'ya." she paused.
"Pabitin ka, Ate." I pouted. "Anong laman ng text?"
Tumawa s'ya na may kilig "'Stay where you are'"
"Tapos?"