Learsilc Rein’s Point Of View:
"You look weary." ani Stevie nang magkita kami sa canteen.
"Sandwich po and C2.“ -me to vendor.
Pagkabigay saakin ng binibili ko ay akmang magbabayad na sana ako nang tanggihan n'ya ang perang binibigay ko.
"Libre po?" nagtatakang tanong ko sa tindera.
Tumango s'ya kaya lalo akong nagtaka. Hindi ako nainform na libre pala ang bilihin ngayon,
"Miss, bakit yung sakin may bayad?" singit ni Stevie.
"Sakanya lang po libre. May nagbabayad na po kasi ng kahit anong bilhin n'ya." bumaling saakin ang tindera at may kinuha s'yang picture sa may bulsa ng apron n'ya na ipinakita n'ya saakin.
Baka tuluyan ng kumunot forever ang noo ko sa mga nangyayari ngayon. Ako yung nasa picture pero stolen iyon.
"Ikaw to hindi ba?" nakangiting tanong nung tindera.
Tumango ako, "Kanino po galing yan?"
Nagkibit balikat lang s'ya. Parang alam ko na kung kanino. Naghanap nalang ako ng mauupuan para makain ang LIBRENG pagkain ko. Umupo din si Stevie sa harapan ko.
"Sinong nanlilibre sayo?" usyosyo ni Stevie.
"I don't know. May narinig kabang pangalan na binanggit n'ya? Ako kasi wala." I said sarcastically.
Tumawa s'ya, "Oh, relax. High blood kananaman."
"Just saying."
Tinitigan nanaman n'ya ako kaya umunom ako sa binili kong drink para makaiwas ng tingin.
"Madami pala talaga akong karibal sayo." saad n'ya.
Bumilis ang tibok ng dibdib ko. Karibal? Hindi ako tanga para hindi malaman ang ibig n'yang sabihin. Hindi ko nalang s'ya kinibo. Wala din naman akong alam isagot sakanya.
"Tapos naba kayong mag-usap.?"
Nag-angat ako ng tingin kay Kevin na nakatayo ngayon sa left side ko. Napansin ko ang nakakuyom n'yang kamay habang matalim na tinitignan si Stevie. Mukhang may galit s'ya kay Stevie.
"Why?" matabang kong tanong.
"Pinapatawag na tayo ni Miss Miranda." sagot n'yang na ni hindi lumilingon sakin.
"Ok." saad ko.
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Nainform na ako kanina na kakausapin kami ni Miss kaya hindi na ako nagtaka pa.