Learsilc's Point Of View:
"Mom! Pasok na po ako." paalam ko kay Mama.
"Sige, Nak. Mag-ingat ka ha." ani Mommy.
I kissed her on cheecks at umalis na ako. NiCheck ko ang oras sa wrist watch ko, 7:00am palang. Mamaya pa sana ako aalis dahil 10am palang naman ang oras ng pasok ko pero may usapan kaming magkakaibigan na magkikita-kita kami ng 7:30 sa isang Coffee Shop na malapit sa Uneversity'ng pinapasukan ko Magpapahatid sana ako sa driver ni Mommy kaso wala pa daw kaya nag commute nalang ako.
"Bayad po." sabi ko sabay abot ng pera kay Manong driver.
Late ako ng 3minutes. Kaagad ko silang nakita pagkapasok ko ng High Land Café.
"Waaaaaa. Namiss ko kayooo." bungad ko sakanila.
Nagiging baliw nanaman ako. Namiss ko ang high school life. Namiss ko sila. Isa-isa ko silang niyakap while calling them sa nakasanayan kong itawag sakanila.
"Mommyyyyyyy." Naglalambing kong sambit na nakayakap ng mahigpit kay Margotte.
"Lolaaaaa." Sabay yakap din ng mahigpit kay Jona. "Nasan si Lolo?"
"Ateeee and Yammmmmmm." I last hugged Eloisa and Jolina.
Galit yung tingin nila sakin pero halatang nagpipigil ng tawa. Ako naman, abot hanggang tainga ang ngiti. Sabik na sabik ako sakanila. Ngayon lang ulit ako naging hyper ng ganito. Grabe, namiss ko talaga sila.
"Tara, alis na tayo." pagkulunwari ni Margotte.
"Mommy naman e. Alis agad?" I pouted.
"Hindi ka namin namiss, Sis." ani Eloisa na halatang biro lang.
"Bakit ngayon ka lang, Apo? Himala, nalate ka sa usapang oras." tanong ni Jona.
"Traffic kasi, Lola. Where is Lolo?" I asked.
"7am ang pasok n'ya, Apo. Malamang sa malamang, nagkklase sila ngayon." aniya.
"Yiii, sayang naman Lola." panghihinayang ko.
"Hindi ka parin talaga nagbabago, Yam. Napaka-ingay mo padin. LELENG. Sabi ni Rick lagi mo padin daw s'yang inaaway pag nagagalaw yung chair mo." ani Jolina na natatawa.
Sumang-ayon naman yung tatlo sakanya.
Hindi padin nagbabago? Sana nga ako padin yung dati. Hindi lang pala sila yung namiss ko. Ngayon na magkasama kami parang namiss ko din yung dati kong pagkatao. Si Learsilc na Leleng. Yung kahit na anong mangyari hindi nagpapaapekto.