1%

259 11 0
                                    

" Kuyaaaa, laro tayo!" Masiglang bati ng nakababatang kapatid niyang si Nico.
"Kayo nalang ni Ate Say mo pagod si kuya e." Walang ganang tugon ni Ross nang hindi inaalis ang tingin sa kanyang phone.

It was almost a month mag mula nung magbreak sila ni Lieza .. Girlfrie-- ex pala.. Siya naman itong nakipag hiwalay pero eto siya ngayon Hindi parin maka move on.. Nagsisi ata?

"Ikaw kase e, nasayo na pinakawalan mo pa. Tanga mo kuya ang laki laki mong tanga" Komento ni Anna, kakambal niya. Tumungo ito at bumuntong ng hininga.

Psh, oo na. Tanga hindi male .. Bobo ako.

Ganoon lang ang buhay niya magmula ng maghiwalay sila. Titingnan ang picture ng ex at tutulala sa hangin. Ibang iba sa masayahing Ross na kilala ng lahat.

"Toy, kakain na." Tawag ng kanyang Ina.

Pumunta siya sa contacts at hinanap ang pangalan niya

Lieza..
Kaen na babe..

Isesend niya na sana pero may naalala siya.

Break na nga pala kami. Nasanay na siya na bawat gagawin niya ay ikukwento sa girlfriend niya. Ganoon naman diba? Ang gawain ng normal na magkasintahan. Noon ganoon sila.

Nakahiga siya at hawak nanaman ang cellphone.

*bzzt*
"Lieza" Basa niya sa pangalan ng nag text. Mabilis ang kabog ng dibdib niya. Kinikilig ata.

Baby you're the one for me <3

Nagulat siya sa nabasa at natuwa. Pero nabura iyon..

Sorry wrong send.

"Tang ina. mawrorong send nalang sa akin pa? nanadya ba siya." Pumunta siya ng gallery at parang tangang kinausap ang picture ni Lieza.

"Oi babae! Pinagpalit mo na agad ako? Ganon na ba ko kadaling kalimutan ha! Sino nanaman ba yan? Ginagantihan mo nanaman ako. Oo na! Ako yung nag iwan. Wala nga kong karapatan diba." Nangilid ang luha sa mata niya.

Putang ina! sakin niya sana sinabi yon. Pero pucha! iba na sa iba na..

Ipinikit niya ang mata.

Matutulog na ko .. sana naman sa panaginip ko, Hindi kana kasama .. Ang sakit na eh..

Project ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon