The open letter

84 2 5
                                    

Bae,

This one isn't a part of the story. But this one can complete it.

It's been 8 months since that day. Imposibleng mabasa mo to. Cause you're not into this things. Sa 11, Fifteen years old kana. Happy Birthday Baby.

Hindi ko na kaya itago. Kaya dito nalang. Hindi ko rin naman kaya s personal.

Gusto kong magpasalamat sa diyos. Na ipinahiram ka niya sakin. Crush lang kita noon. Akalain mo nga bang mabibigyan ako ng pagkakataon?

Hindi kita makamusta. Takot akong malaman ang sagot. Ang tanging alam ko lang masaya kana ..

Gusto ko ring mag thank you dahil minsan sa buhay ko naranasan kong maging princesa dahil sayo. Marami akong natutunan sa haba ng pinagsamahan naten.

Gusto ko ring mag sorry. Sa lahat. Sa mga nasabi. Mga nagawa at pag kukulang ko sayo. Baby I'm sorry. Hindi ko na maibabalik ang mga araw na yon para itama lahat. Pero sana, sana maging okay na tayo.

Ang hirap ng ganito. Kahit san ako pumunta, kahit anong gawin ko minumulto ako ng alaala mo. Baby miss na miss na kita. Sobra.
Inaasar ako ng mga kaibigan ko. 8 months na daw hindi pa ko tuluyang nakakamove-on.

Hindi ko din magawa. Hindi ko magawa na tumingin sa iba. Hindi ko alam kung papano ko sila mamahalin.

Minsan napapaisip ako. Siguro kung magkasama tayo ngayon masaya tayo. Pareho tayong varsity ng volleyball at lumalaban para sa school naten.

Kaya lang umalis kana. Iniwan mo na ko ng tuluyan. Hindi ka na babalik. Mananatili ka nalang na alaala.

Palagi kitang namimiss. Palagi kitang naiisip. Nung mga oras na nasa ospital ako. Bago ko operahan ikaw lang ang tumatakbo sa isip ko. Sa panaginip ko. Baby nung mga oras na yon halos ikamatay ko sa lungkot na wala ka sa tabi ko. Nung mga panahong inamin sakin ng doctor na may tumor ako. At nung mga panahong nakikipag agawan pa ko ng buhay kay kamatayan.

Iniisip ko na sana andun ka. Para kahit konti. Mabawasan yung sakit at hirap na nararamdaman ko. Kahit isang mahigpit na yakap lang.

Kaya lang wala akong magawa. Kungdi tangapin ang katotohanang hindi kita mayayakap o makikita.

Habang dinadala ko papuntang Operating Room. Iniimagine ko nalang na andun ka. Hawak mo kamay ko. Chicheer mo ko. Katulad ng pag checheer mo sakin. Lalo na kapag may nagagawa akong tama. Ang sakit lang isipin ng mga oras na yon. Na hanggang imagination nalang yon.

8 months na ang nakalipas pero tuwing gabi basang basa parin ang unan ko dahil sa luha.

Ang hirap. Ang hirap kalimutan. Bawat detalye ng pagkatao mo at pinagsamahan naten. Hanggang ngayon wala paring iba Baby.

Hindi nila kaya. Hindi ka nila kayang palitan. Baby sa huling pagkakataon. Gusto kong magpasalamat sayo. Dahil naging malaki kang bahagi para mabuo to.

Kung para talaga tayo sa isa't  isa diyos na ang gagawa ng paraan. At kung hindi man sana ingatan ka niya ng babaeng para sayo. Mahalin ka niya katulad ng pagmamahal ko sayo.

Mahirap mang intindihin ang pagmamahal ko sayo totoo yun baby.

Kung nasan ka man sana masaya ka at matupad mo lahat ng gusto mong I-achieve sa buhay.

Bago ko isara ang kwentong to at sa huling pagkakataon gusto ko lang sabihin na .. Mahal na mahal kita baby.

Kasabay ng pagtatapos ng kwentong to.

Sayo at sa mga bumasa nito.

Paalam na ..

Project ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon