80.10%

86 5 0
                                    

Few months later...

Ross

Tangina. Kinakabahan ako. Hindi naman sa nababakla pero.. tangina talaga. Tuwing pupunta ako dito, pakiramdam ko unang beses palang akong aakyat ng ligaw.

Oo. nililigawan ko ulit siya...

Naalala ko pa noon, hindi ko pa ma-amin sakanya na crush ko siya.

Hindi ko nga alam kung paano naging kame, dahil hindi pa ko gaanong marunong sa panliligaw noon.

Siguro dahil sa charms ko.. Iba talaga. Ang gwapo mo, Ross.

Inayos ko ang buhok ko at damit bago naglakas loob na pindutin ang doorbell nila.

Tangina ayan na..

Pinindot ko ulit ang doorbell. Wala parin. Hanggang sa pangatlo, pang-apat, panglima... Nalungkot ako bigla. Umalis kaya sila?

Isa nalang, Ross. Huli na talagang bell, aalis ka na..

Pagkapindot na pagkapindot ko ng bell, hindi ko inaasahan na.. katapusan ko na pala.

"Meow"

"Ay shit!"

Hindi ko alam kung nakakailang mura na ako sa loob ng kalahating oras ko dito sa tapat ng bahay nila pero fuck ang alam ko isda lang yung alaga nila. Kailan pa nagmeow ang isda?!

Tumuntong ako sa bato na puro cactus yung--- teka bat may halaman silang cactus!? Iniwasan kong hindi mapadikit yung binti ko dun at binalance yung sarili ko sa batong tinuntungan ko.

Kaso palapit ng palapit yung pusa..

"Si Lieza pinunta ko dito hindi ikaw umalis ka dito! Shoo! Shoo!"

Pero hindi siya nagpatinag. Aba mas hindi magpapatinag yung batong tinutuntu---

Aray..

Bigla akong bumagsak. Para akong nagskateboard tapos sumemplang ng malupet. Ang sakit.

Imbis na sa pusa ako mapatingin, dun sa batong tinuntungan ko. Ang liit pala, bwisit.

Pinilit kong tumayo. Para na akong yung prof naming pilay. Mukha pa namang pitbull yun.

"Hoy, anong trip mo? Nagpatuli ka ulit?" Nagulat ako dahil biglang nagsalita si lieza.

"Grabe tong bahay niyo! Buwis buhay bago makapasok" Mahilo hilo ko pang sagot sakanya.

"Ganun talaga, nangangain kasi ng tanga tong bahay namin" sarkatiskong sagot niya sa akin saka ako inirapan.

"Bat ka ba nandito?" Pag iiba niya.

"A-ano, aakyat ako ng ligaw" Halos ibulong ko nalang yung huling sentence.

Tang ina. Nahihiya ako.

"Ano? Di ko marinig?!" Pasigaw na tanong niya.

"Aakyat ako ng ligaw!" Sigaw ko pabalik.

"Oh eh bat ka nasigaw?!" Tanong pa niya.

"Excited lang!" Natatarantang sagot ko. Shet san galing yun? Eh gusto ko na ngang mag palamon sa lupa sa hiya ko eh.

"Hala sige akyat." Sagot ni lieza saka ko pinapasok sa bahay nila.

"Oh hijo,long time no see" Bati sakin ni tita lynn. Mommy ni lieza.

"Kamusta po tita?" Pangangamusta ko saka nag mano.

"Ayos naman, ikaw? Napadalaw ka yata?" Nakangising tanong ni tita kaya naman pinagpawisan ako.

"Ah eh, aakyat po sana ko ng ligaw kay lieza" Sagot ko sakanya.

"Makakatangi pa ba ko? Kahit iuwi mo na ang batang iyan. Pasaway kuh!" Natatawang kwento ni tita.

Habang ang mahal na prinsesa ayun, kumakain nanaman. Ano pa nga ba?

"Oh paano? Sibat muna na ko. Para makapag loving loving kayo diyaan" paalam ni tita saka umakyat.

"Loving loving sus, matusok pa ko sa baba niyan eh" bulong ni lieza.

"Ano yun baby?may sinasabi ka?" Tanong ko pa kay lieza na may tonong pang aasar.

"Sabi ko lang naman ang haba ng baba mo" nakangising sagot niya.

"Ikiss kaya kita gamit ng baba ko?" Pang aasar ko pa ulit sakanya. Nakita ko namang umirap siya.

"Tss. FYI May Allergy ako sa mangga" sagot niya sabay irap.

"Sunget mo sexy!" Sigaw ko saka humagalpak sa tawa.

Inirapan niya lang ako at lumabas. Pagpasok niya, may dala siyang box.

"Dahil nagustuhan ko yung dala mong chocolate. Oh gift ko." Nakangiting sabi niya. Nag aalangan pa kong kunin yung box kaya lang baka magtransform nanaman to at maging dragon.

Tae bakit ang bigat?

Dahan dahan kong binuksan ang box.

"Aladin madafaka!" Hiyaw ko ng makita ang itim na pusa sa loob ng kahon.

"Hahahhahaha" Halos mamatay na si lieza kakatawa.

Mamatay muna ata ko bago ko sagutin nito. Jusko, sayang naman yung kagwapuhan ko.





Project ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon