Special Chapter.

104 6 7
                                    

Lieza

"Say something I'm giving up on you~"

Napuno ng hiyawan at palakpakan sa loob ng bus.

"Ibigay niyo kay ross yung mike!"Sigaw ng mga tropa namin.

"Anywhere I will follow you. Say something I'm giving up on you"

Naghiyawan ulit sila. Tumingin ako sa labas ng bintana at napangiti.

*Pokpok*

"Kyaaah!kinikilig akoooo emeghed" Naabnormal na sabi ni anne. Habang pinaghahampas ang braso ko. Inirapan ko nalang siya at tumingin sa bintana.

Dinaig pa ko ng mga tao dito. Ako nga hindi kinikilig.

Natapos ang kanta. At may sumunod ulit.

Narining ko nanaman ang boses niya.

"Lolokohin lang kita~" Napangisi ako ng marinig ko ang linyang yon.

Harap harapan niyang inaamin ah?

Tumingin ako sa gilid ko. Pucha, nasan na yung katabi ko?

Napaayos ako ng upo ng makita kong pinaghihila nila si ross papunta sa empty seat sa tabi ko.

Lumingon ako sakanya saka siya tinignan ng masama at inirapan.

Habang kumakanta tinitignan niya pa ko at nginingitian.

Parang hinaharana ba.

"Bat ang sungit mo?" Tanong niya.

"Hindi ako masunget" maikling sagot ko sakanya at pilit na ibinabaling ang atensyon ko sa labas ng bintana.

Langya naman kasi eh. Bat ba nandito to?

"Hindi nga bakit ang sungit mo?" Tanong pa ulit niya.

Inilapit ko ang mukha ko sakanya.
Punyemas, ang baho ng hininga niya.

"Sige babalik nako sa upuan ko." Paalam niya. Takte,bakit pa ba to nagpapaalam. Pwede namang lumayas nalang.

Pero leche, bakit ba ang daldal ko?

"Bahala ka" Sagot ko sakanya.

"Bakit bahala ako?" Tonong kala mo nagpapaawa.

"Okay guys! Nandito na tayo sating stop over!" Napalingon ako dun sa guide namen.

Panira ng moment si kuya kaasar.

"Bababa kaba?" Tanong ni ross. Tumango lang ako.

Hinawakan ko ang jacket niya. "Dito ka ulit umupo mamaya." Sabi ko sakanya.

Ngumiti naman siya at tumango.

Bumaba na kaming lahat. Kanya kanya kaming dala pag akyat ng bus.

Umupo na ko sa seat ko. At tumingin sa labas. Napabuntong ako ng hininga.

Leche, bakit ba ang gulo niya? Nakakainis. Simula pa kaninang umaga napakasweet niya.

Nalilito nanaman ako. Naka move-on na nga ba talaga ko?

Naramdaman ko namang na tumabi na siya sakin. Umandar na ang bus.

Nag dim ng konti yung ilaw. Kasabay non, bigla siyang tumanday sa balikat ko..

Hindi ko alam, pero biglang nagwala yung puso ko.

Tinignan ko lang siya at sumandal din sa ulo niya.

"Naalala mo nung first date naten? Yung nakaganito ako sayo" Kwento ko sakanya sabay yakap sa braso niya.

Hindi ko inakalang mahahawakan ko ulit siya.

Napangisi ako.

I wouldn't leave this place empty handed..

You'll be MINE AGAIN..


Project ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon