70.50%

59 8 0
                                    

Lieza

"Ano ba kasing nangyari sainyo niyang ex mo at parang bitter na bitter ka sakanya" Tanong ni hazel. Vacant namen. Isang oras pa ang hihintayin namin bago ang susunod naming klase.

"Nung binalikan niya ako nuon. Hindi parin nag work. At hindi ko alam kung bakit pa ulit kami nagkita." Sagot ko kay hazel saka bumuntong ng hininga.

Apat taon na ang nakakalipas magmula nung huli naming pagkikita mula nung grumaduate kame ng high school.

At hindi naging maganda ang huli naming pagkikita. Naging kami ulit pero naghiwalay nanaman kame.

Dahil wala nang patutunguhan ang relasyon namin nuon. At aminado akong kasalanan ko iyon.

Kaya rin siguro mailap siya sa akin ngayon dahil sa mga nangyari sa amin nuon.

"Grabe naman pala ang nangyari sainyo nuon. Pero malay mo? Maging kayo ulit ngayon." Sabi ni hazel saka ininom ang juice niya.

"Tapos ano? Magbebreak ulit kame. Hay nako. Hindi nalang hazel. "Natatawang sagot ko sakanya.

"Hindi ba kayo nag-uusap?"Tanong pa ulit ni hazel sa akin.

"Hindi nag iiwasan lang kame. At parang hangin lang sa isa't isa. Saka wala kaming panahon para diyan sa mga closure na yan. Pareho kaming busy" sagot ko naman sakanya.

"May girlfriend na kaya siya?" Parang nakaramdam ako ng kung anong sumaksak sa akin ng sabihin iyon ni hazel.

May girlfriend na nga ba ulit siya?

"Hindi ko alam hazel." Maikling sagot ko.

"Baka may kaibigan siyang ka blockmate naten, magtanong tayo!" Sabi ni hazel na akala mo ay pupunta sa kung saan dahil patalon talon pa.

"Para saan pa? Hindi nanaman ako interesado sa buhay niya dahil may sarili akong buhay. Saka, imposibleng may kilala siya dito eh sa kabilang building siya dahil engineering ang course niya." Sabi ko naman kay hazel.

"If ever na tanungin ka ulit niya o makipagbalikan siya sayo. Babalikan mo ba siya?" Tanong ni hazel.

"Hindi ko alam. Aaminin ko na may parteng gusto ko siyang balikan. Pero hindi na pwede. Saka masaya na siguro sa iba yun" sagot ko naman. Malay ko ba kung may girlfriend na siya ano? O kaya naman naka move-on na.

"Ang nega mo!" Tili ni hazel sabay hampas ng braso ko.

Project ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon