3rd Person P.O.V
Seryosong nakikinig ang buong klase sa discussion ng teacher maliban kay Drake na pinapakiramdaman ang paligid niya.
Hindi nalilingid sa kanya na kanina pa may nakamasid sa bawat kilos niya.
Kaya naman pasimple niyang pinag aralan ang bawat kilos ng mga kaklase niya.
Wala siyang nakitang kakaiba bukod sa panaka nakang pag bubulungan ng mga kaklase niyang babae na nakatingin pa sa dereksyon nila, hindi naman sa kanya derektang naka tingin ang mga ito kaya alam niyang hindi ito ang nag mamatyag sa kanya.
Ipinag sawalang bahala na lamang niya ito at nakinig na lang sa lecture.
Ngunit wala pang limang minuto ay naka ramdam siya ng kung anong bagay na papalapit sa sa kanya kaya bago pa man ito makalapit ng tuluyan ay agad niya etong dinakma at tiningnan kung ano yun.
Naka ramdam siya ng kunting kirot sa palad niya kaya hindi na siya nag taka pa ng malaman niyang isang maliit na dagger yun.
Napansin niya ang pagdaloy ng dugo mula sa palad niya pero wala roon ang kanyang interes.
Sa halip na alalahanin ang kanyang sugat, kinuha niya ang papel na naka dikit sa maliit na dagger at tiningnan ang nilalaman nito.
Pasimple niya muling inilibot ang kanyang mga mata sa buong klase hanggang sa mag tama ang mga mata nila ng isang hindi pamilyar na babae.
Naka ngisi ito sa kanya at nakatingin derecho sa kanyang mata.
Napansin naman ni Lester ang hawak na dagger ni Drake kaya naman agad niya itong tinanong kung saan ito nanggaling pero hindi siya nito sinagot o liningon man lang.
Nanatili lang etong tahimik habang nakatingin sa isang dereksyon.
Kunot noo naman niyang sinundan ang tinitingnan nito.
Nagulat siya ng mapansin niya ang isang babaeng parang tangang naka ngisi sa kanila.
Nakita niya kung pano nawala ang ngiti ng babae nang unti unti din siyang nginisian ni Drake at umastang ibabato pabalik sakanya ang dagger nito.
Mas lalo pang lumaki ang pagka ngisi nito nang makarecover yung siya sa pag kagulat.
Inalis niya ang kanyang tingin sa babae at pasimpleng binasa ang nakasulat sa papel na hawak ni Drake.
Welcome to HELL?
Wtf?! O_o
Ps. don't worry walang lason yan!
Ibinalik niya ang tingin niya sa babae na prenteng naka upo habang nakipag titigan kay Drake.
Natigil lang pag tititigan nilang tatlo ng mapansin nilang nakatayo na ang mga kaklase nila at nag papaalam na sa kanilang lecturer.
Pasimple niyang sinulyapan ulit yung babae pero nagulat siya ng mapansing wala na ito sa lugar kung saan siya nakaupo kanina.
Natapos na lahat lahat ang kanilang klase pero hindi na niya nakita pang muli ni anino man lang nung misteryosang babae.
End of 3rd Person P.O.V
Lester Andrew Hyun P.O.V
Hindi maalis sa isip ko kung pano nginisian ni King yung babaeng bumato sa kanya ng dagger.
Knowing King hindi siya basta bastang napatol, wag mo lang siyang bigyan ng matinding dahilan para gaguhin ka.
Should I pity that girl dahil hindi niya alam kung sinong binangga niya?