Jenivive P.O.V
It's been a week since I've decided na mag confess ng feelings ko for Drake, but up to now wala pa rin akong mahanap na magandang timing para kausapin siya.
He's too busy about something na hindi ko na pinagka abalahang alamin.
We still hang out together anyway, yun nga lang lagi naman naming kasama ang apat na kulogo kahit saan man kami mag punta.
They're always discussing about something na hindi ko maintindihan and I choose not to interfere.
Inaabala ko na lang ang sarili kong sa pag iisip at pag hahanap ng tyempo para makausap siya.
Wala sa sariling inilibot ko ang aking paningin sa buong resto kung saan namin naisipang mag lunch, this place has a relaxing ambiance simple yet elegant idagdag mo pa ang mga musikerong tumotogtog ng nakaka kalmang tugtugin.
Ipinagpatuloy ko ang aking pag i-inspeksyon sa kagandahan ng resto hanggang sa magtama ang aming mata ng isa sa mga taong inaayawan ko.
Nandito siya, nakaupo sa ika apat na table mula sa amin, mataman siyang nakatitig samin para bang matyagang nag mamatyag sa aming bawat galaw.
Nabaling ang sakin ang kanyang tingin ng maramdaman niya ang aking pag titig sa kanya agad akong binigyan ng isang nakakalokong ngiti na para bang isa akong malaking biro para sa kanya.
Pag kuway umiling iling siyang tumayo at walang lingon likod na nag lakad palabas ng restaurant.
Sinusundan niya ba kami?
Ano ba talagang kailangan niya samin?
Agad akong napatayo, nag dahilan na lamang ako na mag re-retouch lang ako sa restroom nang tanongin nila ako kung saan ako pupunta.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila dali dali akong nag lakad palabas ng resto, nag babakasakaling maabutan ko ang taong yun.
Agad ko siyang nakitang humihithit ng sigarilyo sa gilid ng resto, nakatingin ito sa kawalan at tila bang may malalim na iniisip.
Walang pag aalinlangang lumapit ako sa kanya, tumikhim ako para makuha ang kanyang atensyon.
Tiningnan niya ko na para bang inaasahan niyang susundan ko siya.
"What do you want?"- walang kabuhay buhay niyang tanong akin
"Ako dapat ang nag tatanong niyan sayo diba? Bakit mo kami sinusundan? Anong kailangan mo samin?"- inis na tanong ko sa kanya
Nag kibit balikat lang siya at hindi sinagot ang tanong ko.
"You're creeping me out, mukha kang stalker na kahit saan kami mag punta naroon ka!"
Totoo yun hindi lang ako nag sasalita pero napapansin kong kung saan kami naroroon nandun din siya tahimik na naka sunod samin.
"Nice...I didn't know that you're a good observer"- ani niya sabay hithit ng sigarilyo
"Bingi ka ba? Tinatanong kita diba? You're supposed to answer my question, not blubbering about how good I am being an observant"
Tiningnan ko siya ng masama pero parang wala lang sa kanya kahit mag wala ako dito
Tiningnan niya lang ako na para bang isa kong walang kwentang bagay
Mag sasalita pa sana ako ng bigla niya kong bugahan ng usok sa mukha agad naman akong naubo.