♔♔ NINE ♔♔
-Dylan's POV-
PRINCE'S ROOM
Sigh. Sa wakas eh nakahiga na ulit ako sa malaki at malambot kong kama. Nagpaikot ikot ako dun habang nakahiga ako tapos niyayakap ko din yung mga unan ko na para bang baliw.
"Nahawa ka na ba kay Naomi?" biglang tanong ni Kai.
Napatigil tuloy ako sa pag-ikot ko tapos nilagay ko sa likod ng ulo ko yung unan na yakap yakap ko.
"Tch. Wag mo nga akong igaya sa kanya. Parang na-miss ko lang yung higaan ko eh nahawa na kagad? Grabe naman pre." sabi ko.
"Fine." sabi niya. "Pero higaan ko na yan ngayon eh."
"ANO?!" sigaw ko.
"Oo. Kaya dun ka na lang humiga sa higaan ni Dennis. Or kung gusto mo eh makitabi ka na la---"
"ASA!! Kainis kayo. Nawala lang akong saglit tapos pinalitan niyo na yung kama ko?! GRABE. Nakakainis ka talagang Kai ka. How dare you." sabi ko tapos binato ko siya ng unan.
"You just threw me a pillow? Are you really the casanova prince?" Kai.
"SHUTUP! Kairita ka. Dun ka na lang matulog sa kama ni Dennis okay? Tutal nalipat na yung pawis ko dito sa kama mo." sabi ko.
"Fine." sabi ni Kai tapos dumerecho na sa kwarto niya.
Hindi parin pala nakakabalik si Dennis. Ano na kayang nangyare sa kanya at kay Haru? Sana naman ayos lang sila kung hindi magkakagulo na dito mamaya or sa isang araw. Basta kung kailan susugod si Haru dito. =___=
Nagpalit nako ng pantulog ko tapos nahiga nako sa kama ko.
BLURGRHGHHSSHH.
Tunog lang yan ng tiyan kong abnormal. =___= bakit ba kase ngayon ka pa nagutom ah?! Tss.
Tumayo naman ako kahit na antok na antok nako tapos naghanap ako ng pagkain pero wala palang pagkain dun. Ayaw kasi ni Dennis maglagay ng pagkain sa kwarto namin baka daw langgamin. Tch.
BINABASA MO ANG
Casanova Princess ♔
FantasyOriginally, HE was a PRINCE. A Casanova Prince. And ONE DAY, his ex-girlfriend revealed herself as a deity and turned him into an ordinary girl. He has no choice but to live in the girl's dorm with a REAL girl. What will happen to them? Will his roo...