♔♔ ELEVEN ♔♔

226 8 0
                                    

♔♔ ELEVEN ♔♔

-Kai's POV-

Niyaya ko si Naomi kase naman parang napapansin ko na ang sarap asarin ni Dylan. Pero niyaya ko din siya kase gusto ko ring kumain nung mga sweets na sinasabi niya.

Simula bata pa kase ako eh pinagbabawalan nako kumain nung sweets na yun. Tapos nung mawala yung parents ko eh hanggang ngayon hindi padin ako kumakain nung sweets. Kaya siguro eh hindi ako sweet na tao.

Pero I'm so happy na natuto akong kumain ng bawal dahil kay Naomi.

"Malapit na dito yung sweets shop." sabi niya habang naglalakad kami.

Sabay kaming maglakad tapos napapansin kong parang may sumusunod samin. Pero tuwing tumitingin ako sa likod eh wala naman. Puro puno lang nakikita ko.

Nagkataon naman na nagkatama yung kamay namin ni Naomi tapos hindi ko napigilang hawakan yun. Hindi ko na nabitawan kase hinawakan niya din yung kamay ko eh.

CLSSSHHH. Napatingin ako sa likod ko tapos nagkatinginan kami ni Dylan pero bigla na lang siyang nagtago sa likod nung puno. Tch. Kung magtago talaga yung lalaking yun, HALATA. Parang feelings niya. Tago siya ng tago eh halata naman.

Siguro na-miss lang niya si Naomi dahil araw araw niyang nakakasama yun sa kwarto. Pero  pag-tripan ko nga yun.

"I like you." biglang sabi ko kay Naomi.

"HUH?!" gulat naman siya.

"I won't say it anymore because it's embarassing." bulong ko sa kanya. "Malapit na ba yung shop?" I asked.

"O-Oo. Ayun na oh." sabi niya sabay turo dun sa shop. Onting lakad na lang tapos andun na kami. Hinila ko si Naomi tapos binilisan ko yung lakad namin at napansin kong nagmamadali na din si Dylan na sumunod samin.

Aba, nakaibang attire na siya ngayon? May cap na siya tapos glasses? GRABE. Iba talaga yun. Pero kung akala niya eh hindi ko siya makikilala pwes nagkakamali siya.

"T-Teka lang!" sigaw ni Naomi kaya napatigil ako.

"Oh, sorry about that." sabi ko tapos binuhat ko na lang siya at tumakbo ako para hindi na ako mahabol nung Dylan na yun.

Casanova Princess ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon