♔♔ SIX ♔♔
-Naomi's POV-
SHOOCKS. Nakakainis naman to. Bakit ba kase nagmatigas pa ako kanina?! Eh dahil nabadtrip ako kay Kai eh ayun hanggang sa ibang tao napasa yung kabadtripan ko.
Sa susunod, kakalma na lang ulit ako.
"Dyl, ilayo mo na dito si Naomi." Sabi ni Dennis tapos pinatunong niya yung kamao niya tapos si Kai din nagsstretching pa.
"Ano?! Hindi pwede. Sasali ako." Sabi ko pero hinila nako ni Andy papalayo dun.
At di nagtagal eh nakarating na din kami sa kotse ni Dennis at sumakay na kami dun.
"Hindi natin pwedeng iwan sina Kai at Dennis dun." Sabi ko.
Inistart na ni Andy yung car.
"Sinong may sabing iiwan natin sila?" sabi niya tapos nagdrive siya ng super bilis tapos ilang Segundo lang eh nakarating na kami dun sa place kung nasan sila Kai at Dennis.
Wow. Nabugbog na nila yung 3/5 na andun kaya lang sugatan na din sila. Aww. Then, binuksan naman ni Andy yung pintuan sa likod at sa isang iglap eh pumasok na dun yung dalawang prince tapos bumulusok na ulit si Andy sa pag-drive.
"Magslow down ka nga Andy." Sabi ko.
"Don't worry. Marunong ako mag-drive and may license ako. Asikasuhin mo yung dalawang yun." Sabi niya.
Tumingin naman ako sa likod tapos nakita ko silang nakahilata dun and pinupunasan yung sugat nila.
Ng maka-uwe na kami sa dorm eh ginamot ko yung sugat ni Kai (syempre sa una noh)
"Pano naman ako bestfriend?" Dennis
"Andy, asikasuhin mo nga si Dennis." Sabi ko habang nilalagyan ng betadine yung sugat ni Kai sa noo niya. SHOOOCKS.
Hindi niyo alam kung gano ako kasaya ngayon. Nahawakan ako ni Kai kanina sa arm ko then, nakasabay ko siyang kumain, tapos ngayon, nahahawakan ko yung mukha niyang napaka-gwapo!!!
"Choosy mo." Sabi ni Andy tapos inasikaso na din niya si Dennis.
"ARAY!!! Tae ka Dyl. Bakit parang galit ka pa sakin!?" Dennis. Eh pano naman eh galit na dinukdok ni Andy yung bulak na may betadine sa sugat ni Dennis.
"Kaya mo naman kasing gamutin yung sarili mo tapos ganyan ka pa." Andy
"Tch. Nasan yung pagka-babae mo ha?! Tss. Pasalamat ka nga jan at hindi ka na lumaban. Kainis." Dennis.
BINABASA MO ANG
Casanova Princess ♔
FantasíaOriginally, HE was a PRINCE. A Casanova Prince. And ONE DAY, his ex-girlfriend revealed herself as a deity and turned him into an ordinary girl. He has no choice but to live in the girl's dorm with a REAL girl. What will happen to them? Will his roo...