♔♔ SEVEN ♔♔

243 8 0
                                    

♔♔ SEVEN ♔♔

-Dylan's POV-

Biglang may dumagan saking kung ano kaya naman medyo nagising ako.

"A-Aray ko." Sabi ko.

Ang sakit ng katawan ko. Yung tipong na-over dose ka sa pagw-work out, ganun kasaket.

Teka. Napadilat naman ako. Nakita ko si Naomi na nakatakip yung bibig niya tapos ang laki ng mga mata niya. Na para bang gulat na gulat.

"Hoy---" teka. Ang lalim ng boses ko.

Ewan ko pero biglang nanginig si Naomi. "D-Dy-Dylan?!" sabi niya.

Dylan?! Bumalik na ba ako sa dati kong anyo?! Nagmadali akong tumayo tapos tumingin ako sa salamin and nakita ko yung pogi kong mukha.

"WAAH!! BUMALIK NA DIN AKO SA DATI!!" nagsisigaw ako.

"SAN MO DINALA SI ANDY!!!" biglang sigaw ni Naomi.

"Tch. Hanggang ngayon parin ba eh slow ka? Ako at si Andy ay iisa." Sabi ko naman.

"A-A-ANOOOO!?!!" gulat na gulat siya. "Y-Yung kagabi. NOOOO!!!!" nagtatakbo siya tapos tumayo na din ako at lumabas ng banyo.

"Wag kang mag-alala. Wala akong naaalala." Nagkunwari ako. "Kaya kung ano man yung sinasabi mo, wala akong alam." Sabi ko.

"T-Talaga?" sabi niya. Madali talagang mauto itong babaeng to.

"Oo." Sabi ko. "So ang gawin mo ngayon eh tawagan mo si Dennis para pumunta dito at matulungan ako." Sumikip na kase yung damit ko dahil medyo fit kay Andy yung damit na suot ko kaya para akong baklang ewan. Kaya naman eh hinubad ko na muna yung shirt ko at eto namang si Naomi eh nagsisisigaw kaya lumapit ako sa kanya at tinakpan yung bibig niya.

"SHHH. Di mo ba alam kung anong gulo ang pwede mong gawin dahil sa sigaw mo?!" bulong ko sa kanya.

Umiling naman siya tapos inalis niya yung kamay ko. "Oo na. Pero please lang wag na WAG ka ng tatabi sakin kase hindi ka na babae!!! Tss." Sabi pa niya habang tinulak ako.

"Aray ko ah!" sabi ko.

"Shh. Jan ka lang. Tatawagan ko na lang si Dennis para matulungan ka. Pero-alam na ba nila yung situation mo?"

 

"Oo." Sabi ko tapos bigla na lang siyang nagalit.

Casanova Princess ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon