♔♔ TEN ♔♔
SA ISANG KAHARIANG WALA DITO SA LUPA.
"Master, patawarin niyo na po ako. Gusto ko lang naman po kasi siyang turuan ng leksyon eh." sabi ko.
"Ano? Pinagbigyan na nga kitang manirahan sa lupa kahit hindi pwede pero anong ginawa mo? Umibig ka pa din sa isang tao! Alam mo namang bawal yun!!"
"Pero, master..."
"Tama na. Isa kang deity pero hindi mo ginagampanan yun."
"Pero mahal ko po talaga siya. Gagawin ko po lahat para magbago siya. Kahit yun lang. Kahit na hindi na maging kami basta lang magbago siya." sabi ko.
"Naiintindihan mo ba yung sinasabi mo? Hindi mo na dapat pinakielaman pa yung mga taong yun! Di ba ang trabaho mo eh tumulong lang sa taong humihiling ng true love? Eh bakit hindi na lang yun ang gawin mo at hayaan mo na yung lalaking yun!!! Dahil sa ginawa mo eh pwedeng masira ang buhay niya!!"
"Sorry po. Akala ko po kase eh pag naging babae siya eh baka magbago siya ng ugali niya." sabi ko.
"Wala pa ring magbabago sa isang tao kung siya mismo eh ayaw magbago. Papatawarin na kita pero simula ngayon eh hindi mo na ulit magagalaw pa ang mga tao. Hindi ka na makakaalis sa mundo natin."
"S-Sige po."
"Sige na. Madami pang humihiling sayo. Gawin mo na ang trabaho mo."
"Sige po." sabi ko.
----------------------------------------------------------
-Dylan's POV-
BINABASA MO ANG
Casanova Princess ♔
FantasyOriginally, HE was a PRINCE. A Casanova Prince. And ONE DAY, his ex-girlfriend revealed herself as a deity and turned him into an ordinary girl. He has no choice but to live in the girl's dorm with a REAL girl. What will happen to them? Will his roo...