Chapter 9. Pre-Intrams

23 0 0
                                    

>> Here's the update :) Mianhe kung ngayon lang nakapgupdate..actually matagal ko nang natapos tong chapter na to pero hindi ko lang kagad naupload..nakakatamad na kasi wala naman akong motivation para ituloy pa to..pero dahil sa love ko talaga yung pagsusulat itutuloy ko pa din :)

Comment pa kayo para matapos ko yung next chapter para mabigyan pa ko ng motivation

Chapter 9. Pre-Intrams

Lexi's POV

Nung malapit nang mag6 ng gabi ngpaalam na kami kay Kashina na uuwi na kami. As usual hindi na naman kami ng nagbayad kasi libre nga kami sa LUcky Smile dahil sila Kashina ang may-ari. Siguro kung araw araw kaming nandito ni Taffy malulugi sila Kashi. 3 hours ba naman ng 3 hours kaming nagcocomputer dito tapos tatlo pang computer yung gamit namen. Tatlo, sa akin, kay Taffy at kay Kashina. Hindi kasi siya sa may server nagcocomputer dahil dun nagcocomputer yung bantay talaga ng comp shop.

Bago pa kami makalabas ni Taffy ng comp shop sumilay muna ako kay Nyle

Last silay for this day. Mamimiss ko siya hindi ko siya makikita bukas, linggo kasi eh hehehe

Pagkatingin ko kay Nyle kumabog na naman ng matindi yung puso ko, nagaabnormal na naman. Palagi na lang

Dugug! Dugug! Dugug!

Nakatingin din siya!

Kahit na nagkatitigan kami hindi ko maiwasan yung tingin niya. Hindi ko magawa yung mga ginawa ko kanina na kapag nahuhuli niya ako tumitingin sa kanya napapaiwas kagad ako ng tingin. Hindi ko alam pero parang nanghihipnotismo yung tingin niya. Hindi ko mautusan yung mata ko na bawiin na yung tingin kay Nyle hanggang sa nakita ko...

nakita ko na nginitian niya ako

Hindi ko na napigilan

>///<    I blushed when he smiled at me

After nun, saka ko lang nautusan yung mata ko na bawiin yung tingin ko kay Nyle. I didn't smiled back at him. Yun lang ang nagawa ko, ang magiwas ng tingin.

Haist pagkakataon mo na yun Lexi! Dapat nginitian mo din siya!

Hindi. Hindi ko siya kayang ngitian pabalik dahil sa hiya ko. Hindi talaga makapal ang mukha ko para ngitian ko din siya. Nahihiya talaga ako ng sobra sa kanya.

Matapos yun lumabas na din ako ng comp shop at sumunod kay Taffy at nagabang ng masasakyan sa labas. Madilim dilim na nung lumabas kami. Pagkasakay umuwi na kami ni Taffy at katulad ng usapan, si Taffy ang nagbayad ng pamasahe ko

Wala pa si Mama nung dumating ako sa bahay. Dumiretso ako na ako sa kwarto at kinuha yung Love Notebook ko sa pinagtataguan ko.

Dear Nyle,                                                                                                        September 11, 200*

Shocks! Isa na ata to sa pinakamagandang araw ko. Ilang beses din yung nahuli kitang tumitingin saken at ilang beses din yun na nahuhuli mo akong tumitingin sayo. Hindi ko alam kung nahahalata mo na ko na may gusto ako sayo. Sana hindi, sana hindi pa kasi nahihiya ako sayo. Ayoko talagang malaman mo. Hindi ko alam kung bakit, pero nahihiya nga kasi ako at hindi naman makapal yung mukha ko na ipaalam pa yun sayo. Pero kasi kapag nasa paligid ka lang at malapit sa akin, hindi ko naman mapigilan yung sarili ko na hindi ka tingnan. Ayan tuloy nahuhuli mo ako.

Hindi ko naman alam kung anung ibig sabihin ng pagtingin tingin mo saken sa tuwing mahuhuli kitang nakatingin din sa akin. Ayokong bigyan yun ng kahulugan. Baka kasi wala lang yun. Baka nagkakataon lang na napapatingin ka saken at nahuhuli kita. Ayokong magassume. Ayokong magexpect. Ayokong umasa baka kasi masaktan lang ako.

Love NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon