Chapter 3. His Name

22 0 0
                                    

 Chapter 3. His Name

Napapangiti tuloy nung naalala ko yun.

Muntanga lang ako

Akalain niyong si Lexi na nuknukan nang daldal nagging speechless dahil lang sa isang lalaki.

Hindi niyo naman siguro ako masisisi dahil pagka gwapo gwapong nilalang naman kasi yung nakita ko hahaha

Anyway naalala ko naman ulit kung panu ko nalaman yung pangalan niya

*FLASHBACK*

Three days mula nung hanky scene na yun nung napagpasyahan kong alamin ang pangalan niya sa tulong nang mahal kong bestfriend na si Kashina! ^___^

Uwian na nang hapon at sabay kaming naglalakad ni Kashi papuntang sakayan para umuwi..Hindi namen kasabay si Taffy nung time na yun, ewan ko ba kung saang lupalop ng mundo yun nagawi..bigla bigla ba namang nawala

Nagkwe-kwentuhan kami ni Kashi nung bigla kong maalala na itatanong ko pala sa kanya yung pangalan ni Mr. Ragnarok

“Kashi halos lahat ba nang nagcocomputer dun sa Lucky Smile kilala mo?” tanong ko

“Uhmm karamihan sa kanila kilala ko lalo na yung madalas magcomputer at tumambay dun sa shop. Bakit mo nga pala natanong?”

“A-ah ano kasi itatanong ko lang kasi kung kilala mo yung matangkad na lalaki na maputi na gwapo tas may dimple pa”

“Tas madalas din siyang magcomputer dun” dagdag ko pa

“Si raf raf ba?”

“Hindi, hindi si Raf Raf” Si Raf Raf yung isa pang cute na guy na nagcocomputer din sa Lucky Smile pero xempre mas cute at mas gwapo si Mr. Ragnarok ko noh kay Raf Raf hahaha

“Eh sino?”

“Ang alam ko kaibigan din siya ni Raf Raf ehh. Sila yung madalas kong makita na magkausap. Tsaka mas matangkad siya ng konti kay Raf Raf”

“Hmmmmm……ah baka si Nyle!”

“Nyle? Sigurado ka? Yung lalaking matangkad na maputi na matangos ang ilong na cute na gwapo tas may dimple?”

“Oo ata? Eh hindi naman kamo si Raf Raf kaya si Nyle lang yung iba pang kilala ko na nagcocomputer dun na may ganyang description ”

Nyle nga kaya pangalan nun?

Sasagot na sana ako nang may biglang

“Kashina!”

Parehas kaming nagulat at napalingon dun sa tumawag kay Kashina pero biglang manlaki ang mata ko pati pakiramdam ko lumaki din ang ulo ko!!!

O__O

Dugug! Dugug! Dugug!

Siya yun! Si Mr. Ragnarok!

Lumapit siya sa akin este kay Kashina pala at kinausap niya ang bestfriend ko

Anu ba naman ako nanaginip na naman ako ng gising! Ang swerte naman ni bestfriend kinakausap siya ngayon ni Mr. Ragnarok

Nilakihan ko yung tenga ko para madinig ko yung usapan nila pero letse naman kasi tong tibok ng puso ko ang lakas lang ng tibok!  nabibingi tuloy ako..hindi ko tuloy madinig yung pinaguusapn nila..

Tahimik lang tuloy ako habang naguusap sila without any idea kung anung pinag uusapan nila!!!

Yung puso ko kasi! Yung puso ko ang lakas lakas ng tibok!  Napakabnormal!

Love NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon