Chapter 11.A Jail Booth

14 0 0
                                    

Chapter 11.A Jail Booth

Dear Nyle,

Two days na kitang hindi nakikita tas tinaon mo pang Intrams. Bakit hindi ka pumapasok? Akala ko pa naman mae-enjoy ko yung intrams yun pala hindi. Na-enjoy ko naman kahit papano pero si Kashina kasi eh, bago matapos yung araw pinaiyak ako :(  Ayan tuloy may narealize ako. Una, sobrang miss na miss na kita, kulang talaga ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Pangalawa, hindi na pala kita crush.

 Mahal na pala kita

Sa totoo lang nagtataka ako bakit kita minahal, eh hindi naman tayu nagkakasama. Wala namang developan na nangyayari, pasulyap sulyap nga lang ako eh. Pero ok lang hindi naman ako nagrereklamo na minahal kita eh hehe. Sige till here na lang muna. Sana naman pumasok ka na bukas last day na ng intrmas eh

Lexi 

***

SCHOOL

Second day na ng intrams namen at last na day din, two days lang naman ang  Intrams eh. Nasa labas ako ng room namen at as usual palingon lingo ako sa paligid ko para hanapin si Nyle pero katulad kahapon, ni anino o dulo ng buhok niya hindi ko makita. 

Napabuntong hininga na lang ako, pero nagulat ako nang may biglang tumapik sa balikat ko

"Ang lalim ng pinaghuhugutan nun ah! Mas malalim pa ata sa balon hahaha" nakatawang sabi saken si Art

Napangiti naman ako bigla pagkakita sa kanya. Tagal ko nang hindi nakakasama tong babae na to.

Yep. Babae si Art. Second name niya ang Art at ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganun. Naastigan kasi ako sa second name niya. Rochelle Art ang buo niyang pangalan. Siya yung binabanggit ko na kaibigan ko sa ibang section. Elementary nung una kaming naging magkaibigan pero hindi pa kami naging magkaklase kahit kelan. Nagkasama lang kami sa sayaw nung elementary para sa field day namen

"Art, namiss kita!" nakangiti ko siyang niyakap

"Hahaha eto talagang si Lexi akala mo dekada kung hindi kami nagkita ah" sabi niya na yumakap din naman saken. Katulad ko masiyahin din si Art kaya kami nagclick. Kami nga yung magkasama nung field trip namen nung grade 6 sa Star City kasama nung isa pa nameng kaibigan na si Inton. Kaklase ko si Inton tapos crush naman siya ni Art. Ewan ko lang kung aware dun si Inton. Hindi sa school namen naghigh school si Inton. Malayo kasi yung bahay nila sa school namen.

"Eh kasi hindi na tayu ulit nagkakasabay umuwi eh. Yung huli nateng sabay nung umuulan pa, yung kasabay pa naten si SSG President"

"Hehe ou nga eh, may iba ka na kasing kasabay tsaka magkaiba tayu ng sched ng uwian"

"Kaya nga, buti naman at dumaan ka dito, hindi ka busy?" tanong ko sa kanya. Member kasi ng school choir si Art. Mamaya kasi sa Victory Ball magpe-perform sila kaya puspusan ang practice nila. Halos hindi na nga sila nakapagparticipate sa Intrams. Dati hinihintay ko pa siyang matapos sa practice niya sa choir para magkasabay kami psuwi pero pinahinto na niya ko kalaunan. Inaabot na kasi sila minsan ng 6:30 kakapractice masyado na daw akong gagabihin sa paguwi kaya pinatigil na niya ko sa paghihintay sa kanya.Nung una, inaaya niya pa akong sumali sa choir para sabay pa rin kaming umuwi pero masyadong makapal ang mukha ko para sumali sa choir hahaha

"Mamaya pang alas 3 ang general practice namen para mamaya sa Victory Ball kaya hindi ako busy. Ikaw may gagawin ka ba mamaya? Around 10 ng umaga?"

"Uhmm 10? wala naman bakit? Teka anung oras na ba?" 

"9:30 na, nuod tayo ng basketball sa complex mayang 10"

"Eh malapit na palang mag10 eh, bakit hindi pa tayu manuod ngayon? Teka pupuntahan ko lang sila Kashina, magpapaalam lang ako baka kasi hanapin nila ako eh" papunta na sana ako sa loob ng room namen nung pinigilan ako ni Art

Love NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon