Chapter 12. Victory Ball

13 0 0
                                    

Chapter 12. Victory Ball

Lexi's POV

Pagkagaling sa jail booth dumiretso ako sa room namen. Pagtapak na pagtapak ko pa lang sa bungad ng pinto ng classroom, pinutakte na kagad nila ako ng panunukso sa pangunguna ni Taffy. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Lagot talaga sa akin si Art. BIgla kasi siyang nawala eh, mukhang alam na alam niya na dadagukan ko talaga pag nakita ko siya, kuuuhhhh!

"Kamusta ang buhay bilibid, Lexi with your partner in crime? wahaha" tanong saken ni Taffy kaya naman sinimangutan ko siya.

"Tse! Tigilan mo ako Taffy ah! Kashi, si Art nakita mo kung san pumunta?"

Nagkibit balikat saken si Kashina "Hindi ko sure eh, pero parang sa First Year Building ata"

Magkaiba kasi yung building ng first year at star section. Sama-sama sa isang building ang star section na nakapwesto sa likod ng third year building that's why magkatabi ang section namen nila Nyle.

Naku saan ko kaya hahagilapin yung lukring na yun? Hindi ako papayag na hindi ko siya madagukan! Grrrr  >.<

"Teka may pupuntahan ba kayo, Kashina?"

"Mamayang 1 may laban ulit ako, championship", yeah you heard it right, lalaban for championship sa chess si Kashina. Galing ng bestfriend ko, kagaling laang sa chess hehe. Proud ako jan

"Ikaw, Taffy may tatakbuhan ka na naman bang bola mamaya?" tanong ko naman kay Taffy

"Wala na, championship na din mamaya sa volleyball eh. Red Warriors vs. Blue Eagle" hehe ang bruha hindi man lang tinanggi na tintakbuhan niya ang bola

"Pang ilang place kayo?" tanong ko pa ulit

"As usual---"

"Fourth place" Ako na ang nagtuloy sa sasabihin ni Taffy. Palage naman eh pag intrams

"Nope! Third place!" then Taffy grin at me. Nagulat ako sa sinabi niya, nakathird place pa kami sa volleyball?

"Natalo niyo ang Yellow Aces?"

"Hahaha oo, mas malala pa sila saken kung takbuhan nila ang bola"

"Hmmm...congrats then, hindi lang ikaw ang nagiisa sa federation niyo na ang pinakamain objective eh takbuhan ang bola during volleyball tournament, hahahahaha" sabi ko kay Taffy, makabawi man lang sa pangaalaska niya saken

"Tse! Luka-luka! Federation pa nga!"

"Hahahaha" binelatan ko lang siya tas lumabas na ko ulit ng room. Meron pa kasi kaming unfinished business ni Art. Hindi ko yun nakakalimutan noh

***

Pumunta ako ng first year building at nung malapit na ako sa room nila Art nagdahan dahan ako ng lakad para hindi niya mamalayan yung presence ko kung andun man siya na. Dahan-dahan akong sumilip sa room nila. May tatlong tao, hindi ko kilala yung dalawa pa pero yung isa, kilalang kilala ko. Ayos!

Huli ka balbon! Hindi mo ako mapagtataguan Art!

Nilapitan ko kagad siya  bago pa niya ako makita. Hinawakan ko siya sa balikat mula sa likod niya kaya naman napahiyaw siya sa gulat

"Waaaaaaaaaaa!" O.O

Agad-agad lumingon saken si Art na may nakakatawang expression ng mukha. Kundi lang ako maniningil baka humagalpak na ko ng tawa sa nakita kong pagmumukha niya. Pero mamaya na, kailangan ko munang magserious ngayon para maisip niya na galit ako sa ginawa niya

Nang makabawi siya sa pagkabigla at makita na ako yung humawak sa kanya, para na siyang naging maamong tupa. Alam na!

"L-Lexi..e-ehehe i-ikaw pala yan" sabi ni Art pero tinaasan ko siya ng kilay. Kailangan kong gawin yun kundi hahagalpak na talaga ako ng tawa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon