Chapter 11. B Jail Booth

22 0 1
                                    

Chapter 11. B Jail Booth

 Dedicated sa Kanya dahil nilagay niya sa reading list yung story na to. Sobrang natuwa ako nung nagustuhan niya yung sinusulat ko :) Sana marami pang magkagusto sa story ko

A/N: The awaiting POV :)

Actually excited po akong isulat ang POV niya. Ang tagal niya kasing nawala sa scene. Ilang chapters din yung wala siya kekeke

...

 Waaaaaaa sabi ko excited akong isulat ang POV niya pero wala akong maisip! waaaa...

seryoso eto na po talaga.

Hingang Malalim! hoo! hoo! Hindi po ako bad breath ahh!

...

Nyle: Nayayamot ako! Kay Ms. Author! Ang tagal kong nawala sa eksena eh, ilang chapters din yun. Hindi niyo tuloy nasilayan kagwapuhan ko hahaha

deth: Abababa..nayayamot ka saken kailangan mo talagang mawala sa eksena no! Kasama yun sa story tsaka talaga namang isang linggo kang nawala nun ah! haha tanggalin kita ng tuluyan sa story eh

Gulp.

Nyle: Joke lang Ms. Author na maganda..eto naman love mo ko di ba kaya hindi mo ako magagawang tanggalin. Churry na po! love you ^___^

deth:Sows na matamis!

Nyle: Churry na talga. Dali na tsupi ka na at simulan mo na yung POV ko, kadami mong commercial! namimiss na ko ng mga FANS ko hahaha

deth: HaruJusko! Oh sige na eto na talaga

Nyle's POV

Nayayamot ako. Halos isang buong linggo akong absent, isang araw nga lang ang naipasok ko eh. Si mama kasi eh nagpasama sa Manila. Bakit kasi ako pa yung isinama hindi na lang CJ o kaya si Ate. Ilang araw ko na din hindi nakikita si Lexi. Martes ko lang siya nakita.

Wahehe lumalovelife ako taenik!Kala mo naman masipag magaral kaya nayayamot,  yun pala sisilay lang

Anu ba kasi yung inaasikaso na yun ni Mama. Kung tama ang nakita ko sa mga papers na inaasikaso niya, Visa ba yun? Bakit inaasikaso ni Mama yung visa at para kanino yun? Aalis ba siya? Si Papa kasi nasa ibang bansa eh

Hay naku pinapasakit ko yung ulo ko. Si mama kasi ayaw akong sagutin nung tinanong ko siya eh. Nakakayamot na nakakainis! Haist tae naman hindi ako mapakali. Napatingin ako sa calendar. Biyernes na pala at last day ng intrams ng school namen ngayon. Sa totoo lang hindi ako mahilig sa intrams. Wala ako sa mood na manuod nun, mula first year hindi na ako naattend sa ganun imbes pinangcocomputer ko lang yung baon na binibigay saken ni Mama. Sa kasamaang palad nalaman ni mama na imbes umattend ng intrams eh dumidiretso lang ako sa comp shop kasama ni Raf Raf.

Napakapa ako sa bulsa ko, nilabas ko yung pera ko. Wow! Dami kong pera!

Bente Pesos! Paksyet!

Anung mararating ng bente ko? Cornetto? Nah! Hindi pa uso ang bente pesos na cornetto sa panahon na to kaya bawal yun. Hindi ako binigyan ni Mama ng pera kasi nalaman na niya na intrams namen ngayon. Dahil nga nahuli niya ako dati at nalaman niya na hindi na naman ako napasok hindi na niya ako binigyan ng allowance mula kahapon hanggang ngayon. Tirang pera ko pa to nung pumasok ako nung martes. Dapat nga hindi na din ako papasukin ni Mama nun eh kundi ko lang sinabi na may quiz kami nun. Sa totoo lang kahapon lang kami nakabalik ni mama galing Manila kaya hindi ako nakapasok tutal naman daw intrams lang namen.

Love NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon