Chapter 7. Gate...Bag..Papampam??

16 1 4
                                    

Chapter 7: Gate..Bag..Papampam??

Lexi's POV

Dugug! Dugug! Dugug!

Gosh! Bakit naman siya nakatambay sa pintuan ng room nila? May inaabangan ba siya? Bakit parang nakita ko na nakatingin siya saken kanina?

Bakit Lexi feeling mo ikaw ang inaabangan niya? Assuming ka naman teh! Nakatingin sayo? Baka nagkataon lang yun..hahaha

Tse! Manahimik kang utak ka palagi ka na lang nakakontra!

Tahimik lang akong naglalakad..hindi ako direktang makatingin sa kanya kaya hindi ko alam kung kanino siya talaga nakatingin pero feeling ko..feeling ko lang talaga eh..parang may nakatingin sa akin..siya kaya yun? hehehe hindi ko talaga maiwasan maging assuming eh

Eto na malapit ko nang malagpasan yung room nila Nyle tapos papasok na ko sa room namin kaya hindi ko mapigilan na hindi tumingin sa kanya

Last silay na to pagkatapos ok na..buong buo na tanghali ko wehehehe

...

>///<

Gravity!!! Nagkatitigan na naman kami!!!

for about 3 seconds bwehehe

Hindi talaga keri ng powers ko kaya napaiwas na ko ng tingin at binilisan ko na yung lakad ko..nahihiya ako na makita niya kong tumingin sa kanya!!!

Eh bakit nakatingin din naman siya sayo ahh...kaya nga kayo nagkatitigan eh..bakit siya hindi naman nahihiya?

Tong utak na to..syempre iba naman ako..baka mamaya mabuko niya pa ko na crush ko siya noh..ayoko ngang malaman niya..shyness kaya!

Psh..bahala ka na nga! lantong mo! hahahaha

Dugug! Dugug! Dugug!

Hala yung puso ko hindi na natigil sa pagaabnormal!!!

Pagpasok ng room dumiretso na kagad ako sa upuan ko..tumingin ako sa bintana na nasa may right side ko para alamin kung andun pa si Nyle pero hindi ko makita kasi nakaharang yung pintuan nila..pero ok lang atleast nakasilay pa din ako hahahaha

(^___________________________________^)

"Oi girl punit na yang mukha mo sa sobrang ngiti!" pansin saken ni Taffy

Bigla ko tuloy natanggal yung malapad kong ngiti dahil sa sinabi ni Taffy

aray..ang sakit naman pala sa panga pag nagpigil ng pagngiti -______-

"Bakit ka ba nakangiti ha?" kulit ni Taffy

As if on cue bigla na naman akong napangiti!

(^_________________________^)

para na akong timang!

"Si Nyle kasi eh nasa pintuan kanina..nakasilay na naman akooooo! waaaaaaaaa!!!..grabe Taffy ang saya saya koooooo!!!" sabi ko with matching pagalog at paghatak ng damit ni Taffy..Sa sobrang kilig ko hindi ko na mapigilan na hindi siya alugin

"Hindi ka naman kinikilig niyan Lexi..grabe masisira yung damit ko sayo!!! bitaw na nga! ..hinay hinay ka lang naman..mao-overdose kana sa kilig niyan ehh!" =______= ++

"Ehh..pagbigyan mo na ko Taffy! Ngayon lang naman ako kinilig ng ganito eh..iba yung feeling..aaaaayyyyy!!! " pero mahina lang..kakahiya din naman sa mga kaklase ko na makakadinig bwehehehe

Love NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon