Chapter 1 First Periodical Love este Exam

62 0 3
                                    

Chapter 1 Periodical Love este Exam

EXAM DAY. First Periodical Test. Malas ang araw na to para sa 'ken ako na ang nagsasabi sa inyo. 

Bakit?

1. Exam lang ang gagawin sa araw na to. 

May testophobia pa naman ako. Ibig sabihin may phobia ako sa exam. Hindi joke lang pero parang ganun na din yun. Allergic kasi ako sa test, quiz, short quiz, long quiz, pre-exam, post test, periodical test etc. etc. dahil ayoko sa lahat ang nag-iisip. Hindi sa wala akong isip o sa wala akong utak. Ayaw na Ayaw ko lang talaga ang nag-iisip. In short tamad akong mag-isip. haha

2. Natapat na thursday ang day ng exam. 

Anung kinalaman ng thursday? Wala lang, malas lang naman akong tuwing thursday at huwag niyo nang itanong sa akin kung bakit dahil hindi ko din alam. Basta ang alam ko malas ako kapag thursday. period. walang kasunod.

 at 

3. May sore eyes pa ko.

Isa ako sa tinamaan ng sore eyes outbreak sa school namen. Kung hindi ba naman ako minamalas talaga. Buset lang eh. Pero wala akong magagawa kundi pumasok. Periodical Test eh. Hindi bale pagaling naman na to. Manghahawa na lang ako sa mga kaklase ko..bwahahaha.\(0^◇^0)/

"Lexi, anu bang ibinubulong bulong mo dyan? Tanghali na hanggang ngayon hindi ka pa rin naka ayos. Exam niyo pa man din ngayon. Pagka hirap hirap mo naman kasing gisingin na bata ka", tawag sa akin ni mama nang hindi pa din ako lumalabas ng kwarto matapos niya akong gisingin ng panglimang beses.

"Opo lalabas na po!" sagot ko habang nagkakamot ng ulo. Umagang umaga nabubugnot ako ang aga aga naman kasing manermon ni mama. Makabangon na nga! (>.<)

"Bilisan mong kumaen dyan pagkatapos maligo ka na" utos saken ni mama pagkalabas ko ng kwarto. Pero dire-diretso lang ako sa C.R. Aano ako sa C.R? Hindi ako magbabanyo o magbabawas, dahil tatanga lng ako dun. 'Yoko pang kumilos, tinatamad pa nga akong pumasok ehh.

Maya-maya kinakatok na ko ng kapatid ko sa C.R, magbabanyo daw sya. No choice ako kung hindi lumabas. Tsk. Makakilos na nga.

Matapos kong kumaen, maligo, magayos etc. etc. palabas na ko papuntang labasan para magabang na masasakyan papasok. 

Eto ang unang araw ng first periodical test sa unang taon ko sa high school. Tama. First year highschool pa lang ako sa Mataas na Paaralan ng bayan ng Townsville. Batang bata. Cute na cute pa. haha kapal face ko talaga. 

 SCHOOL

"Lexi!" 

"Lexi!"

"Alexynne!"

"Alexynne Advincula!" sigaw sa'ken ni Taffy habang ako'y naglalakad. 

"Ay! Alexynne! Ay ano ba?! Taffy huwag ka ngang nanggugulat dyan! Jusme to" sita ko kagad kay Taffy pagkalapit niya sa 'ken. 

"Eh kanina pa kaya kita tinata- Wow bungga! may shades! haha" bigla na lang natigil yung sinasabi niya pagkakita sa akin na may suot na shades at sa halip pinansin yung shades ko.

"Adik! May sore eyes pa ko kaya may suot ako nito. Bungga ka dyan. Ano ka bisaya? haha. Anu na nga ulit yung sinasabi mo kanina?"

"Kanina pa kako kita tinatawag. Nakailang beses na kong tawag sayo, sampung beses na ata yun"

" 'Wag OA wala naman akong nadidinig"

"Ang bingi mo kasi kaya wala kang nadidinig. haha" sabay dila saken ng bruha. c(:

Love NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon