CF - 06 (ELIZA) 09/26/15

15 10 0
                                    

A/N: Pasensya na talaga kung di na ako gaano nakakapag update. Simusubukan kong tapusin lahat ng on going stories ko bago matapos ang taon na ito.

Short update muna.

Kilig overload next chapter.

Maraming salamat p.o sa patuloy na pagsuporta.

--------

* Excuse *

Lunch Break.

Dumating na ang oras na kinakatakutan ko.

Mula pa kanina sa Math Subject hanggang ngayon, ibang kaba ang nararamdaman ko dito sa dibdib ko.

Huminga muna ako ng malalim bago kinuha ang baon ko sa bag.

Nagsilapitan na sa akin ang Girlfriends pero ang lulungkot ng mga mukha nila.

Inayos na nila ang lamesa at binuksan na ang kanilang dala dalang baon.

" Kahit hindi mo sabihin sa amin, alam ko. Ayaw mo nang Spin the Bottle. " Sabi ni Yana sa akin.

Tumango silang lahat habang ako eh tinitigan ang baonan ko.

" Pwede ka pa namang umatras kung gusto mo kaso nga lang, mapaghahalataan ka nga lang niya. " Dagdag ni Jhoveline habang ngumunguya.

" Kung pwede lang naman talaga eh kaso ayaw kong isipin niya na simpleng hamon lang, mayayamot na ako. " Sabi ko sabay subo ng pagkain.

" Iyan nga din iniisip namin. Alam namin kung gaano ka kacompetitive pagdating sa mga hamon pero kung yang spin the bottle lang ang magpapataob sayo, may ibig sabihin yan. " Sabi ni Beverly sa akin.

" Ano naman yun ha, Beverly? " Sabay sabay nilang tanong habang ngumunguya.

" May gusto si Eliza natin kay Sabas. " Mangiti ngiti niyang sabi. Tinitigan ko lang siya at halata mong nagniningning ang kanyang mga mata nang sabihin niya yan.

Hindi ko pa nga sinasabi sa kanila nararamdaman ko pero alam na agad nila.

Siguro inoobserbahan ako nang mga ito kapag sumasagot sa blackboard itong si Sabas.

Hay nako! Malaking gulo ito kapag nagkataon.

Iniwas ko agad ang paningin ko sa kanya bago pa siya magsalita at binilisan na lang ang pagkain para makaalis na dito at magpahangin.

" Hoy, Eliza. Hinay hinay lang sa pagkain. Mabilaukan ka niyan. " Pag-aalala ni Marinela na kararating lang galing sa Canteen.

" Sorry naman. " Sabi ko sabay inom ng tubig na nasa harapan ko.

" Huwag mo na lang ipahalata sa kanya na gusto mo siya kasi baka mamaya eh sunggaban niya ang pagkakataon na yun para paaminin ka. " Sabi ni Rosemarie na narinig ko pang tinakpan niya ang baunan niya.

" Oo ganun nga! Huwag ka na mag-alala dyan! Kami na bahala sa Spin the Bottle. Makikilaro din kami, di ba girls? " Tanong ni Lea sa kanila.

Tumango tango lang sila at tinapos na nila ang pagkain.

Kahit na ganoon, medyo nabawasan na ang kabang dinadala ko.

Nandyan kasi silang mga kaibigan ko para tulungan ako.

Kaya lubos akong nagpapasalamat dahil nakilala ko sila.

Kung hindi dahil sa kanila, baka isa pa din akong batang tahimik.

" Lalabas lang ako at bibili sa Canteen. Babalik agad ako. " Sabi ko sa kanila. Tumayo na ako at naglakad papuntang pintuan nang biglang may bumangga sa akin.

Kagaya nang nangyari sa mall, tumilapon ako.

Napaupo ako sa sahig pero ang bigat ng katawan ko ay napunta sa kanang braso kaya naman nang igalaw ko nang kaunti ay medyo nakaramdam ko nang pananakit.

" Lampa talaga itong si Elizabeth! Paano napakapayat kasi! HAHAHA! " Alam ko kung kanino galing ang boses na yun.

" S-sabas? " Pabulong kong binigkas pero sapat lang para hindi niya marinig.

" Ano? Titig ka na lang? Papatunayan mo ba sa akin na lampa ka talaga? " Pang-iinis niya kaya dali dali akong tumayo pero agad din akong natumba.

Narinig ko ang mabibilis na yabag ng mga kaibigan ko ns papalapit sa akin

" Ayos ka lang ba? " Sabay sabay nilang tanong sa akin.

" Masakit! " Sabi ko sabay hawak sa binti ko.

Buong akala ko kanang braso ang napuruhan pero yung binti ko pala.

" Alalayan niyo nga yan tumayo. Napakalampa kasi. " Napaangat abg tingin ko sa mukha niya.

Oo! Nang-iinis siya pero bakas sa kanyang mga mata ang pag-alalala na kinawala naman nang puso ko.

" Oo na! Heto na oh? Makautos wagas! " Pagtataray ni Yanna.

Hinawakan naman ako nina Rosemarie at Marinela sa magkabilang braso at inalalayan akong tumayo at dahan dahang inilakad palabas ng classroom.

" Saan niyo naman dadalhin yan? Baka nakakalimutan mo Eliza ang usapan natin! " Sigaw nito pero umiling iling na lang ako.

" Sa Clinic namin siya dadalhin bakit? " Sabi ni Rosemarie sa kanya.

Narinig ko naman na nag-smirk siya bago kami tuluyang lumabas ng classroom.

" Bakit kasi hindi nag-iingat eh. Tatakbo takbo ng hindi nililingunan ang daan. Ayan! " Sermon ni Marinela sa akin.

Dahan dahan lang lakad namin pero patinde ng patinde ang pananakit ng kanang binti ko.

" Hay nako, Eliza. May gusto lang kay Sabas nagkaganyan na. " Nagawa pa akong asarin nitong si Rosemarie.

" A-ray! Ano ba, Rosemarie! Masakit na nga binti ko, binibilisan mo pa lakad mo at nagawa mo pa akong asarin! " Panenermon ko kaya naman napahinto siya bigla at napatingin sa akin.

" Oo na! Matagal niyo nang alam eh! Huwag na lang ipagkalandakan baka magwala mga alipores nun kapag narinig pero dalhin niyo muna ako sa Clinic. " Sabi ko sa kanila.

Hindi na sila umimik at dinala na lang sa clinic.

Sinalubong naman kami ni Ateng Nakaputi at pinaupo sa upuan sa harap ng desk niya

" Iwan ko na po sa iyo ang kaibigan ko. Magsisimula na kasi klase namin. " Pamamaalam ni Marinela. Tumango naman si ateng nakaputi sa kanya.

" Elizabeth pangalan mo? " Tanong niya sa akin habang hinahawakan ang binti ko at minamasahe nang kaunti.

Siguro nabasa niya ang pangalan ko sa ID.

" Opo! " Sagot ko sa kanya habang sinusubukang hawakan ang kantang binti ko dahil mas lalong sumakit nang umupo ako.

" Ayon sa nakikita ko, nalamog ang kanang binti mo kaya medyo namamaga ang bandang likuran nito kaya naman talagang makakaramdam ka nang sakit. " Pagpapaliwanag niya at itinuloy ang ginagawa.

" Pero kailangan ko po makabalik agad sa klase. " Sabi ko sa kanya pero umiling siya.

" Hindi mo nga magawang maglakad sa ganyang sitwasyon kaya magpahinga ka na lang. Abutan ko na lang excuse slip ang teachers mo. For the mean time, aalayan kita papunta sa pwede mong mahigaan at bibigyan kita nang gamot para mawala kahit papano ang pananakit. " Sabi niya kaya naman inalalayan niya ako at dahan dahan kaming naglakad papunta sa sinasabi niya.

Pabor pa sa nga sa akin na nangyari dahil kahit papano, nakalusot ako sa Spin the Bottle.

Confused Feelings (Short Story)  - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon