CF - 04 (ELIZA)

29 12 0
                                    

A/N: Sorry kung matagal natengga ang story na to. Naging busy po nung 2014 until now eh. Nagback read pa ako ng bongga >.< anyways, salamat po sa patuloy na pagbabasa ng Thanks For The Memories. I hope na sana lahat ng gawa kong kwento ay mabasa niyo.

Holy week ngayon so I grab this chance to update :)

Pasensya na kung magulo yung last chapter.

------

* Bwisit Ka Talaga Kahit Kelan *

Nagpupumiglas ako mula sa ginawa niyang pagkakayakap sa akin.

Aba! Mali naman yata na bigla na lang siya manghahatak tapos yayakapin ako ng walang dahilan?

Tsansing lang ang peg? Kabata bata pa ah?

Pero parang gusto ko na ganito na lang siya.

Nakayakap sa akin.

Ewan ko ba kung bakit.

" Huwag ka nang gumalaw dyan at malapit na siyang dumating. " Bulong ni Rhythm sa akin pero pilit ko pa din magpumiglas.

Malapit na siyang dumating?

Sino naman yun?

Girlfriend niya?

Anyways, kung sino ka man na babae ka, pwede pakidalian mo para makaalis na ako at iniwan na ako ng mga kasama ko!

Oo! Iniwan na ako ng mga Girlfriends ko! Malamang! Hindi nila napansin na wala ako sa tabi nila at wala akong ibang sisisihin kundi itong lalaking nakayakap sa akin ngayon.

Paano nga ba ako mapapansin kung sila mismo nagpupush ng love team namin ni Rhythm?

Iniisip ko pa lang yan nandidiri na ako.

Wala naman talaga akong gusto sa kanya.

Sadyang napapangiti lang niya ako kapag nakikita ko siyang masaya.

" Ano ba! Yayakapin mo na lang ako dito magdamag? Manyak! " Sabi ko sa kanya hanggang sa makawala ako sa pagkakayakap sa kanya.

Pinapakita kong galit ako para makaalis na ako sa pagkakayakap niya kasi kapag nagtagal pa to.

Baka gantihan ko na din siya ng yakap.

" Kapal mo namang sabihan ako ng manyak! Pasalamat ka at hindi na niya ako nakita kundi matagal pa kitang yayakapin. " Sabi niya sa akin sabay ngisi at nag-umpisa maglakad palayo sa akin.

Bigla ako kinilabutan sa sinabi niya.

" Loko to ah! " Sigaw ko kaya napalingon siya sa akin.

" Gusto mo isa pa? Uulitin ko ulit yun. " Bigla siya lumapit sa akin. Kaya naman napaatras ako.

" Subukan mo! Makikita mo hinahanap mo! " Sabi ko sa kanya.

Naglalakad pa din siya palapit sa akin.

" Tss. Talaga? Sinubukan mo ako? " Sabi niya na ngayo'y nasa harapan ko na siya.

Nacorner niya ako. Magkalapit ang mukha namin.

Ramdam kong biglang namula ang mukha ko.

Nakatitig siya sa akin. Titig na titig kaya ako na mismo napaiwas ng tingin sa kanya.

" A-ano ba kasi yun ah? " Nauutal kong sabi sa kanya.

Hindi siya umimik. Nakatitig lang siya sa akin.

Nang bigla ko napansing napangisi siya.

" HAHAHAHA! Malakas nga talaga charms ko sayo hahaha. Kung nakikita mo mukha mo ngayon hahaha! " Bigla niyang sabi at sabay tawa ng malakas.

Mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya kaya nag-isip na agad ako ng dahilan.

Gusto ko ng kumawala sa tensyon ngayon.

Kahihiyan lang aabutin ko dito.

Nahihiya ako sa sarili ko.

" Che! Alis nga dyan! Hahabulin ko pa sina Beverly! " Pagmamaldita ko.

Lumayo siya ng kaunti sa akin kaya kinuha ko na ang chance na yun para maglakad agad palayo sa kanya.

" Eliza. . . Maraming salamat. " Sabi niya pero hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy sa paglalakad.

Sa totoo lang, biglang bumilis tibok ng puso ko nang magpasalamat siya sa akin.

Hindi ko na alam kung bakit ganoon na lang ang mga reaksiyon ko kapag malapit siya sa akin.

Hindi ko alam, kinikilig na pala ako sa kanya.

Tumigil ako sa paglalakad nang makakita ako ng bench. Huminga muna ako ng malalim para kumalma na ang sarili ko.

Malayo na siya sa akin kaya dapat lang na maging mahinahon na ako.

Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone kong 3210 at tinext si Yanna kung nasan sila.

Nagreply naman siya at sinabing nasa Kpop Store sila at itong si Marinela ay namamakyaw ng mga paninda dun.

Agad ko naman silang pinuntahan kaya nga lang bigla sila napangiti ng nakakaloko ng makita nila ako.

" Ano meron? " Tanong ko sa kanila.

" Anong meron? Namumula lang naman mukha mo. " Sabay sabay nilang sabi sa akin.

Naloko na! Di pa pala nawawala!

" Ah-eh. Nakita ko kasi si Matteo Do. " Pagdadahilan ko. Sana maniwala sila.

" Wala sa Pinas si Matteo Do, Eliza. " Pagtataray ni Yanna.

Isip pa nang dahilan, Eliza!

" Oo nga! Baka naman si Rhythm yang nakita mo? Nakita kasi namin na bigla ka na lang hinatak. " Sabi ni Beverly na bigla na lang natawa ng mahina.

Nakita ko kung pano sila sumang-ayon sa sinabi ni Beverly. Sabay sabay pa ang kanilang pagtango.

" Oo na! Siya na ang nakita ko! " Sabay tingin sa malayo.

" Spill it out! " Sabi ni Yanna at saka sila tumingin sa akin na mapanuri at bakas sa kanila ang excitement.

" H-ha? Spill it out? Ano naman ikukwento ko? " Sabi ko sa kanila.

Nakaramdam ako ng mabigat na kamay na pumatong sa balikat ko.

" Kung paano at bakit namumula yang mukha mo. " Sabi niya.

Hindi na ako lumingon dahil kilala ko kung sino siya.

" Sinusundan mo talaga ako no? " Pagtataray ko. Sabay sabay namang nag-ayiee sina Rosemarie.

" Paano kung sabihin kong, Oo? " Kahit hindi ako lumingon ramdam kong nakangisi na naman siya ngayon.

" Wapakels! Pero alam mo, bwisit ka talaga kahit kailan! " Sabay tadyak sa paa niya at inalis kaagad ang kamay niya sa balikat ko.

" Nag- LQ na sila. Ayiee. " Sabi nina Rosemarie, Beverly at Marinela na noo'y kakalabas lang sa store.

" Che! Tigilan niyo ako! " Sabi ko sa kanila.

Imbes na matakot sa pagtataray ko, tumawa na lang sila nang pagkalakas lakas.

Confused Feelings (Short Story)  - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon