CF - 05 (ELIZA)

33 10 3
                                    

A/N: Let's make sulit sulit the 4 days no work >.< Isusunod ko na ang Shattered Memories.

Malapit na po ito matapos.

Ilang Chapters na lang.

-------

* Cat and Dog *

Pagkatapos nang nangyaring eksena sa Mall, hetong mga kaibigan ko, hindi na ako tinigilan sa pang-aasar lalo na hindi daw sila makamove on sa pamumula ng mukha ko.

" Eliza. . Ayan na siya! " Sabi ni Beverly at Rosemarie sa akin.

" Tse! Tigilan niyo nga kasi ako! " Sabi ko sa kanila habang nagbubura ng mga nakasulat dito sa blackboard.
Math Time na kasi namin.

" Ayiee. . Eliza. . Kenekeleg eke se enye. " Sabi naman ni Jhoveline habang abala sa pangongopya ng assignment kay Marinela na ngayon ay sitting pretty habang nakasalpak sa tenga niya ang headset.

" Ano? Di kita maintindihan. Pwede ba GFs tigilan niyo ako kay Rhythm. " Sabi ko sa kanila habang nagbubura pa din sa black board.

Bakit kasi pinuno pa ng sulat ni Mam Apostadero! Ang hirap tuloy magbura.

" Sus! Ako na naman ang topic niyo? Talaga naman! Hirap maging gwapo. " Bulong niya sa akin.

Gwapo naman talaga si Rhythm eh sunog nga lang ang balat.

" Kita mo na! Gwapo talaga ako. Hindi makapagsalita si Eliza oh? Hahaha! " Sabay tawa ng malakas ng buong klase.

" Hoy Mr. Sabas.  Ang kapal talaga ng mukha mo para sabihin na gwapo ka. Di hamak na mas gwapo si Luke Hemmings sa yo! " Pagtataray ko sa kanya habang naglalakad pabalik sa upuan ko.

Sinundan naman niya ako at ramdam kong nakangisi siya ngayon.

" Saan mo naman nakuha yang si Luke Hemmings? Akala ko OPM ka? Akala ko ba wala ka pakialam sa International Music? Hahaha! F.Y.I lang ateng, kung sino man yang Luke Hemmings na yan, mas gwapo pa ako dun! " Sabi niya sa akin mula nang makaupo ako.

Since magkatabi kami kapag Math time dahil sa kakagawan ng mga kaklase namin, wala akong magagawa kundi magtiis hanggang sa matapos ang School Year na ito.

" Oh, really? Pakilakas nga ang electric fan natin. Ang hangin kasi dito. " Nag-360 degrees akong eye roll sa kanya na sinabayan pang tumawa ang buong klase.

Kahit hindi ko siya lingunin, alam kong naiinis na yan sa akin.

Which is ito ang gusto ko talaga gawin sa kanya.

Ang inisin siya araw araw dahil isa yan sa mga dahilan kung bakit ko siya unti unting nagugustuhan.

Nakikita ko ang totoong siya kapag iniinis ko siya.

" Mamaya ka sa akin. For now, saved by the bell ka kasi andyan na si Mrs. Aquino. " Pabulong niyang sabi sa akin. Ngumisi na lang ako bilang tugon.

Tignan natin kung makakaisa ka sa akin ngayon.
-----

" Okay, class. Sino sa inyo willing sagutin ang Problem # 1 na nasa blackboard? " Tanong ni Maam sa amin.

" Ako, Maam! " Excited na sabi nang katabi ko at agad siyang tumayo.

" Lets see kung sino ang tatameme sa atin ngayon. Kapag tama ang sagot na naibigay ko, aaminin mo sa akin na mas gwapo ako kay Luke Hemmings." Buong pagmamalaki niyang sinabi sa akin at naglakad papunta sa unahan.

Ngumisi na lang ako bilang pagpapakita ng reaskyon sa kanya.

Alam ko naman na hindi niya masasagutan ng tama yan.

Never pa yan nagbigay ng tamang sagot sa Problem Solving na nasa black board.

" Okay, Mr. Sabas. Paki bigay ang Complete Solution ng Problem # 1. Then the whole class will check later. " Sabi ni Maam sa kanya.

Nagsimula na siyang magsulat ng solution pero syempre sinasabayan ko siya.

Nagsasagot ako dito sa aking notebook. Alam na alam ko yang problem na yan dahil napag-aralan ko yan kagabi.

" Maam tapos na po. " Buong ngiting sabi niya kay Mrs. Aquino.

Lumapit sa kanya si Maam at kinuha ang chalk.

" Ok. Lets see. Class, tama ba ang sagot na binigay ni Sabas sa atin? " Pagtatanong ni Maam sa buong klase.

Nakatingin lang sila sa blackboard. Walang ni isang kamay ang nakataas.

Kaya kinuha ko na ang pagkakataon na to para biglang tumayo mula sa kinauupuan ko at magsalita.

" Mali po ang sagot niya. Maling computation ang binigay niya. "

Nanlaki bigla ang mata niya sa sinabi ko.

Binigyan ko siya ng " ano-ka-ngayon-look ".

Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Mrs. Aquino at naglakad na lang ako papunta sa kanila.

Kinuha ko ang chalk at nagsimulang nagsulat.

Ramdam na ramdam kong nakatingin nang matalim sa akin ni Rhythm which is kinatuwa ko.

Nang matapos akong magsulat, nakangiti akong tumingin sa kanya at saka nagsalita.

" Hindi kasi 45 ang sagot. 60 ang tamang sagot. Sadyang hindi mo lang napag-add ang 45 + 15. " Sabay ngisi sa kanya.

" Tama ang sinabi ni Ms. Gonzales. " At nagpalakpakan ang buong klase.

" Sus! Tama yung sagot ko! Ewan ko ba kung saan mo nakuha ang 15 na na hindi ko na-add. " Inis na sabi niya sa akin habang naglalakad kami pabalik sa upuan namin.

" Naduling ka kasi! Palibhasa apat paningin mo. " Sabi ko sa kanya at natawa ng mahina.

" Ikaw! Nako! Mamaya ka sa akin talagang babae ka. " Inis na inis at padabog siyang umupo sa upuan niya.

" Well. Now you know, mas gwapo si Luke Hemmings sayo. Haha.! Nga pala, si Luke Hemmings ang Vocals ng 5 Seconds of Summer. Search mo  nang makilala mo at makita mo kung gaano kalayo ang itsura mo sa kanya. " Natatawang sabi ko sa kanya.

" Sus! No need to do that. At lunch break, spin the bottle tayo. Tignan ko lang kung hindi ka sumang-ayon sa akin. "

Aba't! Kung ano ano na pinagsasabi nito.

Nababaliw na ata.

Nayayamot na ata.

O nagseselos dahil mas gwapo si Luke Hemmings kesa sa kanya.

Eh totoo naman kasi mas gwapo talaga kaso ginawang big deal nitong duling na to.

" Spin the bottle? Hahaha! Oh sure. Nang mapatunayan ko sayong tapusin mo na ang kahibangan mo. " Buong lapad akong ngumiti sa kanya.

Pero goodluck sa akin sa Spin The Bottle.

Sana hindi ito ang maging daan para maipalabas ang nararamdaman ko sa kanya.

Dahil hanggang ngayon,  naguguluhan pa din ako.

Confused Feelings (Short Story)  - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon