CF - Last Chapter (ELIZA) [02-02-20]

15 9 0
                                    

Farewell, My Love!

" Yes! I'm leaving the day after tomorrow. "

Naistatwa ako sa kinauupuan ko nang marinig ko iyan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman at sabihin.

Gusto kong magwala sa sobrang inis at galit pero alam ko na hindi iyon ang dapat kong gawin.

" Bakit? Anong dahilan? " Iyan lang ang nasabi ko sa kanya dahil naramdaman ko nalang ang sarili kong naluluha.

" Hindi ko din alam kung bakit. Kailangan kong sundin ang gusto nang tatay ko. " Sabi niya sa akin sabay iwas nang tingin.

" Ganon lang iyon? Rhythm . . Ilang buwan nalang. . Gagraduate na tayo sa Elementary baka naman pwedeng pakiusapan mo muna. " 

Pag-iling niya ang naging sagot sa hiling ko. Wala na ako nagawa kundi ang umiyak nalang sa harapan niya.

" Bakit kasi wrong timing lagi? Bakit. .  " Patuloy pa din ako sa pag-iyak at walang magawa si Rhythm kundi tignan nalang ako.

" Wrong timing? Ang alin? Ang pag-alis ko? Hindi ko nga alam kung bakit ka naiiyak ngayon? Iniisip ko nalang na mamimiss mo ako kaya ka ganyan. " Sabi niya pero kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nito.

Pinunasan ko naman ang basang mukha ko gamit ang mga kamay ko at muling humarap sa kanya.

" Matalino ka diba? Eh di dapat alam mo na ang sagot. " Hinawakan niya ang kamay ko. Sobrang higpit.

" Huwag mong sabihin. . .  " Pagputol niya sa sasabihin niya. Hinatak ko naman siya at niyakap nang pagkahigpit higpit.

" Oo, Rhythm. May gusto ako sayo. May crush ako sayo. Matagal ko na ding gusto sabihin sayo ito pero natatakot ako na baka dumating ang araw na iiwasan mo ako pero aalis ka naman. " Malungkot na sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko naman na gumanti ito ng yakap sa akin.

" Kelan pa? Buong akala ko sobrang galit ka lang sa akin kaya ka ganoon? Hindi ko naman alam na may crush ka na pala sa akin. " Mahinang sabi niya pero humihigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

" 1st day of Classes this year. Oo nagagalit ako sa sobrang hangin mo pero hindi ibig sabihin nun galit na talaga ako. Minsan lahat nang pag-aasar ko sayo ay may halong pagmamahal. " Sabi ko sa kanya.

Humiwalay siya sa pagkakayakap at naupo sa tabi ko.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. Yung hawak nang magkasintahan? Yung magka-intertwine ang mga daliri namin.

Itinaas niya ito kaya napatingin ako.

" Tama kutob ko diba? " Tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman ito nang pagkalapad lapad.

" Oo, Eliza. Crush din kita. Matagal na. Kaya nga sobrang nasasaktan ako kapag inaaway mo ako at iniisip ko na baka hindi mo ako talaga gusto. " Nakangiti nga siya pero ramdam ko naman ang lungkot sa mga mata niya.

" So paano na tayo? Ganito nalang ba matatapos ang lahat? " Tanong ko sa kanya.

Inilagay naman niya sa puso niya ang kamay ko. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

" Hanggat tumitibok itong puso ko para sayo, kahit magkalayo tayong dalawa, ikaw at ikaw pa din ang magugustuhan ko. " Kung kaninang malapad na ngiti ngayon ay isang seryosong mukha na ang nakikita ko.

Hindi ko alam paano ako mag-rereact sa lahat ng mga naganap ngayong araw. Sa sobrang dami ba naman nun. . 

Hindi ko alam kung kaya pa bang iproseso nang utak ko.

May namumuo ulit na mga luha sa aking mga mata.

Ibuhos ko nalang kaya lahat sa pag-iyak? Tutal nasimulan ko na naman ito kanina.

" Bakit na naman naiiyak ka? " Rinig kong sabi niya. Hawak pa din nya ang kamay ko na ngayon ay hinalikan niya ang tuktok nito.

" Hindi ko alam, Rhythm. Natatakot ako. " Patuloy lang ako sa pag-iyak.

Natatakot ako na baka masayang ang lahat.

Umamin na nga kami sa isa't isa pero baka iyon na din ang huli?

Makakaya ko ba na wala siya?

" Anong kinakatakot mo? Na baka mawalan tayo ng komunikasyon? Hinding hindi mangyayari iyon. " Tila nabuhayan ako sa narinig ko.

" Pero paano? " Tanong ko sa kanya.

" Paano? Eh di tatawag ako. Kung dumating man sa puntong hindi na kita magawang kausapin pa, huwag mo akong kakalimutan. " Malungkot pa din ang pagkakasabi niya.

Wala pading kasiguraduhan.

Wala din naman ako magagawa dahil doon din kami tutungo.

Kailangan ko lang tanggapin na aalis na siya.

At para iyon sa kinabukasan niya.

" Okay. Oh siya baka hinahanap ka na nang Papa mo pero teka. . Huling tanong na. " Sabi ko sa kanya at pinusan ko ulit ang mga luha sa aking mga mata.

" Ano yun? " Tanong niya habang nakatitig sa akin. Parang kinakabisado nito ang mukha ko.

" Sino yung babaeng kasama niyo nang Papa mo sa Principal's Office? Kaano-ano mo siya? " Sabi ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.

" Hindi ko kilala. Basta kasama nalang siya ni Papa. Baka anak ng kumpare niya at nagkataon lang na sabay sila pumunta dito. " Naramdaman ko namang totoo ang sinasabi niya kaya napanatag ang kalooban ko.

" Mag-iingat ka lagi doon ah? Huwag kang mag-alala sa akin at magiging maayos ako dito. " Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

" Alam ko kaya nga panatag ang loob ko na iiwanan kita dito nang ligtas. " Sabi niya sabay bitaw sa kamay ko at tumayo.

" Mukhang hinahanap na ako ni Papa dahil kanina ko pa nararamdaman ang pagvibrate ng cellphone ko. Oh siya, una na ako. " Sinubukan kong tumayo pero hindi ko pa talaga kaya.

Niyakap niya ulit ako pero ngayon ay sobrang higpit na at naramdaman ko ding nababasa ang balikat ko.

Kanina pa siguro siya nagpipigil sa sarili na umiyak.

Nanatili kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa ako na ang kusang humiwalay.

" Lagi mo tandaan na maghihintay ako sayo. " Tumango naman siya at nagsimulang lumakad palayo sa akin.

Nang hindi ko na siya maaninag pa ay humagulgol na ako nang iyak.

Wala na si Rhythm.

Iniwan na niya ako.

Pero ang mas masakit ay. .

Iyong araw na iyon din pala ang  huling pag-uusap namin.

Confused Feelings (Short Story)  - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon