CF - 01 (ELIZA)

152 17 6
                                    

(UNEDITED-UPDATED THRU WATTPAD APP ON MOBILE PHONE)

MsLonelyGurL: Kapag may nakita kayong (ELIZA) <<~~ like this, yun ang laman ng POV ah? Another story na naman from my wild imagination. Kumpleto na ang set ng love affair na meron tayo habang tayo ay nag-aaral. Huwag nating ideny na hindi natin pinagdaanan yan ^__^v Mula elementary (Confused Feelings), high school (turn back time) and college (thanks for the memories series). I hope makayanan ko ang mag-update ng sabay sabay sa mga kwento ko. Haha!

Nasesense ko na ang kwentong ito ay magiging GREAT THROWBACK sa ating lahat at syempre papatok din at the same time.

Short Update ^___^v

Enjoy Reading :)

---

Chapter 1

* Hi, Im ELIZA! *

~~

" Tik tilaok sabi ng manok. Gising gising batang tulog. Ang araw ay sumisikat. Ang bulaklak ay namumukadkad. "

~~

" Ano bang tugtog yan! Pakitigil nga niyan! Hindi na ako bata! " Sigaw ko kay Mama na tinapat pa talaga ang speaker ng cellphone niya sa tenga ko.

" Alam mo Eliza, kung bumabangon ka na kasi dyan at kumikilos ka na, maaga ka makakapunta sa lakad ng barkada mo. " Pang-aasar ni Mama.

" Lakad ng barkada? Anong araw ba ngayon? Wala ba akong pasok sa school? " Mahinang bulong ko.

May sinabi ba ako na may lakad kami ng barkada ko ngayon? Hmmm. . Makapag-flashback nga!

* Flashback *

(Yesterday)

Habang nagsusulat kami ng lesson namin sa math which is multiplication of two digits, may nakita akong nakatuping papel sa desk ko.

Kahit na napakahigpit ng teacher namin na si Mrs. Aquino, as in siya na talaga ang super duper evil teacher sa buong grade 5 level, wala kami magawa kundi kontrolin ang makukulit naming ugali which is hindi ako kasama doon.

Binuksan ko ng palihim ang papel at nakakalokong ngumiti sa aking nabasa.

Eliza,

Tara! SM Fairview tomorrow? Pwede ka?

Marinela

Kahit kelan talaga itong si Marinela, kapag naboboring, gala agad ang iniisip, hindi ba pwedeng mag-aral na lang? Tumaas pa grades niya! Hmp!

Wala naman akong gagawin kinabukasan kaya tumingin ako sa direksyon niya at eksaktong nakatingin din siya sa akin at ngumiti na lang ako bilang tugon. Alam kong alam na niya kung ano ang meaning nun.

Natapos ang pagkopya ko ng lessons ng biglang nagsalita ang hinayupak kong katabi at . . .

Ang taong kinaiinisan ko ng sobra!

" Nabasa ko yung sulat na binigay sayo ni Marinela ah? Hindi mo ba ako aayaing mag-SM din? " Sabay ngiti ng nakakaloko.

" Bakit naman kita yayayain?! " Pagtataray ko sa kanya.

" Aysus! Parang nag-aaya lang magmall! Meron ka ba ngayon? Ang taray mo! Makaalis na nga! " Nagmamaktol na sabi ni Sabas sa akin habang naglalakad papalayo at naririnig ko pa na minumura mura niya ako kaya naman. .

Confused Feelings (Short Story)  - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon