*Malapit na itong matapos. Sorry if matagal ang inabot ng new update dito. Very Short Update po muna dahil nasa Next Chap ang sagot.*
-----
* Concern *
Akala niya siguro umalis na ako ng tuluyan sa school clinic. Well! Sadyang matalino talaga ako kaya nanatili pa ako doon at naghintay na magsalita siya.
Kahit sa loob loob ko ay miss na miss ko nang marinig ang boses niya.
" Yes! Ligtas ako sa Spin the Bottle. " Sigaw niya kaya naglakad ako papalapit sa kanya at halata mong nagulat pa siya dahil sa nakataas pa ang dalawa niyang kamay.
" Anong lusot ka na? May sinabi ba ako? Tapos na lunch break at may uwian pa. " Sabi ko nang nakangisi.
Mula sa pagkagulat ay biglang nag-anyong tigre ang mukha niya.
Iyan ang gusto ko makita. Ang asarin ka nang ganyan.
" Sus! Naniwala ka naman sa sinabi ko! Hahaha! " Tumawa siya ng malakas pero halata mong peke lang ang mga iyon.
" Okay sabi mo eh. " At nagsimula na akong maglakad papunta sa classroom namin kung saan naabutan kong nagkakagulo ang mga kaklase ko.
" Hoy, Ino! Ano meron dito? " Sigaw ko sa kanya nang makapasok ko sa loob.
" Paano rhythm wala na tayo klase. May meeting mga teachers natin eh. " Sabi ng isa sa mga kaibigan niya na busy kakalaro ng jack stone sa sahig.
" Okay. " Maikli kong tugon at pumunta na lang sa upuan ko.
Pagkaupo ko ay agad akong napatingin sa katabi ko.
Kay Eliza.
Okay na kaya siya?
Kaya na niya ba maglakad papunta dito?
O alam na ba niya na wala na kami klase?
Sa kakaisip ko nang mga yan ay hindi ko na napansin na nakatingin na pala sila lahat sa akin.
" Pre narinig mo yun? Nag-aalala siya kay Eliza? " Sabi ng isang kaklase sabay bato ng binilog na papel sa akin.
" Oo nga! Hoy, Rhythm! Kelan pa? " Sigaw ni Marinela na naglalakad papalapit sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin at kinuha na lamang ang cellphone kong mamahalin, Nokia 3210 at kunwari naglaro na lang.
Dahil sa nahuli na nila ako, paano ko pa maiitext ang tigreng yun?
" Rhythm, sabi ko kelan pa? " Sabi ni Marinela na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko.
" Hindi ko alam. Bigla ko na lang naramdaman. " Mahina kong sabi sabay tingin sa malayo.
Nagulat ako ng bigla niya hawakan ang braso ko at hatakin palabas ng classroom. Narinig ko pa siyang sumigaw nang, " Pahiram muna kay Rhythm. Ipapabomba ko lang sa Isis. " at nagtawanan na sila.
" Hindi yan mamamatay sa bomba ng Isis lang. Masamong damo kaya yan! " Sigaw ni Ino sa akin.
Umiling na lang ako at tumingin kaya Marinela na malalim ang iniisip. Nakatalikod kasi siya sa akin ngayon.
" Hmmm. So kelan pa nga nagsimula? " Sabi niya ng bigla syang humarap sa akin.
" Ano ba sabi ko kanina? HINDI KO NGA ALAM. " Sabay tingin sa malayo.
Ayokong sabihin sa kanya ang lahat at alam ko iyon ang pagmumulan ng mga asaran at gulo.
Lalo na ngayong malapit na ako umalis sa paaralan na ito.
" Hay nako Rhythm. Kahit kelan ka talagang lalaki ka walang mapigang sagot sayo! Mabuti pa ngat mapuntahan na lang si Eliza at baka napano na yon. " Inis na may halong pag-aalala ang pagkakasabi niya saka naglakad papunta sa clinic.
Sinundan ko na lang siya pero hindi ako pumasok dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili at bigla ko na lang siyang yakapin ng napakahigpit.
Nang makita ko naman sa bintana nila na maayos naman ang lagay niya ay agad kong sinagot ang tawag sa cellphone ko na kanina pa nagbavibrate sa bulsa ko.
" Nasan ka? May pag-uusapan tayo. " Boses ng tatay ko. Maawtoridad at nakakatakot.
" Clinic. " Wala sa wisyo kong sinabi habang nakapako pa din kay Eliza ang tingin ko.
" Pumunta ka ngayon sa Principal's Office niyo. " Sabay baba ng tawag.
Nagkibit balikat na lang ako at naglakad papalayo sa clinic.
Heto na ba ang araw na yon?
Talagang aalis na ba ako sa paaralan na ito?
Paano na kaya si Eliza?
Kaya niya bang tanggapin ang pag-alis ko?
BINABASA MO ANG
Confused Feelings (Short Story) - Completed
RomanceElementary Love Affair? Pwede ba yun? Love na ba talaga ang nararamdaman mo o sadyang INFATUATION lang or Crush lang pala?