Chapter 4 : Harvard University

55 1 0
                                    

Stefanie's POV

Papasok na kami ni kambal ng classroom. Umupo kami sa gitna. Kaya pinagkaguluhan kami.

"Woah. Bago lang kayo dito sa Harvard?" Tanong nung isang lalake.

"Ahh. Oo." Sagot ko naman.

"Alam nyo magkamuka sila di ba?" Tanong nung girl.

"Ahh. Ang totoo nyan. Kambal kami" sagot ni Yannie.

"Woah! Sabi na eh!!"

Napatigil sa pagsigaw yung mga classmate namen ng may pumasok na guy.

--

Bella's POV

Dito rin pala nag-aaral yung mga pinsan namen. Si Zayn at James ang nakakagulat pa, Classmate namen sila. Ang galing di ba? Haha.

Napatigil ang lahat ng may pumasok na guy. Baket nandito si Superman? Sya yung sa coffee shop at sya yung nagligtas noon saken. Dito sya nag-aaral? Woah. I can't believe this.

Naglakad sya hanggang dun sa dulo at umupo. Nakatingin ako sa kanya ng magkabangga yung mga mata namen. Kaya napaharap ako.

Nakarinig ako ng hakbang kaya napapikit ako. Siguro sya to.

"Mag-usap tayo sa labas" he whispered. Kaya binuksan ko na yung mga mata ko.
Nakita kong lumabas na sya ng classroom. Habang nakikipag-usap si Kambal lumabas na ako. Nakikipagkwento kasi sya sa mga pinsan namen.

Nakita ko naman syang nakatayo dun sa garden. Nakatalikod sya.

"Anong pag-uusapan naten?" Tanong ko kaya humarap sya saken tapos biglang lumapet.

"Baket di mo sinabi na dito ka nag-aaral?"
"Aba malay ko bang dito ka nag-aaral" natawa naman sya sa sinabi ko. Tsk!

"Kamusta na yung sugat mo?" Tanong nya.

"Okay lang. Baket? Nag-aalala ka saken?" Pang-asar ko sa kanya.

Nagsmirk sya at sinabing "Baket naman ako mag-aalala sayo? Ang tanga mo naman kase eh. Aalis ka na nga ng sa coffee shop magpapaholdap ka pa"

Uminit yung ulo ko sa sinabi nya kaya pinalo ko sya sa balikat. "Malay ko bang merong holdaper?! Dapat di mo na ako niligtas. Kaya ko naman yung sarili ko noh. At tsaka hindi ko kailangan ng tulong mo!" Tinalikuran ko na sya ng bigla akong madapa sa bato. Tsk! Malas talaga.

Bigla namang dumugo yung sugat ko sa paa. Ah! Malas ko ngayon.

Bigla namang lumapet sakin si stupid.
"Magwawalk-out na nga lang madadapa pa. Tanga ka talaga"

"Ang yabang! Umalis ka na nga!" Pagtataboy ko sa kanya.

Paalis na sana sya kaso tumingin sya saken tapos binuhat ako.

"Di mo pala kailangan ng tulong ko ah?" Nang-aasar ba toh? Batukan ko kaya sya jan!

--

Edward's POV

"Manahimik ka! Wala akong sinabing tulungan mo'ko!" Sabi nya at tsaka tinapik yung labi ko.

Pumasok na kami sa clinic pero wala yung nurse. Binaba ko na sya sa kama.

"Hala. Pano to? Wala yung nurse?" Tanong nya.

"Edi ako na lang gagamot sa'yo" sabi ko at tsaka ko kinuha yung medicine kit.

Ginamot ko na yung sugat nya. Inalalayan ko naman sya paglakad. At tsaka sinara ko na yung pinto.

"Hoy! Kayong dalawa! Anong ginagawa nyo sa clinic? Wag nyong sabihing wala lang dahil alam ko na. Hay na'ko first day of class merong estudyante naghaharutan sa loob ng clinic. Mag-shota nga naman."sabi nya at pumasok na ng clinic.

Love with no beginnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon