Chapter 26 : YES

18 0 0
                                    

[WARNING SPG!]

Bella's POV

Pagpasok namin walang katao-tao. Wala yata sila dito? Nakatalikod ako at hinahanap sila. Pero bigla akong nakaramdam mula sa likod ko. Humarap ako. Si Edward. Kinilitian nya ako. Shet naman. Marami akong kiliti. Halos buong katawan may kiliti ako eh.

"Edward... hahahahaha!! Nakikiliti ako! Tigilan mo yan! Hahahahaha!" Suway ko. Nakikiliti na talaga ako. Kiniliti nya ako sa gilid ng tyan ko.

"Hahahaha! Edward tama na! Ayoko na hahahaha!" Suway parin ako ng suway pero ayaw nyang paawat. Kinikiliti nya ako habang ako paatras ng paatras hanggang sa masandal na ako sa pader.

Kinuha nya yung dalawa kong kamay at tinaas sabay nyang dinikit yon sa pader. Nakikipaglandian talaga to ah? Pwes, humanda sya.

Tinitigan nya ako ng matagal. Nangaakit ba sya? Edi ako din. Sinoryoso ko yung muka ko at tumitig sa kanya. Tutal wala namang tao, edi makikipaglandian ako sa kanya. Ginusto nya to eh.

Tinitigan nya ako sa mata ng maigi. Ang bagal nya. Ako na nga mauuna. Mauuna na sana ako ng bigla nya akong hinalikan. Gumanti naman din ako ng halik. Habang tumatagal yung halik namin nagiging torridly na. Grabe to humalik. Sabik na sabik sya sa labi ko. Malandi man isipin pero yun yung nararamdaman ko at nakikita ko. Di na din ako makapagpigil. Humiwalay ako saglit sa halik namin ng kagatin ko yung leeg nya ngayon, talagang may chikinini na sya. Medyo na tagalan pa ako dun. At bumalik ulit ako sa halik namin. Grabe, nangawit ako dahil nakataaas yung kamay ko. Habang naghahalikan kami may bigla kaming narinig ni Edward kaya natigilan kami.

Papasok na sila tapos agad-agad akong hinila ni Edward nagtago kami dun sa masikip na garahe. May pinto pa nga tong garahe eh. Tapos yung pinto may butas na nakatakpan ng manipis na parang papel na may design.

Sinandal ako ni Edward sa wall tapos sya nasaharapan ko. Nasa side kami ng pintuan no choice kami kaya sa side na lang kami. Masikip tong garahe.

"Edward..." pagkasabi ko nun nilagay nya yung isang daliri nya sa bibig ko.

"Shhh" sabi pa nya. Kitang kita dun sa ilaw yung anino nila dito sa loob. Dumadaan sila kaya nakikita.

Di ako makagalaw sa posistion ko. Sobrang dikit na ni Edward saken. Halos naririnig ko na yung heartbeat nya.

Habang ganon ang posistion namen di namen maiwasang magkatitigan. Inlove na yata ako dito eh? Joke lang. Nagkatitigan kami ng matagal. Medyo wala ng dumadaan dun sa pinto. Pero di pa kami lumalabas. Paano ako lalabas kung nakaharang naman sya?

Naging seryoso na ang pagtitig nya saken. Kaya hinalikan nya ako ng walang dahilan. Ewan ko ba't humalik ako pabalik. Yung kamay ko nakapalibot na sa leeg nya. Hanggang sa palalim ng palalim yung halik namen. Grabe nasasabik nanaman sya sa labi ko. Hanggang sa makaramdam na din ako ng pagod. Huminto na ako.

"Yannie..... I love you." Nagulat ako sa sinabi nya. Di ako nakasagot hinalikan ko na lang sya ng smack.

"Labas na tayo..." sabi ko wala na kasing tao eh. Grabe namumula na ako sa sobrang kahihiyan. Ba't namin nagawa yon? Lumabas na kami ng tahimik walang umiimik samin.

***

Monday na ngayon! May pasok na kami. Yehey! Namiss ko yun Harvard University! Agad-agad na akong pumunta sa sasakyan. Tapos huli ng pumasok si Sam. Nakarating na kami ng School tapos palakad na kami sa hallway.

"Yannie, may pupuntahan lang ako saglit. Mauna ka na sa classroom okay?" Tumango naman ako. Naglakad ako sa hallway. Habang naglalakad ako may boglang tumawag saken napalingon naman ako. Shet. Si Edward. Napatalikod na lang ako. Pagkarating nya saken agad nya akong inakbayan.

Love with no beginnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon