Chapter 20 : First Kiss

34 0 1
                                    

Bella's POV

"Ba't di ka pa sumabay sa kanilang kumaen?" Edward ask.

"Wala akong ganang kumaen eh. ikaw? Ba't di ka pa kumakain?"

"Busog pako"

"May Kailangan ka pa ba?" Sabi ko habang naghihintay. Baka kasi may kailangan pa sya kaya nagtatagal sya dito sa kwarto.

"Hmm, wala naman. Back to sleep. Naistorbo yata kita. Sige na alis nako" sabi nya. Nginitian ko lang sya. Humiga ulit ako kaso di na ako makatulog. Si Edward kase eh. Ginising nya ko. haha joke lang.

Nakalipas na mga ilang minuto napatulog na ako.

--

Blake's POV

Natapos na kaming kumaen. Tapos pumunta na sa kanya-kanyang room. Nakita ko namang di pa pumapasok si Sam.

"Sam!" Tawag ko. Lumingon naman sya.
Tapos tumgin sya saken at parang sinasabing 'bakit?'

"Di ka pa papasok?" Tanong ko. "Hindi. Magpapahangin lang muna ako sa labas" tumango naman ako. Tapos pumunta na sya sa pool area. Sinundan ko naman sya. Nakaupo sya sa gilid ng pool tapos yung mga paa nya nakalutang sa tubig.

Ginaya ko din yung ginawa nya. At pinaglaruan ko yung tubig. Nagulat sya ng makita nya ako sa tabi nya.

"Baket nandito ka?"

"Magpapahangin din ako"

Tahimik lang kami. Walang kumikibo. Ang naririnig lang namin yung tubig pati hangin. Ang lakas kasi ng hangin dito sa labas eh. Sa sobrang tahimik di ko maiwasang tignan sya ng maigi. Napakagat na lang ako ng labi ko ng maalala ko nanaman si Stefan. Sorry kung laging bukang bibig ko si Stefan. Kase namimiss ko na sya.

Nakatingin lang ako sa kanya ng tignan nya din ako. Dapat iiwas ako ng tingin pero nakipag eye to eye ako sa kanya. Sana sya talaga si Stefan. Magkamuka sila eh. Wala paring umiiwas ng tingin samen. Parang may sinasabi si Sam sa mga mata nya. Parang 'baket mo ko tinitignan?' Kaso di ko masagot. Ewan ko din kung baket ako nakikipag eye contact sa kanya.

"Yah! Yung mga tingin mo ah. Kakaiba na yan" sabi nya pero di ko sya pinansin at nakatingin parin ako sa mga mata nya. Yung mga mata nya kasing hugis at kasing kulay ng mga mata ni Stefan. May chance na sya si Stefan may chance din na hinde.

Kumunoot naman yung ulo ni Sam. Kaya ang ginawa nya inurong nya yung noo ko palayo gamit lang ng isang daliri ng kamay nya.

"Blake?" Tanong nya pero di ko sya sinagot. Tinignan ko sya sa ulo hanggang labi nya. Namimiss ko na si Stefan. Kailan ka ba babalik Stefan??? Buhay ka pa ba? Magparamdam ka naman oh. Pero parang kakaiba pag kasama ko si Sam. Noon pag nakikita ko si Sam lagi kong naiisip si Stefan. Ngayon parang madalas ko na lang isipin na si Sam ay si Stefan. Parang kasing nakakalimutan ko na si Stefan. At ang nakikita ko ay si Sam.

I think... I like Sam now. Handa ko nang kalimutan ang lahat-lahat. Kanina lang umaga naisip ko na. Nakapagmove-on na ako kay Stefan. Magbabago ako para kay Sam. Hindi ko na iisipin ulit si Stefan.
"Sam..." mahinang sagot ko. "Hmmm?"

"Gusto mo ba si Kyle?" Tanong ko muna.

"Hmmm, maybe. 50/50. I'm really not sure."

What? 50/50? Mas lalo nya akong pinapakaba eh. Daretsuhin ko na nga sya.

"What about me?" Nagulat naman sya sa tanong ko. Tapos parang nagtataka na di nya maintindihan.

"What do you mean?"

"Gusto mo ba ko?" Tanong ko agad-agad. Ayoko ng paligoy-ligoy pa. Nakakairita na eh.

"Blake? Ikaw ba yan? Ano bang pinagsasabi mo? Akala ko bang si Stefan ang gusto mo? O baka naman pinagkakamalan mo ako na si Stefan?"

"Obviously Yes, ako to! Baket? Sa tingin mo paren hanggang ngayon hinahanap ko si Stefan? My answer is NO! Hindi na."

"Ba't mo tinatanong saken yung bagay na yon?"

"I just want to know if you like me. I don't want to get hurt anymore."

"I understand. But, I gave you a chance para manligaw. Di naman ako paasa. Gusto ko lang malaman kung totoo ba yang nararamdaman -- "

"I think I like you" pinutol ko yung sinabi ni Sam. Ikinagulat naman nya yon. As in freeze sya. Nakatingin lang sya sa mga mata ko. Di sya makapaniwala. Pero, seryoso ako eh. Seryoso akong tao pag dating sa pagmamahal.

Magkatitig lang kaming dalawa. Nang bigla ko syang halikan.

--

Stefanie's POV

Bigla na lang akong hinalikan ni Blake. Di nya ba alam na First Time ko to?! Magkadikit lang ang mga labi namen. As in nagulat ako sa mga pangyayare. Lumaki yung mga mata ko sa gulat wala akong nagawa kung hindi pumikit. This is a ordinary kiss. Magkadikit lang ang mga labi namen.

Hihiwalay na sana ako sa halik namen. Nang bigla nya akong hilain papunta sa kanya. At hinalikan ako. This time this is not ordinary kiss. Gumagalaw na yung mga labi namen sa isa't-isa. Di pa ako naka-experience ng ganito ngayon pa lang. Damn, He got my First Kiss! Ewan ko ba kung baket di ako makawala. Halos nawawalan na ako ng hininga dahil sa ginagawa namen.

--

Kyle's POV

Kakatapos lang naming kumain. Pumasok na ako ng room pero wala si Sam. Nasaan na ba yun? Ang nakita ko lang sa room si Edward, Yannie, Oliver at Nikki. Mahanap nga. But, wait. Where's Blake too? Di kaya magkasama sila? No! Never! Makita ko lang silang magkasama magkakaroon ng gera! Tignan nya lang.

Pumunta ako sa restaurant kanina kung saan kami kumakaen. Pero wala sila don. Yung mga staff at si direc nasa room at nagaayos. Saan na ba yung mga yon? Nagikot-ikot ako kung saan-saan. Pumunta ako sa may pool area. Umiikot-ikot ako. Napahinto ako sa paglakad ng nakita si Blake at Sam na naghahalikan. Anong ibig sabihin neto? Nagdadate ba sila??! Nakatulala lang ako dito ka kinakatayuan ko. Hindi ko kayang lumapet sa kanila para pigilan silang dalawa. Nasasaktan ako ngayon. Di ko alam kung anong gagawin ko. Umiwas na ako ng tingin at bumalik na ulit ako sa room.

Naiyak na lang ako sa sobrang saket. Lahat ng lalake marunong umiyak. Kase ganun namen kamahal ang babaeng mahal namen. Di lahat ng lalake manlalako. Di lahat ng lalake paasa. Nasa inyo yun kung kaya nyong ihandle ang relastion nyo. Parang ako ngayon, di ko naihandle ang relastion namen ni Sam bilang kaibigan. Kaya ayan napunta sa iba si Sam at hindi saken. Ang saket lang isipin na ang mahal mo may mahal na iba. Kahit di naging kayo nasasaktan ka. I want to move-on but I can't do it easily. Kasi minahal ko si Sam.

Pumasok na ako sa Room. Di ako makapali sa nakita ko kanina. Pagpasok ko, tinawag ako ni Nikki.

"Kyle!" Napalingon naman ako.

"Nakita mo ba si Sam? May ipapakita lang ako sa kanya. May bagong outfit kase akong nakita. Nakita mo ba?"

Di ko sya masagot at naupo na lang sa sala. Lumapit naman saken si Nikki.

"Nakita mo ba si Sam?" Umiling na lang ako. "Ba't parang di ka makapali jan? May nangyare bang masama? Okay ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong ni Nikki dahil sa pag-aalala saken.

"Nikki? Ba't ganon? Ba't kailangan mong masaktan?" Kumunoot naman yung ulo ni Nikki sa tanong ko.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong nya.

"I think I need to rest. Baka nastrestress lang ako." Sabi ko na lang at pumasok sa kwarto namin nila Edward.

--

Love with no beginnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon