Chapter 16 : Feelings

12 0 0
                                    

Blake's POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Recess na kasi namin. Nagpila ako para makakuha ng food ko. Pero di ko inaasahan na makakasabay ko si Sam sa pila.

Kukuha na sana ako ng spam ng sabay naming kukunin sana yon.

"Ah, mauna ka na" kinuha nya yung food tapos agad umalis. Tsk. Naman. Nagaway kasi kami kahapon eh. Kaya yan. Kailangan kong magsorry sa kanya.

Nangmakakuha na ako ng sarili kong pagkain di ko alam kung saang table ako uupo. Nakita ko naman yung tatlo dun. Kaya pinuntahan ko na. At nakishare na ng table kaso mukang aalis si Sam.

"Oh? Where are you going Sam? Stay here." Wala namang nagawa si Sam kaya umupo sya. Katabi ko kasi sya eh. Tapos katapat namin si Nikki at Yannie.

"Nasaan pala yung iba nating barkada?" Tanong ni Nikki. Pagkatanong nya non lumingon ako sa likod at papunta na yung tatlo. At umupo din dito.

"What's up guys?" Bati ni Oliver.

"Nga pala, sa friday na tayo magfifilm. So, be ready guys! I hope na mapanalo natin to para may party tayo!" Sabi ni Edward na excited. Napangiti naman ako dun dahil maeffort si Edward

"Fighting!!" Sabi ni Kyle sabay hawak sa kamay ni Sam. Tapos bigla na lang nawala yung ngiti ko kanina. Ewan ko ba kung baket. Ano bang nangyayare saken?

"Alis muna ako" sabi ko at tumayo. Pipigilan sana ako ni Edward pero daradaresto akong naglakad papunta sa garden. Kumuha ako ng isang bato at binato yon sa tubig. May falls kasi dito sa dulo.

Tuloy-tuloy lang ako sa pagbato. Okay na to para mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. I hate this feeling! Ugh!

Should I stop doing this? Yung pinipilit kong si Sam ay si Stefan. Parang gusto ko nang ihinto to. Hay nako. Parang bato lang ang puso, paghinagis mo sa tubig kusa syang tumitigil sa pagtalon parang pagpipilit kong si Sam si Stefan.

Ewan ko ba. Di ko na alam ang gagawin ko.

--

Oliver's POV

"Yannie? Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?" Tanong ko kay Yannie.

"Sure. Tara" pumunta naman kami dito sa parking lot. Para walang makarinig.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong nya. Hay. Ewan ko ba kung paano sasabihin to. Parang kasing GUSTO KO SYA. Ewan ko ba parang nalove at first sight ako sa kanya. Maganda naman sya, Mayaman, Mabait, Talented. Halos na sa kanya na ang lahat. Kaya yun nagustohan ko sya kaagad.

"Ahh, ano..."

"Ano?"

"Pwede ba tayong lumabas? I mean date" ayoko munang sabihin na gusto ko sya. May balak kasi ako eh. Pagpumayag sya sa mismong date. Dun ko sasabihin.

Mukang nagulat sya sa sinabi ko. Kaya tumawa na lang sya. Anong nakakatawa dun sa sinabi ko? Joker pala ako. At least
napatawa ko sya.

"Anong nakakatawa?" Sabi ko with serious tone.

"Ah, sorry. Akala ko nagbibiro ka."

"So, ano? Payag ka ba?"

"Pag-iisipan ko muna." Sabay ngiti nya. Grabe. Joker na pala ako ngayon.

Nagusap-usap kami sa iba't-ibang bagay hanggang sa makarating kami sa classroom.

"Oh? Saan si Edward? Di nyo sya kasama?" Anong ibig sabihin ni Kyle?

"Ha? Di ba kayo yung kasama nya sa cafeteria kanina?" Tanong ni Yannie.

"Kanina yon. Pero nung umalis kayo sinundan ata kayo eh." Impossible. Di naman namin sya nakita don.

"Kami lang dalawa ni Yannie don. Wala si Edward." Sabi ko naman kaya mas lalo kaming nagtaka.

Tapos tumingin naman kami sa pinto si Edward yon.

"Saan ka pumunta?" Nagtatakang tanong ni Yannie sa kanya.

"None of your business" sagot naman ni Edward. Tapos pumunta naman sya upuan nya at kinuha nya yung bag nya at darestong umalis. Saan naman pupunta yon?

"Saan sya pupunta?" Sabi ni Nikki na kakarating lang. Umiling naman kami.

Love with no beginnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon