Chapter 18 : Jealous?

30 0 0
                                    

Blake's POV

Pagkatapos naming magbasketball dumaretso kami kaagad sa mall. Balak pa sana naming sunduin yung mga girls kaso wala daw sina Yannie at Sam sabi daw nung maid nila. Nagtanong kami dun sa maid nila kung nasaan sila Sam kaso di daw pinaalam kung saan sila pupunta. Kaya pinuntahan namin si Nikki bakasakaling nandun yung girls. Pero sabi nung guard ng Bahay nila ni Nikki wala daw sya. Saan naman kaya pumunta yung mga yon? Sana man lang sinama nila kami.

Nakailang Calls at Text sa mga tatlong babaeng yon pero ni isa walang balak sagutin yung cellphone nila. Di man lang nagtext yung mga yon. Kaya pumunta na kami ng Mall. Hinanap namin sila kung saan-saan pero wala. Kaya tinatagan ni Kyle ulit isa sa kanila.

"Hay, sa wakas sinagot mo rin yung tawag ko Sam" si Sam pala yung kausap nya.

"Nasaan ba kayo?" Rinig kong sabi ni Kyle.

"CR muna ko" sabi ko kay Edward. Nag nod lang sya.

Pumunta ako sa CR pero walang tao. Pagkalabas ko nakita ko si Sam na may kausap sa telephono. Si Kyle siguro.

Habang nakatalikod sya. Tinakpan ko na yung bibig nya. Tapos sumisigaw sya. Pero nung humarap sya napatigil sya sa pagsigaw.

"Blake?" Patanong na sabi nya. Di ko sya sinagot. Hinila ko sya papunta kila Edward.

"Saan kayo pumunta?" Tanong ni Kyle kay Sam.

"Ahh Kyle kasi..." di na natuloy yung sinabi ni Sam at agad niyakap ni Kyle si Sam.

Baket ba ganito ang pakiramdam ko? Ang sakit. Parang nawawasak yung puso ko. Napahawak na lang ako sa puso ko.

"Bro, okay ka lang?" Tumango naman ako at tumalikod. Pagtalikod ko nakita ko sina Yannie at Nikki.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Edward sa kanila.

"Magpapaliwanag kami" sabi ni Yannie.

"Tara laro tayo!" Nakuha naman ng atensyon namin si Kyle. Nanakaakbay pa sya kay Sam.

Pumunta na kami sa tom's world. Bumili na ako ng tokens at binigyan sila.

"Bro, basketball tayo!" Yaya samin ni Oliver. Kaya pumunta na kami sa kanyakanyang basketball at nagsimula ng magshoot.

Pagkatapos ang nanalo ay si Edward. Syempre basketball player at professional sya.

"Bro, racing tayo. Sama natin yung mga girls." Nagumpisa na yung racing. Nauuna pa ako kaso may biglang bumangga saken si Kyle. Nagstop kami ng sasakyan dahil nagkabanggan kami. Pero biglang humarang yung sasakyan ni Sam sa gitna kaya naayos ulit yung racing. Nakakabwisit! Ngayon 1st ulit ako. Nang nagovertake si Kyle. Napabusina na lang ako sa inis.

Sa huli nanalo si Oliver. Ang galing nya. Nakaover take sya. Joke. Sadyang naunahan lang talaga ako ni Oliver.

Naglalakad kami ng nakuha namin ang atensyon ni Sam.

"Wow. Ang ganda nung teady bear!!! Gusto ko non!" Pumunta naman si Kyle don para kunin yung teady bear. Sumubok naman ako ng iba. Kukuha ako ng bracelet. Nakita kong hindi nakuha ni Kyle yung teady bear pero ako nagtagumpay ako. Nakuha ko yung bracelet. Ang ganda nung bracelet. Color Red pa.

"Sam, halika dito!" Pumunta naman sya.

"Close your eyes" pumikit naman sya. Kinuha ko naman yung kanan nyang kamay at nilagay ko yung bracelet. Bagay sa kanya.

"Sige na. Buksan mo na yung mga mata mo" pagkabukas nya tumingin sya sa kanan nyang kamay at ayun. Nagandahan sya dun sa bracelet.

"Ang ganda. Para sakin ba to?" Tumango naman ako bilang sagot. Napaeyesmile naman sya. Ang cute lang. Nabigla na lang ako ng bigla nya akong yakapin.

"Thank you Blake" napayakap din ako. Pagkatapos kumalas na sya ng yakap.

"Thank you talaga dito. Ang ganda talaga!" Ngingitian ko na lang sya.

"Sam! Ice Cream?" Sabay abot ni Kyle sa kanya ng ice cream. Kinuha naman nya yon.

"Ika Blake? Gusto mo?" Tumango na lang ako. Nakatingin lang ako kay Kyle palayo ng tumawag sakin.

"Blake?" Napalingon naman ako. Pagkatapos nilagyan nya ako ng ice cream sa ilong. Bad Sam!

"Ikaw??" Tumawa lang sya dahil sa muka ko ngayon. Humanda sya. Kinuha ko naman yung ice cream nya. Pagkatapos tumakbo sya palayo. Hinabol ko naman sya. Madaya yon. Dapat pati sya malagyan ko. Tumakbo ako hanggang sa mahabol ko sya at nalagyan ko sya ng ice cream sa labi nya.

"Yah!" Sigaw nya. Pero hinawakan nya yung kamay ko kung saan hawak ko yung ice cream. Kinontrol nya yun kamay ko para malagyan ako ng ice cream sa muka. At yun, tumakbo nanaman sya. Hay nako. Hinabol ko na lang sya at nahuli ko rin.

"Sam! Ayoko na" seryosong sabi ko. Seryoso din yung muka nya kaso bigla syang tumawa.

"Hahahahaha! Your Face tho! Hahaha!" Napangiti at ako sabay iling.

"Oh? Anong nangyare sa inyong dalawa?" Tanong ni Nikki.

"Hahahaha!" Sabay tawa namin ni Sam.

"Mga baliw! Magpunas nga kayo ng mga muka nyo. Muka kayong mga halimaw!" Sabay bigay nya samen ng tissue. Pero si Sam dumaretso na CR para maghilamos ng muka. Ganun din ang ginawa ko.

Paglabas ko. Wala pa si Sam.

"Nasaan si Sam?" Tanong saken ni Kyle.

"Nasa CR" bigla namang sumulpot si Sam.

"Tara na. Magrides tayo!" Yaya ni Nikki. Sumang-ayon naman kaming lahat sa suggest nya.

Kung saan kami sumakay. Basta nageenjoy lang kami. Pero parang ako hindi. Laging magkasama si Sam at Kyle. Nagseselos ako. Pero di pwede. Baka hindi naman si Sam si Stefan. Umaasa lang ako sa wala. Kung hindi sya si Stefan, hindi ako pwedeng mainlove sa kanya. May pangako ako kay Stefan. Hindi ko sya iiwan. Sya lang wala ng iba.

Sunod naming sinakyan roller coaster. Ako lang magisa sa harap. Pero di ko akalaing tatabi saken si Sam. Ang brave nya ah. Tignan lang natin.

Pinaandar na yung roller coaster. Hanggang sa pabilis ng pabilis. Gusto kong isigaw lahat ng nararamdaman ko. Na hindi talaga pwede. Okay na saken. Hindi talaga sya si Stefan.

"Ah!!!!!!!!!!!" Sigaw ko. Napansin naman ako ni Sam. Kaya ginawa nya rin yung ginawa ko. "Ah!!!!!!!!!!!!" Nginitian nya lang ako. Nginitian ko rin sya pabalik.

"Ang saya!!!!!!" Sabi pa nya. Tapos bumaliktad yung roller coaster. Grabe nakakasuka yun ah. Parang bumaliktad yung utak ko.

Nang matapos yung roller coaster at baba na kami biglang nagsuka si Yannie.

Nilapitan naman ni Sam yung kakambal nya. "Okay ka lang?" Umiling si Yannie.

"Ako ng bahala kay Yannie" pagvovolunteer ni Oliver pero sumingit si Edward.

"Ako na. Sumakay ka na sa likod ko" wow ah. Piggy back ride lang. Sumakay naman si Yannie sa likod ni Edward.

"Tara na. Umuwi na tayo. Mag-gagabi na eh" may dalawa kaming sasakyan. Si Oliver, Kyle, Nikki sa kabilang sasakyan. Kami namang apat dun sa isa.

Ako yung nagdrive nasa passenger seat naman si Edward. Yung kambal nasa likod.

"Okay lang ba kayong dalawa jan?" Tanong ni Edward.

"Ako okay lang ako. Pero si Yannie hinde."

"Bilisan na lang naten ng konte para makapagpahinga na kayo." Sabi ko. Tumango naman si Sam.

Talagang magkambal sila. Mahal na mahal nila yung isa't-isa. Yan ang siblings goals. Ang sweet nilang magkapatid. Kaso kasi ako wala akong kapatid eh. Only child lang ako.

Hanggang sa makarating na kami dito sa kanila. Inalalayan namin sila hanggang makapasok sa bahay. Tapos nagpaalam kami kaagad. Nagsiuwian na kami. May film pa kami bukas.

--

Love with no beginnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon