Chapter 24 : Sorry

16 0 0
                                    

Blake's POV

Hay sa wakas tapos nadin yung last film namen. Back to school nanaman. Pero ang saya netong maikling vacation. Masaya lang ako dati kay Stefan pero wala na yon. Past is past. Si Sam na ngayon.

Bukas kami uuwi nyan. We need a rest now. Kakain na nyan kami sa labas. Kakain kami sa fastfood. Nagbyabyahe kami ngayon kasi pupunta nga kami ng fastfood. Halos kaming magkakagroupmate nasa isang van. Magkahiwalay nga lang kami ni Sam. Sa likod kaming boys sa harap naman yung nga girls.

Nakarating na kami sa fastfood. Pagpasok namin agad kaming nakakuha ng pwesto namin. Ako na nagorder sa boys si Nikki naman sa girls. Si direc pati yung staff at driver pinakain na din ni Direc. So, pipili kami ng kahit anong pagkain na gusto namin tapos si Direc na bahalang magbayad. Oh di ba? Ang bait ni Direc? Kakilala kasi nila Nikki yan eh.

Pagkatapos naming nakapagorder umupo kami kaagad ni Nikki. Ang Awkward nga namin nung nasa counter kami eh. Di man lang kami nagsalita. Alam kong masakit parin ang damdamin nya. Sinasabi ko to dahil hindi naman ako Manhid.

Gusto ko syang kausapin pero di ko kaya. Ewan ko ba kung anong hindi ko nagustohan ko sa kanya. Maputi naman sya, makinis ang balat, maganda ang muka, matangos ang ilong, bilog na mata na cute na cute, tapos yung labi nya kulay rosas, mabait naman sya, pala kaibigan kaso hindi ko sya gusto para sa puso ko. I want to Sorry to Nikki because I hurt her. I feel that I'm being jerk to her. Didiskartihan kong makipag-usap sa kanya mamaya.

Ilang minutes lang dumating na yung inorder naming pagkaen. Tahimik kaming kumain kaming magbabarkada. Wala man ngang umiimik samen dahil alam naming awkward pag may nagsalita isa saamin. Hanggang nga sa matapos na kaming kumain. Lumabas na yung iba at saktong kaming dalawa na lang ni Nikki ang nasa lamesa. Yung iba kasi nagcr muna. Yung iba nasa sasakyan na.

Aalis na sana sya kaso pinigilan ko sya gamit yung kamay ko. Hinila ko sya sa palabas pumunta kami sa likod ng restaurant.

"What are you doing?" Tanong nya.

"I want to sorry about dun sa alam mo na. Di kita kayang gustuhin kasi may iba na akong gusto. Sana wag mong masamain ang decision ko. Gusto naman kita kaso bilang kaibigan. Siguro hanggang kaibigan lang talaga ang maituturi ko sa'yo. Alam kong nasaktan kita pero sana patawarin mo'ko." Napayuko na lang ako sa mga sinasabi ko sa kanya. Sya naman tinititigan lang ako.

"Sorry, pero di ganon kadaling magpatawad. Alam kong puso mo yan at hindi ko hinahawakan yan at lalong hindi ako yung nagsasabi kung sino ang mamahalin mo. Oo, galit ako sa'yo kasi may iba kang gusto. Baket? Hindi mo ba ako kayang mahalin o gustuhin man lang?"

"Sorry" yan lang ang lumabas sa bibig ko.

"Then, sorry too..." mukang aalis na sya pero niyakap ko sya ng mahigpit. Ayoko talagang may taong galit saaken. Kasi feeling ko hindi ako comportable.

"Let me go!" Inis na sabi nya sabay nyang inaaalis yung kamay ko sa pagkayakap sa kanya. Mukang big deal di ba? Kasi kahit gaano pa yan kaliit o kalaki yang problema nyo matuto sana tayong pahalagaan yon at sabayin nyo ng ayusin yung problemang yon.

"Sorry..." sabi ko habang yakap yakap sya.

"Alam mo bang umpisa pa lang ng makita kita gusto na kita? Palihim yon. Di ko nga kayang lumapit sa'yo minsan kasi lagi mong hinahanap si Sam. Kasi pinagkakamalan mo syang si Stefan. Nung isang araw lang akong umamin sa'yo pero sinabi mo na hindi mo ako kayang gustuhin kasi nga hindi mo ako gusto. Pero di ko maintindihan... Baket di mo subukan na mahalin ako? Wala namang mawawala kung susubukan mo di ba?"

Kumalas ako ng yakap sa kanya at hinawakan yung magkabila nyang braso.

"Hindi ko talaga kaya. Kahit na pilitin ko, hindi ko kaya...." napayuko na lang ako.

Love with no beginnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon