Chapter 12 : Groupmates

23 1 0
                                    

Blake's POV

Nandito ako ngayon sa Classroom. Hinihintay namin yung next subject. Nakakainip naman. Walang nagawa. Napansin ko sa mga Classmates ko may iba-iba silang ginagawa. May nagcecellphone, nagheheadset, nagseselfie, may naglalandian, may nagbabasa ng libro, may kumakanta, sumasayaw, nag-aacting, may naghahabulan, may nagliligawan, may nag-aasaran, natutulog, nagmamake-up, kumakain. Tsk. Nakakasilaw naman tignan ang mga to.

Ano kayang ginagawa ni Sam? Tumigin naman ako sa kanya. Nakaheadset sya. Kaya pala tahimik. Ilang minuto lang dumating yung prof namen.

"Good Morning Class" bati ni Sir samen.

"Good Morning Sir" sabi naman namen.

"Today, we have a groupmates. Mahahati kayo sa tatlong grupo. Bubunot kayo dito sa box. Kung anong number ang nabunot nyo yun yung groupo nyo. Ang project na gagawin nyo it's all about friends to lovers. Pumili kayo ng kanta para sa theme song nyo. But, in your story there was a problem between them. Kayo na ang bahala sa ending if sad or happy ending. But, i want a Music Video. Kung may problema man sa money. Pumunta kayo samen. All 4th year highschool meron ganito. Pipili ang principal at head teacher naten kung sino ang pinaka the best.
You have a 1month para matapos ang pinapagawa ko sa inyo. Magstart na tayo. Isa-isa lang ang pagbunot."

Nagsilapitan naman yung mga classmate ko at kumuha ng papel. Ganun din ang ginawa ko. Ang nabunot kong number ay 3. Which is mean pinakahuli kami.

"Okay Class Listen" nagsiupuan naman yung mga classmate ko.

"Pumunta na kayo sa kanya-kanya nyong grupo. I give you a 10minutes. Aalis muna ako may gagawin lang ako sa Faculty Room." At yun umalis na si Sir.

Where's my Groupmates?? Matanong nga tong si Bestfriend.

"Bro, anong nabunot mo?"

"Papel syempre" pilosopo po talaga to.

"Pilosopo" sabi ko sa kanya. Natawa naman sya.

"Three" simpleng sabi nya.

"Pareho tayo"

"Yung Group Three dito tayo!" Sabi ni?? Sam?? Group Three din sya?? Pumunta naman kami ni Edward kila Sam. Nakita ko naman yung iba pang members. Siniswerte nga naman. Si Sam, Yannie, Nikki, Oliver, Kyle at kaming dalawa ni Edward.

"Woah. Destiny?" Tanong pa ni Kyle.

"It's not destiny. Nachempuhan lang." Sabi naman ni Yannie.

"Okay Guys, Who's the Leader???" Tanong ni Nikki.

"Let's nominate" sabi ko naman.

"Sinong vote kay Sam?" Tanong ni Yannie. Tinaas naman Nikki, Kyle, Oliver yung kaliwa nilang kamay.

"Sinong vote kay Edward?" Tinaas ko naman yung kamay ko. Okay ako lang ata yung vote para kay Edward.

"Okay. Si Sam ang -- " di natuloy yung sinabi ni Nikki ng putilin nya yon.

"Pili na lang kayo ng ibang leader." Sabay walk out nya. Problema nun?

"Si Edward na nga lang" sabi naman ni Oliver. Sabay upo sa upuan nya.

Sinundan ko naman si Sam. Pumunta sya sa rooftop. For sure, may problema sya.

"May problema ka ba?" Tanong ko.

"Tsk! Wala. Baket ka nandito? Di ba dapat nandun ka?"

"Wala lang din"

"Tsk! Gaya-gaya. Wala kang originality! Maka-alis na nga!" Aalis na sana sya kaso pinigilan ko sya. Hinawakan ko yung kanan nyang kamay.

Love with no beginnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon