Simula

56 4 6
                                    

"Hala! T@ngina pre sa mid!"Sigaw ni Sebastian. Isa sa mga college students na nag-lalaro dito sa computer shop ng tita ko.

"Shet! Pre FS lang."Pfft. Ang ingay ng mga gagong 'to. Hindi kasi ako makapag-laro dahil naka-toka akong mag-bantay nitong shop. Bawal kasi pag-sabayin. Lol

"Pre, kapag tayo natalo ibabaon ko yang ulo mo sa simento."Pag-babanta naman ni Hendrick. Hay. Ang brutal naman.

Nakapangalumbaba lang ako habang pinag-mamasdan ang mga player dito sa shop. Hmp. Tae. Naiinggit ako! Gusto ko din mag-laro.

"Hoy babaita! Malas yang ganyan."Sabay tapik ni tita sa braso ko.

"Tita naman eh,"sabi ko. Muntik na kaya dumausdos ang baba ko sa counter.

"Oh ano? Gusto mo na naman mag-laro? Letse ka ha. Kahapon diretsong five hours ka nag-laro!"Hala. Ganun ba katagal? Di'ko napansin. Hehe.

"Tita, laro na akooooo."Pag-lalambing ko. Inirapan niya ako at iniwas ang tingin niya. Nakuh. Pabebe! Bibigay din 'yan.

"Taaa, maganda ka naman eh. Tapos ang sexy mo pa! Ang bait-bait pa. Ikaw ang pinaka-dyosang tita na kilala ko."Binatukan naman ako ni tita.

"Tama na bola. Sige mag-bantay ka na dyan. Aalis na ako. Pupuntahan ko 'yung mga nangutang sa'kin. Maniningil na ako,"sabi niya at umalis na din. Ang swerte ko sa tita ko. Siya lang kasi ang nag-kusang kumuha sa'kin nang mag-desisyon ang mga magulang ko na mag-hiwalay. Mga adik 'no? Gagawa-gawa ng bata tapos mag-dedesisyon ng para sa kanila lang?

"Hetta, pa-extend ng half-our."Sabi ni Judie yung madalas mag-laro dito sa shop. Ka-edaran ko lang din siya. 16 years old.

"Okay,"Sagot ko sabay kuha ng 15 pesos at kinalkal ang computer para ma-extend yung pc na gamit niya.

Lumagpas na ang dalawang oras at parami na ng parami ang nag-lalaro. Alas kuwatro na din kasi. Uwian na ng mga kaklase ko. Di kasi ako pumasok ngayong araw dahil aalis nga si tita. May mga highschool students na din at nag-lalaro na.

Maya-maya pa ay may mga nagsi-datingan na di pamilyar. Maybe dayo? Makikipag-pustahan siguro. Mukhang praybeyt students ah? Ang kikinis at ang puputi! Halatang naka-aircon. Haha

Di nag-tagal e lumapit na sila.
"Excuse me? Can I ask you a question?"Tanong ng isa. Nako! English spokening. Di tayo mag-papatalo.

"Oh yeah? Nice to meet you too!"Matigas na ingles kong sagot. Nakita ko naman ang pag-angat ng gilid ng labi niya. Luh? May nakakatawa ba?

"Sabi ko, pwede ba akong mag-tanong?"Natatawa niyang sabi. Akala niya ata di'ko naintindihan. Hindi ba pwedeng nag-bibiro lang.

"Oh? Ofcourse you can ask a question."Sagot ko with accent. Yan lamunin mo accent ko gagong 'to.

"Uh. Do you have Cross Fire players here? That willing to make a bet with us?"Oh see? Mga makikipag-pustahan nga! Kailangan ko pa naman ng pera ngayon.

"Oy Sebastian!"Tawag ko kay Sebastian na hanggang ngayon ay prenteng naka-upo habang nag ka-clan war.

"O bakit Hettata?"Tangina ang bantot naman nun.

"Ilan kayo ngayon dito?"Tanong ko habang tinitignan ang buong shop at binibilang ang mga ka-clan niya na nandito.

"Ako.. si Hendrick, Calibre, at Sabre!"Sabay pakita niya ng apat na daliri na parang bata. Gwapo sana 'tong si Seb kaso parang tanga lang.

"Apat daw sila. Ano game kayo?"Tanong ko. Nakita ko naman na may pumapasok na batang pulubi at ginugulo yungisang nag-lalaro.

"We're five an--"

Glimpse of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon