Napaawang ang labi ko ng makita ko si Tobe na dumaan sa harap ko habang nakasunod sa kanya si Sariah. Si Sariah na mahilig humawak ng salamin. Siya yung inagawan ko ng salamin 1 week ago. Oo, isang linggo na ang nakalipas mula noong nangyari yun. Isang linggo na ako dito.
Mabait naman si Sariah kaya wala akong masabi sa kanya bukod sa pagiging sobrang kikay at habol ng habol kay Tobe.
"Alexander!"Narinig ko pang tawag ni Sariah kay Tobe.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanilang dalawa at tumitig ulit sa mga magagandang tanawin sa harap ko.
Wala kaming klase ngayon. Puro history about Psyche Tatum lang ang pinag-aaralan namin. Baka next week ay mag training na kami.
Napabuntong-hininga ako.
"Kamusta na kaya si tita? Ayos lang kaya siya?"Bulong ko sa sarili ko. Napabuntong hininga ako ulit. "Namimiss ko na si tita."Dagdag ko pa.
"Tulala ka na naman."Sabi ni Juno at inakbayan ako.
Sa totoo lang nakukulitan na ako sa kanya. Isang linggo na siyang dikit ng dikit sakin. Feeling close na siya eh. Lagi kasi akong inaakbayan. Buti na lang mabait ako.
"Hoy pansinin mo naman ako."Sabi niya pa at sinusundot ang tagiliran ko. Tinapik ko ang kamay niya at sinubsob ang mukha ko sa mesa.
Gusto ko na lumabas ng academy na to. Ayoko dito. Hindi ako belong dito.
"Aray ha!"Angil ko kay Juno ng pitikin niya ang noo ko. Hindi ako OA sadyang masakit lang talaga!
"Hehe. Sorry na."At hinalikan niya ang noo ko.
Nanlaki ang mga mata ko at agad siyang natulak ng malakas kaya natumba siya sa kinauupuan niya.
"Aray!"Reklamo niya. Tumayo siya mula sa pagkakatumba at hinimas ang kanyang pisngi.
"Ang sadista mo naman Henrietta."Sabi niya habang nakanguso. Tignan mo parang bakla. Hay ang gulo talaga. Ang gwapong bakla nito.
"Henrietta, Juno, pinapatawag ang lahat ng Warrior ni Senior Efrain. Pumunta na kayo sa hall."Sabi sa amin ni Celiot. Isang estudyanteng warrior. Tumango naman kaming dalawa at sabay na pumuntang hall.
Pag karating namin ay mga lima lang kaming nandoon. Ako, Juno, Sariah, Tobe at si Senior Efrain. Siguro ay tinatawag pa ni Celiot ang sampu pang mga estudyante. Mahirap ang ginagawa niya ha. Ang laki ng academy at labing lima lang kaming warriors ang nandito.
Nakaupo lang si Senior Efrain sa isang upuan habang nakatingin saaming apat na naroon. Nakakailang talaga ang titig sa akin ng mga Seniors. Feeling ko may alam sila na hindi ko alam. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa din alam kung bakit ganito eh. Hindi nag bago ang kulay ng buhok ko at mas naging itim ang buhok ko. Napapansin kong mabilis ang pag haba ng buhok ko ngayong linggo. Hay ka ewanan naman ng mundong to.
"Henrietta."Tawag sa akin ni Sariah. Tumingin ako sa kanya at ngumiti bilang tugon. Nginitian din naman niya ako sabay pulupot ng braso niya kay Tobe.
Sila na ba?
Ang bilis naman ata. Kunwari pa itong si Tobe, malandi din pala. One week of chasing eh?
Natawa ako sa sarili kong pag-iisip at hindi namalayan na nakatingin na silang lahat sa akin at nag-tataka kung bakit ako tumatawa.
Agad kong tinakpan ang aking bibig upang hindi na matawang muli. Lumapit sa akin si Juno at inakbayan ako nito.
"Henrietta.. alam kong maganda ka kapag tumatawa at mas lalo ka talagang gumaganda kapag tumatawa pero pwede mamaya kana tumawa? Baka mapag initan ka ni Senior Efrain.. alam mo naman na mainitin ang dugo niyan sayo."Sabi niya. Tumango ako sa kanya dahil tama siya. Mainit nga ang dugo sa akin ng mga Seniors.
BINABASA MO ANG
Glimpse of Past
FantasiaHenrietta Jimenez. Am I really Henrietta Jimenez? I can't remember a thing about this world. Am I belong here? Or am I not belong to anyone?