[8]Stubborn

17 0 0
                                    

"Uhm. Guys, may hindi pa tayo napupuntahan.."Sabi ko sa gitna nang pag tatalo nilang apat. I mean tatlo lang pala. Asa ka na mag sasalita si Tobe.

"Saan?"Sabi ni Sariah. Tinuro ko sa kanila ang isang kubo sa taas ng burol. Ang hangganan ng border ng Carole.

"Hindi na ata Carole yang itinuturo mo.."Sagot ni Sariah. Nahimigan ko ng pag kainis ang boses ni Sariah. Imagination ko lang ba yon?

Napakamot ako ng batok. Baka hindi niya gusto na kinokontra siya. Edi sige.

"Tama si Henrietta."Napatingin ako kay Tobe na ngayon lang nag salita.

"Tama siya. Kung hindi na Carole yang burol na yan edi sana may mga bantay dyan at sisitahin tayo."Napapatangong pag sang ayon ni Juno.

Tinignan ko si Monet na tahimik lang na nakikinig sa amin.

Silent means yes diba?

"Okay. Aakyatin natin ang burol na yan."Final na sabi ni Juno.

Napadako ang tingin ko sa mukha ni Sariah. Namumula na ito. Marahil ay naiinis dahil kinokontra siya ng lahat.

Nag simula na kaming akyatin ang burol. Mahirap akyatin ito dahil medyo basa ang tinatapakan namin. Muntik pa nga akong dumausdos pababa buti na lang nahawakan ako sa pulso ni Tobe.

"Mag ingat ka naman."Masungit nitong sabi.

Pag katalikod niya sa akin ay agad kong nilabas ang dila ko.

"Utot mo."Bulong ko. Nakita ko siyang napahinto kaya umiwas ako ng tingin at nag kunwaring inosente.

Gusto ko sanang alalayan si Monet dahil alam kong bata lang siya kahit isa siyang Warrior Soul. He's still a young boy. Pero naalala ko na hindi ko nga maakyat mag isa baka madamay lang siya sa katangahan ko. Kawawa naman yung bata di ba?

"We're here."Tahimik na sabi ni Sariah. Bakas pa din ang pag kairita sa mukha nito.

Napanguso ako. Ang highblood niya naman masiyado.

Ako ang unang lumapit sa sa pinto para sana kumatok pero nahaltak ako ni Sariah sa braso.

"Aray!"Angal ko. Masakit yun ha!

Nag marka ang mga kuko niya sa braso ko. Ang lakas niya mang haltak. Kalmutin ko kaya to!

"Wag ka ngang careless. Palibhasa newbie ka lang."Mataray na sagot nito.

"Newbie or not you don't have to grab her arm just like that!"Pag tatanggol ni Juno. Napailing na lang ako.

Kung hindi lang ako mabait sasabunutan ko to.

"Really? Watch."Sabi ni Sariah, pumulot ito ng bato at inihagis sa pinto ng kubo.

Nanlaki ang mata ko nang pagka dikit ng bato sa pinto ay agad itong nalusaw dahil sa apoy.

Duuh! Bato, nalusaw ng apoy? Gosh.

"See? Mas malala pa ang mangyayari dyan sa kamay mo."Nakataray na sabi nito.

Medyo napahiya ako ng konti. Pero still kinalmot niya ako at hindi tama yun.

"Ayos lang ba yang braso mo?"Tanong ni Juno. Tumango ako bilang sagot.

Di naman nakakamatay ang kalmot dipende kung may rabies ang kuko niya ahahahahaha!

"Sir Calix Diodore? Alam po namin na nasa loob kayo."Sigaw ni Sariah.

"Paano niya nalaman na si Calix Diodore nga ang nakatira dyan?"Bulong ko kay Juno.

"Kasi ang mga magagaling at bihasang Maker Soul lang ang nakakagawa ng ganyang barrier. Siguro'y may nakatirang Sealer soul din diyan. Dahil hindi makakagawa ng barrier kung walang Sealer."Pag papaliwanag ni Juno. Tumango ako at napatingin sa bintana ng may napansin akong nakasilip sa maliit na siwang doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Glimpse of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon