Nang matapos ang usapan namin ay pumasok na ko sa sarili kong kwarto. Wow. Mas malaki ito sa malawak na computer shop ni tita. May isang queen-sized bed na kulay puti at isang table sa kaliwa nito. May isa namang book shelf na kakaiba ang design sa kanan nito. Para talagang hotel. I can't believe it na eskwelahan ito.. but alam kong hindi normal ang mga nag-aaral dito. Feeling ko ang alien ko kapag sila ang makakasama ko. Ni hindi ako sigurado kung isa nga ba talaga akong Psyche Tatum dahil ngayon ko lang nalaman ang mga bagay-bagay tungkol sa kanila.
Pumasok ako sa isang pintuan at bumungad akin ang isang walk-in closet. Namangha ako sa ayos ng mga gamit. Ang mga uniform na nakahilera. May mga P.E uniform din na maangas ang disenyo. May nakita din akong kakaibang damit.. kulay black ito na parang pang spy. Ang weird. Hindi ko na lang 'to pinansin at tinignan ang mga sapatos na nakahilera. Ang daming gamit dito. Ang mahal talaga siguro ng binayad ni tita.
Lumabas ako sa walk-in closet at umupo sa kama. Ang lambot. Hindi siguro ako makakatulog agad dahil sobrang lambot nito. Para akong humiga sa tubig. Brr..
Inobserbahan ko pa ang kwarto ko nang marinig kong kumatok si Rogi.
"Henrietta. Labas tayo. I to-tour kita sa buong eskwelahan. Mag-aalmusal na din ako. Tara sabay ka."Gusto ko sanang tumanggi kasi kumain na naman ako pero tour daw eh kaya pumayag na ako. Binuksan ko yung pintuan ng kwarto at lumabas na sa pinaka sala ng kwarto namin dalawa.
Hinatak agad ako ni Rogi pagka-kita niya sa'kin. Di na ako umangal ng nag-lakad kami pababa ng second floor at may hinintuan na isang kwarto. Kinatok niya ang pintuan.
"Mikasa! Mikasaaaaa."Tawag niya. Napahinto siya sa pag-tawag ng may nag-bukas ng pintuan na babae.
Matangkad. Itim ang buhok. Singkit ang mata at mapupulang labi. Pero.. nakataas ang kilay nito. Nakakatakot. Ang ganda pero ang taray ng aura."Wag ka ngang maingay. Hindi lang si Mikasa ang nakatira dito."Mataray na sabi nung babae.
"Whatever, Enir. Hindi ikaw ang hinahanap ko. Are you deaf? Si Mikasa ang hinahanap ko. Baka gusto mo pang i-spellㅡ"Di na nakatapos sa sasabihin si Rogi ng umalis bigla yung Enir.
"Nakakairita talaga 'yan."Nanggagalaiti na sabi ni Rogi. Nag-smile lang ako kasi di ko naman alam yung sasabihin ko. Hehe. Maya-maya nakarinig ako ng isang mahinhin, malamyos at malambing na boses ng babae.
"Rogi.."Tawag nito sa katabi ko. Tinignan ko ang di katangkaran na babae. Sobrang puti nito at ang pula ng labi niya. Mejo makapal din ang kilay at ang tangos ng ilong. In fact, ang cute niyaaaaaa. Mukha siyang anime!
"Mikasa-chaaaan!"Tawag ni Rogi dito at niyakap ito. Oh! Siya pala yung Mikasa. Ang cute niyaaaa!
"Hello din."Mabagal na sabi nung Mikasa. Eeeeh. Pati ba naman pag-sasalita niya ang cute pa din?! Huhuhu. Pigilan niyo ako kukurutin ko 'to.
"Mikasa eto nga pala si Henrietta. Henrietta siya si Mikasa kaibigan ko."Pag-papakilala ni Rogi. Nag-ngitian kami ni Mikasa dahil parehas kaming mahiyain.
Nag-lakad lang kami pababa hanggang sa makalabas kami ng building.
"Ah. Rogi saan nga pala tayo pupunta?"Tanong ko. Nakalimutan ko kase. Hehe.
"Ah! Sa Rylfaen building."Rylfaen? Saan yun. *kamot ulo*
"Di mo nga pala alam kung saan 'yun. Hehe. Sorry!"Dagdag ni Rogi.
"Kung saan ka nag-register kanina dun ang faculty at registrar office ng buong school. Ang tawag sa building na 'yon ay Kalfaen. Yung kasalungat naman na building ng Kalfaen ay ang Rylfaen. Sa Rylfaen kasi ang cafeteria, infirmary, library, soul's room, gym, pool at ang training field."Ang cute naman ng mga pangalan ng building nila. Hehehe. Parang fagkaen.
![](https://img.wattpad.com/cover/50515042-288-k559383.jpg)
BINABASA MO ANG
Glimpse of Past
FantasyHenrietta Jimenez. Am I really Henrietta Jimenez? I can't remember a thing about this world. Am I belong here? Or am I not belong to anyone?