[2]NEW SCHOOL

21 0 0
                                    

Sht. Hindi pala ako na nanaginip. Kinurot ko na yung braso ko pero wala pa din.

"S-sir? Bakit p-po? Paano?"Tanong ko na naguguluhan. Ayokong umiyak. Nakakainis! Ano na lang sasabihin ko kay tita?

"Ms.Jimenez, alam mo naman siguro na nag-babawas tayo ng estudyante dahil over-populated na ang school na ito. Alam ko naman na may kakayahan kang lumipat sa pribadong paaralan. Napag kasunduan na namin ng mga guro dito na ikaw na lang ang tanggalin sa school. Ang sabi ng mga subject teachers mo ay lagi mo daw silang tinutulugan sa klase. Nagugulat pa nga daw sila kung bakit mataas ka sa mga quiz. Ang hinala nila ay nandaraya ka. Alam mo naman na bawal yun diba?"Gusto kong tumawa sa sinabi niya. Really? Ako? Nandadaya? Eh kung isampal ko kaya sa kanila yubg mga libro at notes ko! Bakit di ba uso mag-basa pag-uwi ng bahay?! Masiyado silang judgmental!

"Sir. Kaya ko pong patunayan na hindi ako nandaraya. Kahit on the spot na test any subject ay sasagutan ko sa harapan niyo. Hindi ako nag-mamakaawa na bawiin niyo yung desisyon niyo. Ang gusto ko lang ay linisin ang pangalan ko. Sa mga tingin sa akin ng mga kaklase ko kanina ay kita ko na para bang di sila makapaniwala! Kaya pala. Sinabi niyo sa kanila na nandadaya ako lagi? Well, sir can I take an exam now?"Matapang kong sabi. Naiinis ako! Bakit ko pa ipagsisiksikan ang sarili ko dito sa school na ito kung may galit lahat sa'kin ang mga teachers ko? Naimpluwensya pa nila ang principal! Aba magaling.

Pumayag siya at may tinawagan sa telepono.

Maya-maya pa ay dumating ang OIC ng Math department, Science department, English department at Filipino department. Wow. So, talagang ang big deal nito para sa kanila? Biruin mo napapunta ko lahat ng department heads dito.

"Mrs.Vitorio give the test paper,"Agad naman binigay sa akin ng OIC ng English ang test paper. Tinignan ko ito at ito yung tinest namin nung 1st quarter. Akala ata talaga nila bobo ako. Tae. Sarap mag-mura pero ayoko. May respeto pa naman ako sa kanila papaano.

"The test have 50 items. I will give you 20 minutes to answer that. The passing score is 35."Sabi ni Mrs.Vitorio. Gusto ko sana sumagot ng 'K' pero siyempre pinigilan ko.

Hm. Puro part of speech, grammatical test, spelling and story reading lang naman ito kaya madali lang.

After 18 minutes
"Finish."Sabay taas ko ng papel. Tinignan ako ni ma'am Vitorio at napataas ang kilay niya. Pero inabot naman agad yun at nag-simula na siya mag-check.

"Mrs.Tanagon give the Math test paper."Sabi ni sir. Inabot naman sa akin yun ng OIC ng Math. Aaminin ko. Mahina ako sa Math ng konti. Pero hangga't kabisado ko ang mga formula kaya ko yan! Tiwala lang. Lilinisin ko lang pangalan ko!

"50 items. The passing score is 25. I'll give you 40 minutes."Sabi ni Mrs.Tanagon.

Pagka-tigil niya mag-salita ay agad akong nag-simula mag-sagot. This is not easy like English but I assure you that I will pass this test.

After 39 minutes
"Finish."Sabi ko sabay pahid ng pawis ko sa noo. Grabe buti na kaya ko. Kinuha naman ni Ma'am Tanagon yung papel ko at nag-simula na ulit mag-check. Napatingin naman ako kay Ma'am Vitorio at di'ko mabasa ang ekspresyon niya. Nakatingin lang siya sa test paper ko nang mabuti.

"Bb. de Dios."Sir.

Inabot sa akin ni Ma'am Aida yung papel na hawak niya.

"Bibigyan kita ng isang oras. Hanggang isang-daan ang bilang ng mga aytem dyan sa pag-susulit."Tumango ako at nag-sagot na agad.

"Hmm."Tinap-tap ko pa ang ballpen ko habang nag-iisip ng sagot. Pilit na inaala sa mga nabasa ko sa notebook ko.

Pag-daan ng apatnapung minuto..
"Tapos na po."Magalang kong sabi. Tumango naman si Ma'am de Dios at nag-simula nang mag-check ng papel ko. Tinignan ko ang OIC ng MATH at ENGLISH na seryoso lang ang tingin sa akin. Binalewala ko naman yun at nag-iwas ng tingin.

"Mr.Daz give the test question."Tumango naman ang OIC ng Science at binigay sa akin ang papel.

"I'll give you 45 minutes to answer all the questions. 60 items."Sabi niya nang tipid. Natatandaan ko na may galit sa akin 'yang OIC na yan. May pagka-bakla kasi yan si Sir Daz at kpopfan. Nung nalaman niyang fan ako ng SJ ay tinanong niya agad kung sino ang bias ko. Sabi ko si Eunhyuk. Para ngang umilaw yung mukha niya eh. Sa kanya lang daw si Siwon. Akala ko nag-bibiruan lang kami kaya sinabi kong bakla si Siwon at supot. Malay ko bang seryosohin niya 'yun?

Well, back to the test. Nasabi ko na ba na I love Science? So, this will be easy as easy.

After 15 minutes..
"I'm finish!"Masigla kong sabi. Bigla naman nag-bago ang ekspresyon ni sir Daz.

"Look-like you take for granted the Science subject eh?"Sabi niya sa tono na may halong dismaya. Di'ko siya pinansin at ibinigay na lang ang papel ko.

"Okay. We will just wait for your score in Science."Sir Principal. Tumango naman ako at nag-hintay kami na matapos si sir Daz.

After 6 minutes..

"Done."Sabi ni sir Daz.

"What's her score in English?"Sir principal. Nakatingin lang ako sa lapag habang nag-hihuntay ng sagot.

"S-she got 48 Mr.Principal. Only two mistakes. I re-check it for about 6 times."Mrs.Vitorio said.

Napangisi naman ako habang nakayuko.

"Math."Mr.Principal.

"She got 38 over 50 Sir."Mrs.Tanagon stated.

"Filipino."

"Nakakuha siya ng kabuuang marka na 83."Mas lalong lumapad ang ngiti ko. Hehe.

Tinignan ko naman ang principal ngayon na para bang hindi makapaniwala.

"Science!"Pasigaw na sabi ni Sir.

"S-sir! She got p-perfect score. I don't know how she did that! Maybe there are papers under her table. Kodigo!"Sabi ni sir Daz at agad na lumapit sa akin. Hinatak niya ang braso ko paangat kaya naman nasaktan ako. Tinignan niya ng parang tanga ang ilalim ng lamesa na pinag-patungan ko. Akala ba talaga niya mandaraya ako? Pwes mapagod siya dyan kakahanap.

Glimpse of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon