[3]TISA

17 1 0
                                    

May sumundo sa akin na lalaking estudyante na naka salamin. Sabi nung babae na kausap ni tita kanina sundan ko daw kaya ginawa ko.

Hindi naman nag-sasalita yung lalaki. Nag-lalakad lang naman siya. Pansin ko lang din. Parang walang pakielam yung mga ibang estudyante na may transferee dahil di man lang sila lumingon nung dumaan kami sa gitna. Yung parang park. Kamukha ka nga nito ang Burnham park sa Baguio. Yung klima din dito malamig kaya mga naka longsleeve sila.

Bahagya akong nagulat ng lagpasan namin ang pinaka-malaking building sa gitna at dumiretso sa likod nito.

Nanlaki ang mata ko at lalong namangha nang bumulaga sa akin ang isa pang malaking building na pahaba at may 6 floors. Napansin ko din na sa likod ng building kanina sa harapan. Sa dinaanan namin kanina na may malaking stage sa likod nito at malawak na space. Then pagka-tapos ng malawak na space parang Burnham Park na may malaking fountain sa gitna. Tapos yung building nga na malaki.

Grabe! Akala ko malaki na yung nasa harap na tatlong building. Sa tingin ko itong building na pupuntahan namin ang pinaka-malaking building dito sa TISA.

Nilagpasan namin ang mga estudyante sa gitna at pumasok kami sa malaking building. Kahit na parang kamukha nito ang unang napasukan kong building kanina e di'ko pa din mapigilan ang humanga sa itsura ng building na 'to.

Sa 1st floor siguro ay mayroong 20 rooms. Binilang ko kasi yung mga pintuan. 10 sa kanan at ganun din sa kabila. Ang nag-seseparate lang ay isang hagdanan na engrande paakyat ng second floor. Mag-kakamukha ang hallway ng 1st at 2nd floor. Pati yung mga pintuan ewan ko kung ganun din ang loob nito.

Nang umakyat kami ng 3rd floor nag-lakad kami pakanan at umistop sa pang-limang pintuan. Kumatok siya doon at maya-maya ay may nag-bukas na babae na blonde ang buhok. Hindi siya mukhang amerikana. Mukha siyang pilipina na nag-kulay lang ng buhok. Hehe.

"Rogi."Tawag nung lalaking kasama ko sa babae. Tumango naman yung babae at ngumiti sa akin.

"Aayusin ko lang ang mga kakailanganin niya dito sa school. Ikaw na bahala sa kanya."At bigla na lang umalis yung nakasalamin.

"Pasok ka."Paanyaya sa akin nung Rogi. Nung una ay nahihiya pa ako pero pumasok na din ako.
Syet! Para talagang hotel! Ang ganda ng kwarto! Hihihi.

"Upo ka muna?"Rogi.

"Henrietta."Pag-sabi ko ng pangalan ko. Tinignan naman niya ako ng may pag-tatakha.

"Ah! U-upo ka muna. Ipapaliwanag ko sa'yo ang rules ng TISA at feel free to ask questions."Sabi niya. Sabay kaming umupo sa sofa at humarap sa isa't-isa.

"Ano.. Rogi.. bawal bang lumabas dito sa school?"Tanong ko agad.

"Bawal. Isa yung pag-labag sa rules of Tatum Independent Soul Academy."Alien ba siya o ano? Di'ko ma-gets!

"Ano?"Napakunot naman ang noo ni Rogi sa tanong ko.

"Diba Trinity Institute School of Arts to? Ano yang sinasabi mong Tatum chuchu eklavu?"Natawa naman si Rogi sa sinabi ko.

Nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng kaluluwa na babae sa likod ni Rogi.

"Mu-multo!"Nanginginig kong turo sa likod ni Rogi.

"AAAAAAAH!"Tili ko at tumakbo sa pinto at akmang bubuksan ito ng lumitaw ang multo sa harapan ko.

"AAAAAAAAAAH!"Sigaw ko pa at tumakbo sa tabi ni Rogi at agad siyang niyakap ng mahigpit. Pumikit ako ng mariin. Huhuhu. Ano ba 'to! Bakit bumukas ang third eye ko?! Huhuhu.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Rogi. Loka-loka ata 'tong roommate ko!

"Henrietta? Ano ka ba wag ka matakot kay Shimba. Guardian Soul ko siya."Natatawang sabi ni Rogi. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko yung multo sa harapan ko. Ngayon ko lang napansin na maamo ang mukha nito. Huminga ako ng malalim.

"Maling school ata ang napasukan ko."Sabi ko kay Rogi. Umiling naman agad siya at nag-salita.

"Tanging mga Psyche Tatum lang ang maaaring makakita sa mga Guardian Soul."Paliwanag niya.

"Ano.. teka! Normal lang ako. Normal na teen ager!"Pag-papaliwanag ko.

"Kung isa kang normal human hindi mo makikita si Shimba. Nung nilabas ko si Shimba nakita at nadama mo agad ang presence niya. It means isa kang Psyche Tatum."Umiling ako.

"Hindi ka makakapasok dito at hindi mo mahahanap ang school na 'to kung normal na tao ka lang. Tanging ang may mga dugo lang ng Psyche Tatum ang nakakakita ng school na ito. Ang normal na Psyche Tatum ay inaabot ng dalawa hanggang tatlong oras para mahanap ang school na ito. Samantalang ang mga higher tatum ay isang oras lamang."Nagulat ako. Normal lang naman kami ni tita ah! Imposible. Walang nababanggit si tita tungkol dito.

"Paano mo maipapaliwanag na nung nag-enroll kami ni tita puro itong school ang tinuturo nila? Ibigsabihin sikat 'tong school na ito."Napatango ako sa sarili kong ideya.

"May mga graduated seniors dito na matataas ang mga estado sa lipunan at pamahalaan. Alam mo kasi kapag nakakita tayo ng mga katulad natin iba ang feeling. Kung mas malakas ang life and soul power sa atin makakaramdam tayo ng kakaibang chill. Yung parang nilalamig ka at pinag-papawisan. Hindi ka din mapakali. Dahil sa mas malakas ang life and soul power nila sa'yo na te-threathened ang soul natin. Para bang adrenaline rush."Tumango-tango ako.

"Seriously Rogi? Wala akong kaalam-alam tungkol sa school na 'to. At kung anong ginagawa ko dito dahil wala naman akong ideya na isa ako sa inyo. Walang binabanggit si tita."Tinignan niya ako ng seryoso.

"Sino ang kasama mo pumunta dito?"Tanong niya. Nagulat ako nang maalala ko si tita. Imposible! Parang kabisado ni tita ang papunta dito. Pati buildings! Hindi kami nag-tanong ni tita kahit kanino sa mga estudyante kung nasaan ang registration office at bugla na lang siyang pumunta dun sa building na 'yon! Hindi kaya nag-aral din dito si tita? Walang nababanggit si tita about sa school na pinasukan niya. Hindi ko din alam ang course niya. Basta ang alam ko tapos siya ng college.

Sumakit ang ulo ko. Nag-sisimula nang dumami ang mga tanong sa utak ko. Nakakainis naman oh!

"Henrietta?"Tawag sa akin ni Rogi.

"Hm?"Sagot ko.

"Sino kasama mo pumunta dito?"Tanong niya ulit. Nag-aalangan pa akong sumagot pero mas pinili kong maging tapat.

"Ang tita ko."Tipid kong sagot. Tumango-tango naman siya.

"Ilang oras kayo inabot?"Ayoko sanang sagutin ang tanong niya kaya tumahimik ako at nag-isip kunyari.

"Di'ko matandaan."Mukha naman siyang naniwala at di na nag-tanong.

Isa ba akong Psyche Tatum? Paano? Eeh. Sa buong existence ko sa mundong 'to ngayon ko lang nalaman ang mga bagay na ito. Napaka imposible talaga! O sinadya talagang hindi paalam sa'kin ni tita? Pero bakit? Hangga't maaari ayokong pag-isipin ang sarili ko. Ayokong ma-stress. Nakakapangit kasi 'yun. Haha. Kalag bumisita siguro si tita dito or pwede kaming lumabas dito saka ko na lang itatanong kay tita. Tama. Ganun nga.

"Oo nga pala Henrietta yung kwarto ay sa sa kanan okay?"Paalala ni Rogi. Tumango naman ako sa sinabi niya.

"R-rogi.. kung isa nga akong Psyche Tatum ibigsabihin ba nun ay meron din akong Guardian Soul?"Nag-aalangan kong tanong. Malay mo nga totoong Psyche Tatum ako diba?

"Lahat ng Psyche Tatum merong Guardian Soul. Meron ka panigurado. Hindi pa siguro handang lumabas dahil hindi mo pa siya kayang i-tame. Kusang lalabas ang mga Guardian Soul kapag kaya mo na silang i-tame."Pag-papaliwanag niya.

"Paano ko siya matatame?"Tanong ko pa. Ang gulo naman.

"Kapag malakas na ang Life and Soul power mo. It means kailangan mo mag-palakas ng physically and mentally."Tumango-tango naman ako sa sinabi niya kahit medyo magulo pa. Hindi ko ma-digest masiyado. Parang umaapaw pa ang mga knowledge sa aking precious brain.

"Alam kong naguguluhan ka pa. Don't worry kapag nag-tagal ka dito siguradong maiintindihan mo."

Napatango ako sa sinabi ni Rogi. Ang gulo. Sobra. Paano ako napunta dito? Hindi ko talaga maimagine na may lalabas na isang Guardian Soul sa likuran ko. Seriously?! WTH.

Glimpse of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon