Nag-unat ako ng aking mga kamay at humikab ng pagkalakas-lakas.
"Teka nasan na ba ako?"Tanong ko sa sarili ko nang ilibot ko ang aking paningin sa paligid. Hindi ito yung kwarto namin ni Rogi. Ibang kwarto na ito.
Napagpasyahan kong tumayo at lumabas ng kwartong ito. Teka? Ibang kwarto na nga ito. Parang dormitory. Paglabas ko ng kwartong yun eh hindi sala ang bumungad sa 'kin kungdi iba pang mga pintuan at hagdanan pababa. Nasaan ba ako? Sa pagkakaalam ko lahat ng kwarto sa academy na 'to dalawang estudyante ang nag hahati.
Pababa na sana ako ng hagdanan ng may bumukas na pinto at agad kong nilingon yon. Iniluwa nito ang isang naka all black na Alexander Tobe. Teka nga! Sa pagkakaalam ko warrior soul siya.So, ang lugar na ito ay lugar ng mga warrior soul.. nandito ako.. so.. warrior soul ako? weh? di nga?
Napansin siguro ako ni Alexander kaya lumingon ito sa 'kin at tinitigan ako. Nag-iwas naman ako at tinungo ang hagdanan pababa.
Humikab ako habang nag-lalakad pababa ng naramdaman kong sumasabay sa pag-lalakad sa hagdanan si Alexander.
"Uhm. Alexander di 'ba? Ano ba nangyari kanina?"Tanong ko sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad at ganun din ako. Tinitigan lang niya ako saka naglakad para lagpasan ako. ABA BASTOS YUN AH!
Pahiya ako dun bwisit.
"Hoy Tobe!"Sigaw ko sa kanya. Napahinto naman siya agad. Sumilay ang mala ngiting-demonyo sa mga labi ko. Nag-lakad ako pababa ng hagdanan at nilagpasan siya.
Naka-ganti ako! Wahahahahaha.
"Isip bata."Narinig kong bulong niya sa likod pero di ko siya pinansin at dumiretso na sa baba.
Pag-kababa ko ng hagdan nadatnan ko ang lahat ng estudyante na may kulay abong mga buhok. Nanlaki ang mata ko.
SERYOSO? BAKIT PURO WARRIOR SOULS ANG NANDITO?!
Nakita ko naman na may hawak ang isa sa mga estudyante na salamin at agad ko itong kinuha. Laking gulat ko ng hindi naman nag bago ang kulay ng buhok ko. Bakit nandito ako? Di 'ba dapat kulay abo din ang kulay ng buhok ko?
"Sorry.. hehe."Sabi ko sa babaeng kinuhanan ko ng salamin at isinauli sa kanya.
"Ayos lang."Tipid niyang sagot.
Gusto ko sana mag-tanong kung ano ginagawa ko dito dahil hindi naman ako kasali sa type nila. Umuurong ang dila ko mag-salita dahil nakaka intimidate ang existence nila. Biruin mo yun lahat sila abo ang kulay ng buhok ako lang ang hindi. Kumbaga alien ako dito.
Natahimik ang lahat ng estudyante. Ang iba'y nakaupo sa sofa, ang iba ay nakaupo sa lapag at ang iba ay nakatayo lang kagaya ko. Nakikipag titigan sa isa't-isa, nakikipag paramdaman. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko. Nakakahiya talaga dahil kung maka tingin sila sa akin akala mo alien ako.
Hinawakan ko ang buhok kong tuwid at itim.
Wala naman pinag bago ito. Makintab, mahaba at itim pa din. Napakamot ako ng batok. Ano ang ginagawa ko dito kung ganun? Sana naman ay may mag paliwanag sa akin kasi naguguluhan ako.
Habang tahimik ang lahat ay biglang bumukas ang pintuan sa harap naming lahat at lahat sila'y nag-tayuan ng tuwid. Umayos din ako ng tayo kasi nakakahiya baka sabihin bastos ako di 'ba? di'ba?
Nag-lakad papasok ang isang matandang babae na abo ang buhok at tinignan kami isa-isa. Ang kinakatakot ko ay nang bigla siyang huminto mismo sa harapan ko habang matamang nakatitig sa akin.
"Henrietta hindi ba?"Tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kaba. Baka paalisin na ako dito. Hindi naman kasi ito ang type ko. Nakakahiya lang.
Tinitigan niya ako ng mabuti bago mag-lakad paharap sa aming lahat at nag salita.
BINABASA MO ANG
Glimpse of Past
FantasyHenrietta Jimenez. Am I really Henrietta Jimenez? I can't remember a thing about this world. Am I belong here? Or am I not belong to anyone?